Kumusta ka na? The most cliché of all cliché questions na sinabi niya sa kawalan ng masasabi. Natatawa siya, napapailing. Bigla na lang kasi ang pagkabog ng dibdib niya sa sandaling narinig ang boses ni Elisa. Then he realized how much he missed even the sound of her voice. Gago talaga siya. Kagat-labing nakangiti siya habang isinandal ang buong katawan sa swivel chair at nakatutok sa ceiling at nilaro-laro ng mga daliri ang phone. All his life, dinadaan-daanan at iniignora niya lang si Eli. He never treated her with respect. Ikakasal na siya't lahat ay nagawa pa niyang i-entertain ang ganitong mga isipin. The thought vanished his smile away. Sunod-sunod ang naging pagbuntong-hininga niya. Gusto pa ba niyang matuloy ang kasal nila ni Margaux? His answers are as vague as his feelings.

