Leandro's P.O.V Malayo pa kami sa kalahati ng Mt. Doji at 1:30 na agad ng madaling araw. Pagod na rin ako at hinihingal na sa pagtakbo mabuti na lang at nakabili kami ng tubig sa mga bukas na conveniet store sa gilid gilid. Nagpatuloy naman kami sa pagtakbo matapos namin makabili ng tubig dahil bawat oras ay mahalaga para sa amin dahil may hinahabol kaming oras at buhay ang nakasalalay rito. Mabilis kaming umakyat sa by pass ay dumaan dito dahil mas malapit ang daan sa kabila paputang Mt. Doji. Bigla namang bumalik sa isip ko ang alaala ng nakaraan. Muli kong naisip at naalala sina Ayesha, nung oras na balikan ko siya sa simula ng laro at buhatin hanggang sa makarating kami sa bundok. Ang kaguluhan na nangyari at awayan ng mga kasama namin noon. Sa misyong iyon ay marami sa amin ang naw

