Chapter 27

1807 Words
Leandro's P.O.V Nagising ako sa pagdampi ng isang kamay na humaplos sa aking pisngi. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Sach, ngumiti naman siya sa akin at ngumiti rin naman ako sa kaniya. "Alas dose na nailatag na rin ang bagong misyon," pagbungad niya sa akin. "A-anong misyon ngayong araw?" Pagtatanong ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at sinigurado ko ang misyon ngayong araw. Roll and Die, ang larong ito ay isang delikadong laro mayroong isa sa mga player ang mag hahagis ng dice at kung ano ang number na lumbas dito ay kailangan niyang pumili kung sino ang mamamatay base sa number na nakuha at pagkatapos ay pati ang roller ay babawian din ng buhay. Agad naman kaming bumaba ni Sachi at nakita ko na ang iba naming kaklase na nagtitipon tipon na nga sa sala. Nabaling naman ang tingin nila sa amin at saka kami lumapit ni Sachi sa tabi nina Kate. "Sa tingin ko hindi dapat natin dito laruin ang game na 'to," panimula ni Kate. "Sa labas tayo para mas malawak ang espasyo," dagdag pa niya. Lumabas naman ang iba at ganoon din sana kami ng magsalita si Hazel. "Ikaw na magdala nung dice Leandro," paki-usap niya. Akmang kukunin ko na sana ang dice ng pumasok sa isip ko ang laro. Kung sino man ang mag-roll sa dice siya na ang magiging host ng laro. Agad akong kumuha ng papel ginamit iyon para makuha ang dice at dahan dahang dinala sa labas kung nasaan ang iba. Gulat na gulat ang mga kasamahan namin sa ikinilos ko mukhang balak nya nilang ako talaga ang mawala sa game na 'to. "Sino na ngayon ang mag-roroll ng dice?" Pagtatanong ni Hazel. "Ang host ay magiging killer sa laro, kung ang lumabas sa dice ay number four kailangan niyang magbanggit ng apat na pangalan mula sa players na matatanggal sa laro at pagkatapos ay matatanggal din sa laro ang host," paliwanag ni Kate. "Bakit hindi nalang si Leandro ang maging host 'di ba? Alam ko lahat ng nandito papayag," desperadang sabi ni Hazel. "Ano bang mayroon kay Leandro at napaka-init ng mga mata niyo sa kaniya? Dahil ba sa pagkahukay ng mga bangkay nina Patrick? Napakababaw niyong lahat," pagdepensa ni Sachi sa akin. "Tama si Sachi, wala kayong sapat na dahilan para pilitin si Leandro na maging host dito," pagsang-ayon ni Ayesha. "Oo nga, at bakit hindi nalang ikaw Hazel ang mag-roll tutal wala ka namang naging ambag sa kahit anong naging misyon natin," dagdag pa ni Trisha. "Ay wow, nakabuo na pala ng alliance si Leandro. Paano ba 'yan mukhang mahahati tayo sa dalawang grupo," pang-aasar ni Hazel. "Oo, grupo ng matatalino at kayo na grupong makikitid ang mag pag-iisip," pagbara ni Trisha. "Kung walang mag-roroll ng dice mamatay tayong lahat," pagsagot ni Hazel. Nagpatuloy sila sa pagbabangayan at pagpapalitan ng mga depensa hanggang sa maglakad sa gitna si Faith at nagsalita. "Siguro ako nalang," mahinahong sabi ni Faith dahilan para matahimik ang lahat. Agad na kinuha ni Faith ang dica na nakapatong sa isang maliit na lamesa at hinawakan itong mabuti. "Sa tingin ko hindi ito ang oras para mag-away away tayo, at nauubusan na tayo ng oras kung walang mag roroll lahat tayo ay mamamatay kaya sa tingin ko ito ang mabuti gawin," paliwanag ni Faith. "Hindi, Faith iabot mo sa 'kin ang dice. Ako na ang mag-roroll," mahinahon kong sabi at saka ngumiti. "Marami ka ng naitulong sa akin Leandro at sa iba, sa tingin ko hindi mo pa deserve na matanggal sa laro," pagtanggi niya. "Hindi ako papayag na ikaw ang mag-roroll," pagalit na sabi ni Sachi. "Kung ganoon ikaw ang una kong