Reiz's P.O.V Kaagad kaming bumalik ng ospital para makita ang kalagayan nina Gavreel mabuti na lang at pinayagan kaming sa isang kwarto lang silang tatlong pasyente kaya hindi medyo mahirap. Nang makarating kami sa ospital ay kaagad kaming dumiretso sa kwarto at nakita ko namang nag uusap usap sila. "Mabuti naman at gising na kayo," masaya kong pagbungad sa kanila. "Si Sachi hindi niyo ba siya kasama?" Pagtatanong ni Leando sa akin. Nagkatitigan naman kaming dalawa ni Gavreel para malaman kung ano ang isasagot namin. At tumango naman ito sa akin. "Ang totoo niyan Leandro kasi ano eh.. nawawala si Sachi simula kagabi," pagbubunyag ko sa pagkawala ni Sachi. "Bakit? Paano? Hindi niyo pa ba siya nahahanap?" Sunod sunod niyang tanong sa akin. "Hinanap namin siya kanina sa huling lokasyon

