Leandro's P.O V Ala singko na ng hapon ng makabalik sina Reiz at kasama nila si Vince at medyo nanlalambot pa ito at may nakakabit pang dextrose sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan nina Lance na makaupo at makahiga sa sofa. Sa ganiyang kalagayan mukhang mahihirapan iya sa susunod na misyon. "Buti pumayag ang doctor na ilabas niyo siya ng ospital," sabi ni Reiz. "Actually, hindi pumayag ang mga doctor at nurse pinilit lang namin na mailabas siya at wala naman ng nagawa ang mga doctor," pagsagot ni Trisha. "Kumusta ba pakiramdam mo Vince?" Pagtatanong ni Sachi. "Sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko at nahihilo pa rin ako," pagsagot nito. Hinayaan naman namin siyang matulog muna para makakuha ng sapat na lakas at maipahinga niya ang katawan niya mula sa malayong byahe kanina. Pa

