Chapter 26

1507 Words
Leandro's P.O.V Nagising ako dahil sa isang malakas na sigaw mula sa ibaba at agad akong napabangon nakita ko naman na wala na si Sachi sa tabi ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay narinig ko ang takbuhan ng iba papunta sa kung saan kaya naman sinundan ko ito. Nakita ko silang lumabas at dumiretso sa likod ng bahay at doon ko nakita nagkukumpulan ang iba naming kasama. "Anong nangyari?" Pagtatanong ko. "Y-yung bangkay nina Patrick nawawala at tignan mo ang pagkakahukay parang binastos nila 'yung mga nananahimik," pagsagot ni Faith. Sino namang gagawa nito? At anong balak nila sa katawan nina Patrick. Isa isa namang umalis ang mga kasama namin at naiwan kami nina Kate sa garden. "Sa tingin niyo sino ang gagawa nito?" Patatanong ni Kate. "Sa tingin ko ay napasok tayo kagabi," pagsagot ni Gavreel. "Ang sino at bakit naman nila tayo papasukin dito at bakit nila kinuha ang katawan nina Patrick?" pagtatanong ni Reiz. "Yon ang kailangan nating masagot pero sa ngayon pumasok na muna tayo sa loob para makakain," pagsagot naman ni Gavreel. Tinapik naman ni Gavreel ang balikat ko at saka nagpatuloy sa paglalakad, sinabi ko naman kay Sachi na susunod na rin ako ng ayain niya akong pumasok na sa loob. Naiwan naman kami ni Kate dito sa pinaglibingan namin kina Patrick. "Leandro, kung tatamungin kita? Gaano mo kakilala si Gavreel?" diretsahan niyang tanong sa akin. "Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan," pagsagot ko sa kaniya. "Ah wala, siguro kailangan na rin nating sumunod sa loob at baka ina-antay na nila tayo para kumain," sabi niya at saka naglakad papasok sa loob ng bahay. Muli ko namang tinignan ang hukay at saka napa-isip muli. Pumasok naman sa isipan ko ang huling tanong ni Kate sa akin. Anong nais niyang ipararing may nalalaman ba siyang hindi naman nalalaman. At anong mayroon kay Gavreel na tila ba may sikreto siyang tinatago. Naguguluhan naman akong dumiretso sa loob ng bahay at pumunta sa kusina kung nasaan ang iba. Lahat naman sila ay napabaling ang tingin sa akin. "Mukha ba kong multo sa mga mata niyo?" natatawa kong sabi. "Iniisip ng iba rito na ikaw ang gumawa non sa libingan nina Patrick," pagsagot ni Ayesha. "Ha? Ako? Sino namang nagkapag-isip niyan," naguguluhan kong tanong. "May dirt stain ka sa damit mo at ikaw ang huling nagising ngayong araw," pagsagot naman ni Trisha. Agad kong hinanap ang sinasabi nilang dumi sa damit ko at nagulat akong mayroon nga at ngayon ko lang ito napansin. "Wala akong dahilan para gawin 'yung nangyari at isa alam ko sa sarili ko na hindi ako ang gumawa noon," pagdepensa ko sa sarili ko. Naki-upo naman ako sa kanila at saka naman nakikuha ng pagkain. Napansin ko namang hindi kumakain ang iba at nakatingin sa akin. "Kung hindi kayo komportableng kasama ako kumain sa taas nalang ako kakain," sambit ko at saka tumayo. "Sasama ako sa 'yo Leandro," sabi naman ni Sachi. "Hindi na, mabuti ng dito kana kumain at baka madamay kapa sa mga panghuhusga ng iba diyan," seryoso kong sabi at saka isa isang tumingin sa mga taong naka-upo ngayon. Tumango naman si Sachi at saka ako naglakad pataas dala dala ang pagkain ko. Sa mga oras na 'to sigurado akong kumakain palang din si Anika kaya sa kaniya nalang ako sasabay na kumain. "Oh? Bakit ka nandito? May nangyari ba sa ibaba?" Sunod sunod niyang tanong sa akin. "Nagkaroon lang ng maliit na hindi pagkaka-unawaan," pagsagot ko at agad ding naupo sa sumabay sa kaniya sa pagkain. "Alam mo na ba ang nangyari sa bangkay at libingan nina Patrick?" pagtatanong ko. "Mula rito sa pwesto ko na 'to ay kitang kita ko ang lahat ng nangyari pati na rin sa kung sino sino ang naghukay ng libingan nina Parick," agad naman akong nabigla sa mga sinabi niya. "Paano? At sinu-sino sila?" sunod sunod kong tanong. "Sa tingin ko may kinalaman si Gavreel sa mga nangyayari pero hindi ako nakakasigurado," panimula niya. "Kagabi ay hindi ako makatulog kaya't naisipan kong bumaba sa kusina para kumain ngunit narinig ko si Gavreel na may kausap sa cellphone, sinabi niya rito na bilisan ang paghukay para maiwasan ang pagkahuli," pagkukwento niya. "Ano ng nangyari pagkatapos?