Leandro's P.O.V Hindi na ako nakatulog at ganoon din ang iba. Kasalukuyan naman kaming naghahanda para sa umagahan namin ngayong araw. Unti unti na ring bumababa ang iba mula sa taas kaya naman inihanda na namin ang lamesa para sabay sabay kaming maka kain. "Leandro, maupo kana kaya hindi ba at masama para sa iyo ang mapagod at saka wala ka pang tulog hindi ba?" Nag-aalalang sabi ni Reiz sa akin. "Ah hindi ayos lang naman ako at saka kaya ko na naman 'wag ka mag alala," sabi ko sa kaniya at saka ngumiti. "Basta pag pagod kana maupo ka na lang ha," sabi niya at saka umalis para bumalik sa pagluluto. Nagpatuloy naman ako sa pag aayos ng lamesa. Nilagyan ko ng mga plato at kutsara ang bawat tapat ng upuan. Inayos ko na rin ang paglalagyan ng kanin at ulam at ganoon din ang mga basong gag

