Leandro's P.O.V Maaga akong nagising ngayon at agad akong bumaba sa kusina para makapaghilamos. Nakita koa naman ang iba na nasa sala habang tahimik at may kaniya kaniyang ginagawa. Dumiretso ako sa kusina at saka naghimalos ng mukha pagkatapos ay nagtimpla akong kape para samin ni Sachi. Matapos kong makapagtimpla ay kumuha rin ako ng tinapay sa kabinet at saka bumalik sa itaas. Nang makabalik ako ay gising na si Sachi at mukhang kababangon niya lang mula sa higaan. Agad ko naman siyang inalok ng kape at agad niya rin iyong kinuha at nagsimula na kaming uminom at kumain ng tinapay. "Kumusta sa baba? Mukhang tahimik ah," pagbasag niya sa katahimikang bumabalot saming dalawa. "Ganoon na nga, siguro ay hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari sa kanina," pagsagot ko naman sa kaniya. "

