Sachi's P.O.V Kaagad kaming tumawag ng ambulansya upang madala sa ospital sina Gavreel lalo na i Faith. Nang makatawag kami ng tulong ay agad kaming bumaba ni Reiz upang tignan sina Leandro at Kate dahil mataas din ang binagsakan nila. Napansin naman namin si Faith na nakasandal sa pader papasok sa bodega at agad ko namang sinabi kay Reiz na puntahan muna ito upang tignan ang kalagayan at saka ako dumiretso sa labas at hinanap kung saan bumagsak sina Leandro. Sa tulong ng flashlight ay mabilis ko siyang nahanap at nag iisa lamang siya at wala ang katawan ni Kate. Agad akong lumapit sa kaniya at tinignan ang pulso nito at nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtantong ligtas pa rin siya at wala lamang malay. Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig ko na ang tunog ng ambulansya at saka

