Leandro's P.O.V Nagising ako dahil sa kaguluhan mula sa ibaba kaya naman mabilis ko iyong sinilip at nalaman kong nagkakasiyahan lamang pala ang bawat. Dahil nasa baba na rin ako ay dumiretso na ako sa kusina para mag himalos at makapag kape. Pagkatapos ay dumiretso ako sa sala para maupo. Nakita ko naman don sina Gavreel at Lance na naglalaro ng chess. "Mukhang pagod na pagod ka ah," pagbungad sa akin ni Lance. "Medyo, nahihirapan akong makatulog minsan eh," pagsagot ko sa kaniya. "Ganoon ba? Siguro kailangan mo lang magpahinga at saka ilang oras ka lang nakatulog ngayon 'di ba," suhestiyon niya. "Oo nga at saka mukhang 'di pa rin maganda ang kalagayan mo," sabat naman ni Gavreel. "Ano pa lang balak nating gawin ngayon?" Pagtatanong ni Lance. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko al

