Third Person P.O.V
Mahimbing ang tulog ng bawat isa habang ang isang lalaki ay may kinaka-usap sa kaniyang telepono ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay mayroong isang tao ang pinapanood siya sa hindi kalayuan.
"It's getting done, don't worry they won't be able to figure it out," pagyayabang nito sa kaniyang kausap.
"They are easy to deceive," huling sabi nito at saka pintay ang kaniyang telepono.
Hindi na alam ng babae ang kaniyang gagawin matapos marinig ang saglit na usapan at agad ding umalis sa lugar na iyon. Dumiretso naman siya sa itaas kung saan nakita niya ang dalawang tao na naka-upo sa gilid.
"Leandro, Trisha, ano namang ginagawa niyo rito?" pagtatanong niya sa dalawa.
"Nagmumuni-muni lang, ikaw bakit ka naman napa-akyat dito? Halika maki-upo ka sa amin," pag-alok ng babae.
"Ah hindi na, matutulog na rin ako e," pagtanggi naman ng babae.
"Oh siya paalam na sa inyo, matulog na rin kayo alas dos na ng madaling araw oh," dagdag pa nito at saka nilisan ang lugar.
"Napaka-weird niya talaga kahit kailan," bulong ng babae.
"Ano ka ba ganoon talaga 'yon," sagot naman ng lalaki.
Matapos nila makapag-usap ay naisipan na rin nilang matulog dahil malamig na rin masyado sa itaas. Dumiretso naman sila sa kani-kaniyang kwarto at saka nagpahinga.
Sachi's P.O.V
Kagabi ay nakatulog ako ng wala pa sa tabi ko si Leandro pero ng magising ako kanina ay katabi ko na siya. Ginising ko siya ng magising ako at niyakag na mag-almusal kasama ng iba.
Nang makababa kami sa kusina ay andito na rin ang lahat. Napakatahimik nila at tila ba walang may nais na magsalita.
"I have some theories," pagbasa ni Kate sa katahimikan at lahat kami ay napatingin sa kaniya.
"This is just hunch pero sa tingin ko isa sa atin ay may koneksyon sa game," pagpapatuloy niya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Faith.
"Sa tuwing nagkakaroon tayo ng ideya na maging isa o magtulungan binibigyan tayo ng misyon kung saan nasisira ang plano na 'yon," pagsagot ni Kate.
"Napansin ko na sa bawat namamatay na manlalaro ay mayroong code tayo na natatanggap akala ko noong una ay normal na code lang ito pero sa tingin ko ay may maitutulong ito sa atin," dagdag pa niya.
"Code? Alam mo na ba kung ano iyon?" pagtatanong ni Trisha.
"Hindi pa dahil makukumpleto ang code pagnamatay na ang lahat," sagot naman ni Kate.
"Edi wala ring kwenta 'yang theory mo," sabat naman Vince.
"Kung huhuluaan natin ito maari tayong magkamali at ma-uwi sa pagkasawi," sabi naman ni Kate.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Rafael.
"Mag-antay at mag-isip pa ng mga paraan," pagsagot ni kate.
"Sinasabi mo bang mag-antay tayo na may mamatay at saka kuhanin ang code sa kanila," singit ni kristoffer.
"Kung ganoon ang iniisip mo ikaw ang bahala," sagot sa kaniya ni Kate.
Matapos iyon ay wala ng nagsalita pa. Lalo ng naging magulo ang sitwasyon namin ngayon dahil sa theory ni Kate. Hindi ko masyadong naunawaan ang nais iparating ni Kate pero ano namang mapapala namin sa code na 'yon.
Nang matapos kami sa pagkain ay kani-kaniya naman kami ng kilos at gawa. Mayroong naglalangoy at kumakain, nanonood sa loob at nasa garden. Ako naman ay kasalukuyan lamang naka-upo sa gilid ng pool at ibinababad ang aking mga paa.
Hindi ko magawa makipagsaya sa iba gayong lumalala ang trauma ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na gawin at isipin sa mga oras na ito. Mula kagabi ay natatakot na akong mamatay at hindi na gaya noong mga nakaraang araw.
Mula ng magbago ang lahat ng nararamdaman ko ay gusto ko ng mabuhay at magpatuloy. Nagbago ito dalawang linggo na ang nakalilipas. Napag-alamaan kong nagdadalang tao ako at alam kong kay Leandro ito dahil 'yung sa misyon namin ni Gavreel ay gumamit kami ng protection.
Hindi ko alam paano ko ito sasabihin kay Leandro at sa lahat. Ayokong namang ipagkait sa baby namin ang pagkakataong mabuhay. Ngunit sa bawat araw na lumilipas hindi ko alam kung aabot ako ng 9 months na buhay.
Nagulat naman ako ng tumabi sa akin si Leandro at dala dala ang iba't ibang prutas sa isang bowl at nakahiwa ito sa bite size. Nakikain naman ako sa kaniya at hindi ako mapakali dahil sa sobrang nakokonsensya ako na hindi sabihin sa kaniyang ang totoo.
