Leandro's P.O.V Alas diyes na ng gabi at nandito ako ngayon sa terrace habang nakaupo at umiinom ng mainit na kape. Tahimik ang paligid at masarap ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. Pinagmasdan ko naman ang mga bituin sa langit at ang malaking buwan na nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim. Habang pinagmamasdan ko ang mga bituin ay naaalala ko ang mga kaklase naming pumanaw na at iniisip ko na sila ang mga bituin na nakikita ko sa langit. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah," mga salitang mula sa likuran ko na agad kong nilingon para malaman kung sino iyon. "Patabi ako ah," sunod nitong sabi at saka umupo sa tabi ko dala dala ang isang monoblock na upuan. "Alam mo pwede ka namang mag-kwento kung may gumugulo sa isip mo," sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. "

