Leandro's P.O.V
Kagabi ay naka-usap ko si Kate ng makabalik siya matapos nila mag-usap ni Gavreel. Nalaman ko na hindi pa rin niya natatanong si Gavreel tungkol sa mga nalalaman niya. At sinabi ko naman na mamaya ay kailangan na naming maka-usap si Gavreel dahil kung totoo ngang may alam siya ay maaari namin siyang maka-usap na itigil na ang lahat ng ito.
Kasalukuyan naman kaming nasa labas ng bahay at nagpapahinga. Naka-upo kami ni Sachi habang pinapanood ang iba sa kanilang mga ginagawa. Napansin ko naman si Gavreel at Reiz na magkasama at tila ba may pinag-uusapan.
"Sa tingin mo ba may alam si Gavreel?" Biglang sabi ni Kate na nasa tabi ko.
"Hindi ako sigurado, pero kung sakali ngang may kinalaman siya rito sigurado akong malaki ang pagbabayaran niya," pagsagot ko.
"Paano kung mayroon nga siyang alam ngunit hindi siya handang tumulong na tapusin ito?" Tanong ni Kate.
"Nasisigurado kong mas pipiliin na niya tayo kaysa sa mali," pagiging positibo ko.
Napansin naman ata ni Gavreel na nag-uusap kami ni Kate at agad na pumunta sa kinaroroonan namin at agad ding bumati.
"Oh mukhang seryoso kayong dalawa ah," masaya nitong pagbati.
"Gavreel kung sakaling may ginagawa kang mali tapos alam mong mali ipagpapatuloy mo pa rin ba?" Diretyahang kong tanong.
"Huh? Syempre kung alam kong mali bakit ko pa ipagpapatuloy, b-bakit mo naman natanong?" Pagsagot niya sabay tanong.
"Wala naman pumasok lang sa isip kasi pakiramdam ko may mali akong ginagawa," pagsagot ko naman sa kaniya.
"Nako! Sinasayang mo lang oras mo sa ka-iisip bakit 'di ka magsaya muna gaya ng iba," suhestiyon niya.
"Mahirap isipin ang pansriling kaligayahan gayong may dinadala si Sachi at hindi pa rin natatapos ang bangungot na ito," seryoso kong sabi.
Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at tila ba bigla siyang nalungkot o nagsisisi.
"Gusto ko na ring matapos ang bangungot na ito at mabuhay ng normal," malungkot niyang sabi.
Hindi ko alam kung nagsisingunaling ba siya sa mga oras na ito o nagsasabi ng totoo. Dahil sa mga nalaman ko mula kay Anika at Kate nahihirapan akong pagkatiwalaan ang nararamdaman at mga sinasabi ni Gavreel. Alam kong kasama ko siya mula pagkabata pero ang bawat ebidensya nina Kate ay nag-uudyok sa akin na maniwala sa kanila at totoo ang mga paratang nila kay Gavreel.
Umalis naman si Gavreel sa tabi namin at bumalik kay Reiz. Tinignan ko naman si Sachi at alam kong magtatanong siya dahil sa mga sinabi ko.
"Anong nalalaman mo na hindi ko alam?" Pagtatanong niya.
"May bali-balita na may kinalaman si Gavreel sa mga nangyayari pero hindi pa rin naman iyon nasisigurado," pagsagot ko.
Umayos siya ng upo at saka hinawakan ang mukha ko para iharap sa kaniya. Tumingin naman siya sa mga mata ko at nagtitigan kami.
"Makinig ka sa 'kin Leandro, sino ba ang tunay na kalaban natin dito? At saka kilalanin mo ang bawat nasa paligid mo hindi porket may nagsabi sa 'yong may kinalaman si Gavreel ay maniniwala kana agad. Deception is a best way to deceive your enemy," seryoso niyang sabi sa akin.
Nang dahil sa mga sinabi niya ay muli akong natauhan. Paano kung mali nga sina Kate ng nalalaman at iba talaga ang nakita nila noong gabi na 'yon. Kung sakaling kausapin ko si Gavreel maari siyang magtampo kung totoong wala nga siyang kinalaman dito. Sa mga oras na ito hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin pero nauubusan na kami ng oras at panahon. Baka kung kailan huli na ang lahat tsaka lang ako kikilos.
Gavreel's P.O.V
Nang lapitan ko sina Leandro kanina ay kakaiba ang mga tiningan nila at pagsasalita tila ba isa akong taong gumawa ng krimen. Dahil sa hindi magandang atmosphere roon ay minabuti kong umalis, napaka-awkward at hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin at ikilos.
Muli naman akong bumalik sa tabi ni Reiz at muli kong ibinalik ang masiyahin kong mukha para hindi na siya magtaka o magtanong tungkol sa nangyari dahil kahit ako ay hindi ko rin alam.
Mahaba pa ang oras namin para mag-enjoy bago magbigay ng bagong misyon. Pinipilit kong maging masaya kahit hindi ako komportable ngayong araw. Pakiramdam ko nakatingin sa akin ang lahat at may iniisip na hindi maganda.
"G-gav? Ayos ka lang ba? Baka nagugutom kana?" Sunod sunod na tanong ni Reiz.
"Ah ayos lang ako, ikaw baka gutom kana mauna kana sa akin kumain," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya.
"Hindi na, sabay na tayo ayoko namang kumain mag-isa," pagsagot niya.
"Edi kung ganoon pumasok na tayo para makakain," pagyakag ko sa kaniya.
Tumango naman siya at saka kami sabay na tumayo para pumasok sa loob at kumuha ng makakain. Napansin ko namang naroon sa sala sina Leandro at ang ilan na tila ba may pinag-uusapan. Lahat naman sila ay napatingin sa amin at napatigil sa kung ano ang ginagawa nila.
"M-may problema ba?" Nagtataka kong tanong at saka pinilit na ngumiti sa kanila.
Sa totoo lang hindi ako sanay sa ganitong atensyon pakiramdam ko hinuhusgahan ako ng mga mata nila. Alam kong may maling nangyayari at hindi ako natutuwa lalo na at kasama rito sina Leandro.
"Wala naman naglalaro lang kami rito mainit kasi sa labas," pagsagot ni Anika.
Tumango naman ako at saka nagpaalam sa kanila at sinabing kakain kami. Niyakag ko naman sila ngunit sinabi nila na tapos na ilang kumain. Agad ko namang hinawakan ang kamay ni Reiz at hinila siya papuntang kusina.
"Anong ganap ngayon?" nagtatakang tanong ni Reiz.
"Hindi ko rin alam pero hindi ako natutuwa sa mga ikinikilos nila," seryoso kong sabi.
"Nakakapagtaka bakit kaya ganoon ang ikinikilos nila parang may pinaplano sila na kung ano," pag-uusisa ni Reiz.
"Kung ano mang layunin nila nasisigurado kong may kinalaman iyon sa akin," sabi ko at saka sumubo ng pagkain.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ni Reiz.
"Kanina no'ng lumapit ako sa kanila kakaiba ang mga sinasabi at tinatanong nila sa akin at napansin kong tila ba ako ang pinag-uusapan nila," paliwanag ko.
"Bakit ka naman nila pag-uusapan? At saka kasama nila sina Leandro," sabi naman niya sa akin.
"'Yan din ang tanong ko hindi ko maintindihan ang rason nila at kung sakaling hindi na ako makapagtiis ako na mismo ang kokompronta sa kanila," pagbabanta ko.
Natapos sa ganoon ang usapan namin ni Reiz at natapos na rin kami sa pagkain. Ngayon ay muli kaming bumalik sa sala ngunit wala na sina Leandro roon kaya naman doon nalang kami naupo ni Reiz at nagpahinga. Napag desisyunan naman naming manood habang nag-aantay sa iba at nagpapalipas ng oras.
Sa mga oras na ito si Reiz lang ang mapagkakatiwalaan ko. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano nina Leandro pero nasasaktan ako gayong kaibigan ko siya ay tila ba may iniisip siyang hindi maganda tungkol sa akin.
Leandro's P.O.V
Muli kanina ay sobrang inis na ang nararamdaman ko para sa sarili ko. Alam kong mabuting tao si Gavreel pero heto ako at nakikipag-usap sa iba para sa planong pagpapa-amin kay Gavreel. At kung sakaling wala siyang kinalaman dito sigurado akong masasaktan si Gavreel.
Kanina noong madaanan niya kami sa sala ay sobra akong nasasaktan ng makita ang mga masaya niyang ngiti ngunit malungkot na mga mata. Alam kong nakararamdama na si Gavreel na my nangyayaring hindi tama.
Mamayang gabi ang plano namin para kay Gavreel ay ilagay siya sa hot seat at sapilitan siyang paaminin kung may nalalaman ba siyang kahit ano tungkol sa laro. Alam kong hindi naman kailangan umabot sa ganoon pero 'yon ng naging desisyon ng marami. Halos lahat sa amin ay pumayag na iyon ang gawin dahil sigurado silang sa ganoong paraan ay mapapa-amin namin siya.
Ang plano ay magsisimula mamayang alas otso ng gabi. Dahil iyon ang oras na kakain kami mamaya at mas madali naming makokorner si Gavreel sa kusina. Gusto kong tumanggi sa plano na ito ngunit iniisip ko si Sachi at ang baby namin kung sakaling mapatunayang may kinalaman nga si Gavreel maililigtas ko ang mag-ina ko at ang ibang natitira ngayon. At kung sakaling mali kami y masisira ang pagkakaibigan namin ni Gavreel.
"Leandro? Sigurado kana ba rito?" pagtatanong ni Sachi sa akin.
"Mayroon 50/50 ang sitwasyon natin at hinihiling ko na sana ay mali nga sina Kate sa mga inaakala nila," pagsagot ko.
"Kung sakaling mali sina Kate at inosente naman si Gavreel, nakakasigurado akong magagalit s'ya sa iyo dahil dapat ay kilala mo siya at alam mo kung totoo o hindi ang ibinibintang sa kaniya," sabi ni Sachi.
Hindi ko maintindihan pero parang may nais iparating si Sachi pero hindi ko alam kung ano iyon. Ilang oras na lang ay malapit na mag alas otso at ang planong pagpapa-amin kay Gavreel ay malapit ng mangyari.
Alive: 13 Dead: 33