"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong niya.
"Ah oo naman," pagsagot ko sa kaniya.
Tinignan ko siya sa kaniyang mukha at nagkatitigan kami. Ngumiti naman siya sa akin at 'di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Oh akala ko ba ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" Sunod sunod niyang tanong habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Wala, gusto ko lang sabihin na congrats," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya.
"Congrats saan?" tanong niya habang naka kunot ang noo.
"Ahmm kasi nandito at buhay?" Pagpapalusot ko.
"Magpapatuloy akong mabuhay para sa 'yo Sachi at kung sakaling dumating ang oras na kailangan kong magsakripisyo para sa buhay mo ay gagawin ko," seryoso niyang sabi habang hawak hawak ang pisngi ko.
"Leandro may sasabihin ako sa 'yo mamayang gabi," sabi ko sa kaniya at saka tumingin sa malayo.
"Bakit mamayang gabi pa at hindi na lang ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Basta mamayang gabi na lang para mas exciting hindi ba," sabi ko sa kaniya.
"Baka sa ka-iisip ako mamatay at hindi sa mga misyon na ito," pagbibiro niya.
Napangiti naman kami parehas at nagpatuloy sa pagkain. Lumipas ang oras at tinamad na ang lahat kaya naman nagsipasukan na kami sa loob para magpahinga. Kakakain lang namin kanina at nagugutom na naman ako. Nahihiya naman akong mag-utos kay Leandro kaya naman ako na mismo ang pumunta sa kusina at kumuha ng makakain.
Agad akong dumiretso sa ref at kumuha ng maiinom at makakain. Nagulat naman ako ng makarinig ako ng yabag at agad akong napalingon.
"Sachi, nitong mga nakaraang araw parang ang lakas mo na kumain tignan mo tumataba kana," pagpuna ni Reiz.
"Ganoon talaga siguro pag stress kana," pagpapalusot ko.
"Stress o buntis?" Seryosong niyang tanong habang may tinatago sa likuran niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Nakita ko ito sa kwarto natin at alam kong sa 'yo 'yan naalala ko pa nang bumili tayo sa labas ng supplies hindi ba at bumalik ka sa loob dahil sabi mo ay may nakalimutan ka," paliwanag niya.
"Buntis nga 'ko at hindi ko alam kung ano ng dapat kong gawin," naiiyak kong sabi sa kaniya.
"Alam na ba ni Leandro ang tungkol dito?" Pagtatanong niya.
Umiling naman ako bilang pagsagot at saka lumapit sa kaniya.
"Paki-usap 'wag mo munang sasabihin kahit kanino," paki-usap ko sa kaniya.
"Oo naman pero sana kahit si Leandro lang masabihan mo dahil karapatan niyang malaman 'yon," pagpapa-alala ni Reiz.
Tumango naman ako sa kaniya at sinamahan niya akong kumain dito sa kusina. Hapon palang at mayroon pa kaming ilang oras bago ang susunod na misyon. Sana ay hindi ito gaano kahirap dahil masama rin sa baby ko ang pagpupuyat.
Pinayuhan naman ako ni Reiz na magsuot ng mas maluluwag na damit para hindi gaanong mapansin ang paglaki ng tyan ko. Pero kung tutuusin parang busog lang ako pero hindi ko maiiwasang isipin ng iba na buntis ako lalo na at alam nilang nagkaroon ng misyon si Leandro at ako ang tumulong sa kaniya.
Ang tungkol naman kay Gavreel at sa akinnay kami lang ang nakaka-alam at wala ng iba. Matapos kong maka kain ay pumasok na kami ni Reiz sa kwarto at nagpahinga. Ala sais palang ng gabi ngunit kailangan ko ng matulog para makakuha ng sapat na lakas para mamaya. At nakapagdesyon na rin akong sabihin kay Leandro ang totoo mamayang gabi.
Kahit papaano ay gusto kong makita na masaya siya kahit hindi ito ang oras para maging masaya kami. Dapat pa rin kaming matuwa para sa bagong buhay na aking dinadala. Ngunit sa tuwing iniisip ko ang mga misyon ay hindi ko makita na makaka-survive kami ng baby ko sa mga ito. Walang previledge na nakukuha mula sa laro ang lahat ay kailangang gawin ang misyon kahit ano pa ang sitwasyong kinahaharap mo.
Kagaya na lamang ni Rafael kahit bali ang kaniyang paano kinailangan niya pa ring gawin ang misyon niya sa likod ng hirap at sakit na nararamdaman niya. Nalulungkot akong isipin pero nararamdaman kong hindi ko na magagawa pang iligtas ang buhay ng baby ko. Lalo na sa ganitong sitwasyong pahirap na nang pahirap ang mga misyong ibinibigay ng laro sa amin.
Alive: 13 Dead 33