pipiliin Sachi, para ikaw ang unang matatanggal sa laro bago ako," sabi ko sa kaniya. "Pero Leandro," mahinahon niyang sagot. "Nakakapagod na rin magpatuloy at saka tignan mo ang mukha ng mga kasama natin nasisigurado kong mas mahihirapan silang magdesisyon sa mga susunod pang misyon," pagsasabi ko ng totoo. Muli kong ibinaling kay Faith ang tingin ko at sinenyasan siyang ilagay sa kamay ko ang dice at agad naman siyang lumapit. Pagka-abot niya sa akin ay ngumiti naman ako sa kaniya ngunit nagulat ako ng bigla itong agawin ni Ayesha mula sa akin at nakita ko na umiiyak siya. "Leandro, sa tingin ko ito na 'yung oras para gawin ang misyon ko. Hindi ba't ipinangako ko sa 'yo na kung sakaling kailangan mo ng tulong ko ay tutulong ako kahit buhay ko ang kapalit," umiiyak niyang sabi at saka ngumiti. "Ayesha, paki-usap ibalik mo sa akin ang dice," paki-usap ko sa kaniya. "Ako ng bahala rito at sisiguraduhin kong isasama ko sa kabilang buhay ang mga taong walang ini-ambag kundi paninisi at paninira sa ibang tao," pangangako ni Ayesha at saka tumingin sa grupo nin Hazel. Walang pagkukundangan ay inihagis ni Ayesha ang dice sa lamesa at lumabas dito ay number 5. Naiiyak ako habang nakikita ko si Ayesha na ginagawa ang mga bagay na ito. Nabigla naman ang lahat at saka kami binalot ng katahimikan. Tuminging muli si Ayesha kina Hazel at saka ngumiti. "Para sa unang pangalan Hazel Salvio," bigkas niya sa pangalan ni hazel. "B-bakit ako, paki-usap bawiin mo Ayesha pangako magbabago na 'ko," naiiyak nitong sabi. "Mukhang huli na ang pagsisisi mo," pagsagot ni Ayesha. Nagsigawan naman ang iba sa amin ng biglang magilitan ng leeg si Hazel at bumulwak ang dugo sa kaniyang bibig. At magtaob sa lupa. Ang lahat naman ay binalot ng takot dahil mayroon pang apat na matatanggal. "Justine Alcaraz," sambit ni Ayesha. "Sandali wala akong kinalaman sa kahit anong paninira kay Leandro," pagdepensa niya. "Pero isa ka sa kumakampi kina Hazel hindi ba?" Pagpuna ni Ayesha. Magsasalita pa sana si Justine ng tila ba parang may bumabali sa leeg niya hanggang sa umikot ito ng 360 degrees. At tuluyan na nga namatay at nagtaob sa sahig. "Alam kong naging mabait ka sa akin ngunit hindi ko inaasahang ganon ang gagawin mo at sinasabi sa likod ko Rizza Montez," naiiyak na sabi ni Ayesha. "T-teka anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan," nauutal na sabi ni Rizza. "I might be quiet but I'm not blind nor deaf," pagsagot ni Ayesha. Unti unti namang lumayo sa amin si Rizza at nagulat kaming lahat ng mangalas ang iba't ibang parte ng kaniyang katawan. Natanggal ang mga braso nito at maging mga binti. At maging ulo niya ay humiwalay na rin sa kaniyang katawan dahilan ng kaniyang tunay na pagkasawi. "Joshua Garcia," muli pagsasalita ni Ayesha. Wala naman kaming nakitang reaksyon sa mukha ni Justine at tila ba inaasahan na niya na isa siya sa mga mamamatay ngayong gabi. Bigla naman siyang napahawak sa leeg niya at umakto na tila ba hindi makahinga pagkatapos naglumapasay sa sahig at hindi pa rin makahinga. Wala na kaming ibang nagawa kundi magpatuloy at muling nagbanggit ng pangalan si Ayesha. "Sydney Cotoner," mahinahong sabi ni Ayesha. "H-ha? Teka bakit ako?" nauutal niyang tanong. "Hindi na 'yan tinatanong Sydney," pagsagot ni Ayesha. Nanginginig namang lumayo sa amin si Sydney at bigla na lamang siyang mag liyab at saka nagpagulong gulong sa lupa at sumisigaw sa sakit na nararamdaman. Napaupo naman si Ayesha sa sahig at umiiyak. Agad naman akong lumapit sa kaniya at tinanong kung