Leandro's P.O.V Alas otso na ng umaga ng magising ako at napansin ko kakagising lanb din ng iba naming kasama. Agad akong dumiretso sa kusina para maghilamos at magtimpla ng kape. Hinanap ko naman agad si Sachi at nalaman kong nasa labas siya kasama sina Gavreel kaya naman dumiretso ako roon habang dala dala ang kape ko. Nakita ko naman sila na nag-uusap at agad akong lumapit para sumali sa usapan nila. At napansin ko ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. "Oh? Bakit parang nkakita kayo ng multo?" Pagtatanong ko sa kanila. "Wala masyado lang mahalaga ang pinag-uusapan namin at akala namin kung sino ka na," pagsagot ni Reiz. "Uhm ano bang pinag-uusapan niyo?" pagtatanong kong muli sa kanila. Nagtitigan naman silang tatlo at saka sumagot si Reiz sa tanong ko sa kanila. "Sa tingin nam

