Leandro's P.O.V Mula kanina ay hindi pa rin nakakabalik sina Lance. Tapos na rin kami maka kain at kasalukuyan na kaming naglilinis at ang iba naman ay nagpapahinga sa sala habang nanonood. "Leandro kumusta na ba ang sugat mo?" Pagtatanong ni Reiz. "Ah okay na naman hindi na rin siya nasakit at medyo naghihilom na rin ang sugat," pagsagot ko sa kaniya. Tumango naman siya bilang pag sang ayon at saka nagpatas ng mga plato sa lagayan nito. Matapos namin makapaghugas ng pinggan ay pumunta na kami sa kusina kung nasaan ang iba at nanonood ng TV. Maya maya lamang ay dumating na sina Lance at agad na nagbalita tungkol sa kalagayan ni Vince sa ospital. "Hindi pa rin okay ang kalagayan niya pero sa tingin ko naman ay kakayanin niya tiisin 'yon at makaka-survive siya sa parusa niya," pagpapa

