Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Elisa. Ngayon nga ay nasa poder na siya ni Audrey. Bagama't malayo ang agwat nila sa isa't-isa, taos-puso ang pagtanggap at pakikitungo nito sa kanya. Parang Ate, kaibigan at boss. Nahanap niya sa katauhan nito si Margaux. Higit sa lahat, binigyan siya ng paraan para makaramdam ng self-worth sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng trabaho. Bilang may experience at alam sa accounting ay siya ang ginagawa nitong bookkeeper sa shop nito. Accessories at kung anu-anong mga imported home decors ang karaniwang ibinibenta. Hindi naman niya kailangang magbabad at tumao sa shop, araw-araw na idinaraan ni Audrey sa kanya ang mga resibo, envoices at kung anu-anong records ng tindahan nito sa condo unit na pansamantala nitong pinapagamit sa kanya. Buong akala n