ano ang nararamdaman niya. "Ayesha, patawarin mo ako," sabi ko sa kaniya. "Don't be sorry, ako ang pumili ng desisyon na ito," pagsagot niya. "A-ayesha, ang daya mo naman e sabi mo gagala pa tayo 'di ba," naiyak na sabi ni Trsiha. "Patawad Trisha, pero paki-usap magpatuloy ka hangga't makakaya mo," sabi ni Ayesha. "Ang daya mo!" sigaw ni Trisha at saka umalis. "Paki-usap kung sakaling makaligtas ka at maka-uwi paki-abot ng mensaheng ito sa mga magulang ko at kapatid. Pakisabi na ginawa ko ang lahat para maging mabuting tao at naabot ko na rin ang pangarap ko na makatulong sa ibang tao ng walang pag-aalinlangan, at ang diary na nasa ilalim ng unan ko paki-usap gusto kong makarating iyon sa pamilya ko," naiiyak niyang sabi. Maya maya pa ay bigla siyang humawak sa dibdib niya na tila ba nahihirapang humingi. "L-leandro gusto kong s-sabihin kahit sa h-huli pagkakataon, m-mahal kita," nahihirapan niyang sabi sa akin. "Patawarin mo 'ko Ayesha hindi dapat ganito ang katapusan mo eh," naiiyak kong sabi. Nagulat naman ako ng magsimula na siyang magsuka ng dugo. Tuluyan na nga nawalan ng buhay si Ayesha habang nakabukas ang kaniyang mga mata at saka ko ito dahan dahan isinara. "Maraming salamat Ayesha mag-ingat ka kung saan ka man patungo," sabi ko sa kaniya at saka niyakap ang katawan niya. Tumawag naman ako sa ambulansya para kunin ang katawan ni Ayesha at sa iba ay wala na akong paki-alam. Sinabi ko na rin na tumawag sa mga magulang ni Ayesha at ini-abot ko ang diary na galing kay Ayesha para maibigay sa mga magulang niya. Hindi na kami tinanong pa kung ano ang nangyari at saka naman kami bumalik sa loob kung nasaan ang iba. Bumalik kami sa sala at nagpahinga tumaas naman ako para magpalit ng damit dahil sa mantya ng dugo ni Ayesha. Hangga't nabubuhay ako dadalhin ko ang ala ala ni Ayesha at ang kabayanihan niyang ginawa. Kung sakaling isa sa grupo nina Hazel ng naging host panigurado akong grupo naman ang mauubos. Dahil sa nangyari ay nawalan kami ng anim na kasama at ngayon ay mas kaka-unti na lamang kami. Naalala ko si Trisha dalawa sa mga kaibigan niya ang nawala. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya sa mga oras na ito. Kaya naman napagpasyahan kong hanapin siya at hindi naman ako nabigo. Nakita ko siyang nagpapahangin sa rooftop at pinupulot ang mga batong maliliit at nakatingin sa kawalan. "Anong nararamdaman mo?" pagtatanong ko sa kaniya at saka naupo sa kaniyang tabi. "Siguro nga lahat ng bagay ay may hangganan," pagsagot niya. "Masaya ako para kay Ayesha at nagawa niya ang isang bagay na palagi niyang sinasabi sa akin," dagdag pa niya at saka ngumiti sa akin. "Leandro, salamat dahil sa 'yo naging mabuting tao si Ayesha kahit hindi mo napapansin na gusto niya," naiiyak na sabi ni Trisha. Hinayaan ko namang umiyak si Trisha sa dibdib ko at saka ko naman hinaplos ang likod niya. Alam kong mahirap ito para sa kaniya lalo na at dalawang matalik niyang kaibigan ang nawala sa isang iglap. Marami na rin silang pinagsamahan at pinagdaanan ng sama sama. Hindi ko rin makakalimutan ang sakripisyong ginawa ni Ayesha sa pa aming lahat. Sa oras na mapatunayan kong may kinalaman nga rito si Gavreel hindi ko rin siya mapapatawad gaya ng ginawa ni Ayesha kay Rizza. Malayo na ang nararing namin kaya naman hindi ko na iyon sasayangin pa ganoon na rin ang sakripisyo ni Ayesha kaya gagawin ko ang lahat para malaman at makilala kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Alive: 13 Dead: 33
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD