Chapter 29

1416 Words
Sachi's P.O.V Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Pagdilat ko ng aking mga mata ay si Leandro agad ang nakita ko. Niyakag naman niya akong bumangon at saka kami sabay na bumaba sa kusina. Nang makababa kami ng hagdan ay nakita ko sa wall clock na alas onse na pala ng gabi at isang oras nalang bago magbigay ng susunod na misyon. Pagkarating namin sa sala ay nandito na halos lahat at tahimik habang busy sa kani-kaniyang ginagawa. Naghilamos naman kami ni Leandro at saka ako nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Naupo kami sa kusina malayo sa iba naming kasama. Tahimik lang kami dalawa habang umiinom ng kape. Nakatulala naman siyang nakatingin sa kung saan at ako naman ay pinagmamasdan lamang ang mga aksyon niya. Iginapang ko ang aking kamay at ipinatong sa kamay niyang nakalapat sa lamesa. Napatingin naman siya sa at saka ngumiti sa akin at itinaas ang kilay na tila ba nagtatanong kung mayroon bang problema. "Leandro may gusto akong sabihin sa 'yo," panimula ko at umayos naman siya ng upo at humarap sa akin na tila ba nagsasabing interesado siya sa kung ano ang sasabihin ko. "Leandro, gusto kong malaman mo na b-buntis ako," diretyahan kong sabi at nakita ko sa mga mukha niya ang pagkatuwa ngunit lungkot sa kaniyang mga mata. "Sachi, pasensya na ah hindi ko alam paano ako mag-rereact sa sinabi mo. Pero natutuwa ako at nalulungkot, natatakot din ako sa kung anong pwedeng mangyari sa 'yo at sa baby," malungkot niyang sabi. "Naiintindihan ko naman 'yon at kahit ako hindi ko rin alam paano ako mag-rereact noong una pero gusto kong ipagpatuloy 'to Leandro hanggang sa huling hininga ko," matibay kong paninindigan. "Kahit naman ako eh, gusto kong ipagpatuloy 'yan pero... paano ka Sachi? Makakaya mo ba?" Nag-aalala niyang tanong. "Kakayanin at huwag ka ng mag-isip masyado pipilitin kong makaligtas palagi at nandiyan ka rin naman para tumulong," pagpapagaan ko sa sitwasyon. "Sino ng nakaka-alam ng tungkol dito?" Pagtatanong niya. "Ikaw ako at si Reiz," pagsagot ko. "Ayos na 'yan hindi rin naman importante na alam ng iba ang tungkol sa pagbubuntis mo," sabi niya at saka ngumiti. Tumayo naman siya at saka hinalikan ang aking noo at saka inilagay ang ulo niya sa aking tyan. "Kapit ka lang diyan baby gagawin namin ang lahat para masilayan mo ang magandang mundo," pakikipag-usap niya rito. Muli naman siyang tumingin sa akin at saka ngumiti. Gusto kong umiyak sa mga oras na ito pero alam kong makakasama iyon sa dinadala ko kaya mas minabuti kong maging masaya nalang sa mga oras na ito. Tumunog naman ang wall clock kasabay ng aming mga cellphone. Muli na naman kaming nakatanggap ng bagong misyon. At ang misyon namin ngayon na ito ay madali lamang. Agad kaming nagtipon tipon sa sala kung saan namin isasagawa ang misyon ngayong araw. The deepest secret you never told. Sa loob ng sampung minuto ay kailangan naming i-expose ang mga sarili namin sa pagsasabi ng mga sekretong hindi pa namin nasasabi sa iba o kaunti pa lamang ang nakaka-alam. "Paano tayo magsisimula?" Pagtatanong ni faith. "Teka lang, siguraduhin niyo munang hindi kayo magsisinungaling at tanging sasabihin ay sekretong kaunti palamang ang nakaka alam," paalala naman ni Reiz. "Ako na ang mauuna," voluntaryong sabi ni Kate. "Noong bata ako nakapatay ako ng isang pusang kalye at simula noon ay nagsisi ako at ipinangakong aalagaan lahat ng pusang makita ko na hindi nakakakuha ng angkop na pagkalinga," panimula ni Kate. "I have fears on height," maikling tugon ni Mariz. "I was sexually abused by my babysitter at age 13," nanginginig na sabi ni Vince at lahat kay ay nagulat sa confession niya. Simula ng maging kaklase ko siya ay hindi ko siya nakitaan ng pagiging mahina at palagi siyang galit at tila ba naghahanap ng gulo at away sa kahit sino. Hindi ko inakalang may pinagdaanan pala siyang madilim na nakaraan. Nagpatuloy naman kami sa pagsasabi ng mga sekreto at halos wala ng masabi ang iba sa amin. Ngunit kailangan naming magpatuloy hanggang maubos ang oras na ibinigay sa amin. Mayroon pa kaming apat na minutong natitira at pang anim na ikot na namin ito. "Guys, gusto kong malaman