“Magnanakaw!" Sige lang siya sa pagbalibag ng kung ano sa bulto ng katawang natuklasan niyang nakahiga ng patagilid at paharap sa dingding. Kaninang bago patayin ang ilaw sa sala, sigurado naman siyang walang ibang tao maliban sa kanya. Kung masamang tao man ito, o mga tauhan ni Sir Deon a natunton ang kinaroroonan niya, makikipagbuno muna siya bago siya maisama nito. "Eli, ano ba?!" Panandalian siyang nag-freeze. Eli. Kilala siya ng lalaking bahagyang nangangamoy alak. Mas lalong kilala niya ang boses na iyon na sa pakiwari niya ay nasa malapit lang sa kanya. "L-lorenzo?" Saka niya natantong hawak-hawak na nito ang dalawang braso niya at nauunano siyang nakatingala sa matangkad at matipunong lalaki na ngayon ay tanging ilaw na nagmumula sa silid niya lang ang nakatanglaw. "It's jus

