Faith's P.O.V Nang mahuli kami ni Anika kanina ay nagpanggap akong patay gaya ng sinabi ni Gavreel kaya naman iniwan na rin ako ni Anika at tanging si Sachi at Gavreel lang ang dinala niya. Nang maka alis na sila ay agad kong sinubukang tumayo ngunit hindi ko magawa kaya naman ang ginawa ko na lamang ay gumapang papunta sa loob. Ramdam ko na ang labis na sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko at namamanhid na rin ang aking mga binti. Pinilit ko ang aking sarili hanggang sa marating ko ang bodega agad akong sumigaw at tinawag si Lance. "L-lance, paki-usap s-sumagot ka!" Pagtawag ko sa kaniya. Kahit sobrang hirap na akong makapagsalita ay pinilit kong sumigaw upang makuha ko ang atensyon niya. "L-lance, paki-usap i-ikaw na lang ang n-natitirang pag-asa nina Leandro!" Pagpapatuloy ko.

