Reiz's P.O.V Kanina ay ipinaliwanag sa akin ni Faith na hindi si Leandro ang namatay kundi si Rafeal. Dinila naman sa ospital si Leandro matapos siyang hampasin ni Rafael ng flower base sa kaniyang ulo. Sa tingin ko ay nagalit ito kay Leandro dahil siya ang dahilan kung bakit siya natalo at mapaparusahan. Dahil sa nagsinungaling si Rafael ay mapaparusahan siya at matatanggal sa laro. Iniwan ko naman saglit si Sachi para bumaba sa kusina at maka-inom ng kaunting tubig. Nang makababa ako ay malinis na ang kalat kanina sa sala. Dumiretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig at naabutan ko roon si Gavreel na naghuhugas ng mga pinggan. "Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Hindi ba at hindi naman ikaw ang naka-assign ngayong araw?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Hindi ba at wala si Rafael? At da

