Leandro's P.O.V Pasikat na ang araw at nag-iisip pa rin ako sa kung ano ang tinutukoy sa ibinigay na clue kanina sa mensahe. Tall, dark and nevermind. Mahirap matukoy kung ano ang tinutukoy rito sa clue. "Guys, may naisip na ba kayo? Tungkol sa clue na ibinigay?" Pagtatanong ko at napatingin naman sila sa akin.. Umiling sila na ang sagot ay hindi at wala pa rin silang kasagutan dito. Muli akong nag-isip tungkol sa clue at sinusubukang i-analyze ang lahat. "Malapit nang sumikat ang araw at nasasayangan na tayo ng oras dito," sabi ni Faith. "Mukhang alam ko na kung ano ang sagot," sabi ni Gavreel. "Tall, dark and nevermind. Sa unang description pa lang magkakaroon ka kaagad ng ideya, Tall, maaaring ito ay tumutukoy sa isang mataas na bagay gaya ng puno. Dark, naalala niyo ba ang sunog