niyo na I had an abortion. I'm not yet ready for having a baby and not on this times na ganito ang sitwasyon natin," nakakagulat na rebelasyon ni Trisha. Sa pagkaka-alaala ko nagkaroon din siya ng misyon na makipagtalik sa isa sa mga kaklase namin. Dahil wala na akong masyado pang maisip na sekreto ay ibubunyag ko na rin ang pagdadalang tao ko. "Gusto ko na malaman niyong lahat na buntis ako," diretyahan kong sabi na ikinagulat ng lahat. "My first love is Reiz," sabi naman ni Leandro. Hindi na ngayon bigdeal sa akin na una niyang nagustuhan si Reiz ang mahalaga sa akin ay ano ang kasalukuyang nangyayari at kung gaano niya pinapatuyan ang sarili niya sa akin ngayon. "I also like Reiz, simula grade 7 pa tayo at ngunit nalaman ko na gusto niya si Leandro at itinago ko 'yon dahil gusto ko si Reiz at ayokong maging sila ni Leandro," sabi nman ni Gavreel. Nagpatuloy kami sa pagsasabi ng nga itinatagong sekreto sa loob ng mahabang panahon. Ngayon ay mas nakilala namin ang isa't isa mas naintindihan ko na kung bakit ganoon ang ugali ng iba sa amin at kung ano anong trauma mayroon sila. Natapos ng misyon ng sakto sa oras na ibinigay at lahat kami ay nakahinga naman ng maluwag. Agad naman lumapit sa akin sina Faith at hinawakan ang tyan ko. "Nalulungkot ako para sa future ng baby mo Sachi," nalulungkot niyang sabi habang nakahawak sa tyan ko. "Nandito naman kami para tulungan ka sa bawat misyon para maka-survive ka Sachi," pagsingit naman ni Mariz. "Hindi man ako naging kasing tapang mo pero ganoon din ako Sachi kahit hindi ko iyon nagawa sa sarili kong baby," pangsang-ayon naman ni Trisha. "Matapang ka Trisha at sa tingin ko naman ay pinili mo na rin kung ano ang makakabuti sa 'yo at sa baby mo na 'yon," pagpapagaan ko sa pakiramdam niya. "Kung makaka-survive tayo at makakaligtas dito gusto kong maging ninang ng anak mo ha," masayang sabi naman ni Trisha. "Oo naman, at saka nararamdaman kong malapit na tayong makalaya sa bangungot na ito," sabi ko at saka ngumiti. Matapos ang misyon namin ay hinayaan naman nila akong makapagpahinga para na rin sa health ko at sa baby ko. Sinamahan naman ni Leandro at sinabi aantayin lamang akong makatulog saka siya muling baba sa sala para makipgmag-usap sa iba. Sinabihan ko naman siyang kaya ko ng matulog ng mag-isa at maiwan na siya sa ibaba ngunit sinabi niya na nais niyang makita na makatulog ako para mas kampante siyang nakakakuha ako ng sapat na lakas para bukas. Leandro's P.O.V Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali para kay Sachi. Natatakot ako na baka hindi ko magawang maprotektahan ang magiging pamilya ko. Ngayon ay kasalukuyan siyang natutulog at nasa tabihan naman niya ako habang binabantayan siya. Nang maramdman kong tulog na si Sachi ay bumaba na ako para makipag-usap sa iba. Hindi ako makatulog kaya naman naisipan kong tumambay na lamang sa sala kasama ang ibang hindi rin makatulog. Tumabi naman ako kay Anika na nanonood ng palabas. Huminga ako ng malalim at saka sumandal sa upuan. "Kailangan mo ng kumilos ng mas mabilis para kay mag-ina mo," sabi niya habang kumakain at nanonood ng palabas. "Alam ko humahanap lang ako ng tamang tiyempo par kausapin si Gavreel sa mga akusa niyo sa kaniya," pagsagot ko. "Kailan ka naman magiging handa? Pag wala na sina Sachi? Pag ikaw nalang mag-isa?" Pagtatanong niya. Bigla akong natauhan sa mga sinasabi niya. Kailangan nga ba ako dapat maging handa, nauubusan na ako ng oras at kailangan ko ng kumilos para kay Sachi at sa ibang nandito. Agad kong hinanap si Gavreel pero hindi ko siya makita rito sa ibaba at ganoon din si Kate. Tinanong ko naman si Lance at sinabi nitong may inaayos sina Gavreel ngayon at napa-isip naman ako sa kung ano iyon. At akala ko ba ay iba ang naiisip ni Kate kay Gavreel kaya bakit siya nakikipagtrabaho rito. Ano ang plano ni Kate at sino nga ba talaga si Gavreel. Ilan ito sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan ngayon. Muli naman akong naupo at saka nanood ng palabas. Siguro ay kapag wala ng ginagawa si Gavreel ay kakausapin ko siya agad ng walang pag-aalinlangan. Alive: 13 Dead: 33
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD