Leandro's P.O.V Nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba na naging dahilan kung bakit ako nagising mula sa pagtulog ko. Dahan dahan akong tumayo at saka bumaba para silipin kung ano ang nangyayari. Nang makababa ako ay nakita ko silang lahat na nagkakagulo dahil sa isang kahon na hindi ko alam kung anong mayroon doon. "Anong nangyayari? Bakit kayo nagsisigawan?" Pag agaw ko sa atensyon nilang lahat. "Buti na lang at gising kana Leandro. Wala kasi si Gavreel kaya naman ang hirap nilang pagsabihan," natutuwang bungad ni Faith. Dahan dahan naman akong lumapit at saka kinuha ang kahon mula sa kanila. At saka tumingin sa mga ito at saka naman sila natauhan at huminahon. "Ngayon bakit kayo nagkakagulo para sa isang kahon? At saka saan ba ito galing?" Sunod sunod kong tanong sa kanila. "Dinala