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ko na alam, matapos 'yon ay napagpasyahan kong umakyat na sa taas at silipin ang libingan nina Patrick at sa maniwala ka man o hindi tatlong tao ang nakita ko roon at 'yon ay walang iba kundi ikaw, si Lance at at Vince," pagbubulgar niya. "Ha? Paano ako? Sigurado akong tulog ako kagabi ay wala akong ginagawang ganoon," nagtataka kong sagot. "Palagi mong tandaan, Leandro. We are under hypnotism and we are not sure kung anong klaseng hypnotism 'to. What if, it can alter our memories," pagsagot niya. "Pero si Gavreel? Hindi ko maisip kung totoo ang sinasabi mo tungkol sa lahat ng 'to," pagsagot ko naman sa kaniya. "Ikaw rin at saka hindi ba bagong ligo ka bago matulog kung ganoon saan mo naman makukuha 'yang dumi sa damit mo?" pangungulit niya. Bigla naman akong napa-isip at pinipilit na maalala kung ginawa ko nga ba iyon kagabi dahil hindi ko magawang makumbinsi ang sarili ko na ako nga ang may gawa sa bagay na 'yon. "Kilala mo ba ang lahat ng nakapaligid sa 'yo? Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan mo sila?" sunod sunod na tanong ni Anika. "I was betryed, by the people I thought cared for me. Kaya ikaw gusto kong kilala mo ng lubos ang lahat ng nakapaligid sa 'yo hindi porket pinakitaan ka ng kabutihan ay palagi na siyang mabuti sa 'yo," dagdag pa niya. Iniwan niya naman akong mag-isa at dinala sa lababo ang pinagkainan niya. Tinapos ko na rin ang pagkain ko habang nag-iisip tungkol sa mga sinabi ni Anika. Anong mayroon kay Gavreel na sinasabi nilang dalawa ni Kate. May tinatago nga ba sa amin si Gavreel. Hindi ko naman maaaring bigla na lang siyang tanungin at kulitin na sabihin ang katotohanan. "Leandro, pasensya kana ginawa ko namang ipagtanggol ka sa iba kanina pero masyado silang nagkaka-isa sa 'di ko maintindihang dahilan," biglang sabi ni Ayesha mula sa likuran ko. "Ah ayos lang 'yon, hindi ko na rin naman masyadong iniisip ang mga paratang nila hangga't alam ko kung ano ang totoo," pagsagot ko. Agad naman akong tumayo at dinala ang pinagkainan ko sa lababo. Napansin ko namang tila ba naiilang ang iba sa akin. Hindi ko alam kung nahihiya sila o galit sa akin. Hinahanap ko naman si Sachi kanina pa ngunit 'di ko siya makita wala naman akong mapagtanungan dito dahil parang hindi sila makikipag-usap sa akin. Kung iisipin ang babaw nilang lahat dahil sa pagkawala ng bangkay nina Patrick ganito nalang nila ako itrato. Kahit wala silang sapat na ebidensya laban sa akin at isa pa wala naman akong dahilan para hukayin 'yon. Baway daan ko sa harapan nila ay naiilang na rin ako. Hindi ako sanay na ganito ang atensyon ng mga tao sa akin. Para akong naglalakad na kriminal sa harapan nila. Makalipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako kinaka-usap ng mga taong nasa loob ng resort maliban kina Sachi. Buong maghapon ay nakatambay lang ako sa terrace dahil napag-alaman ko mula kay Ayesha na umalis sina Sachi para umuwi at kumuha ng supplies. Mabuti na lamang at nandito si Anika kahit papaano ay may nakaka-usap ako. Maghapon lang kaming nag-usap tungkol sa mga nangyari sa buhay niya at paano siya niloko ng mga taong akala niya ay mahal siya. Dahil sa mga sinabi niya ay natauhan ako masyado nga ba akong mabait sa ibang tao at dapat nga bang bawasan ko ang pagiging selfless ko. Nang marinig ko ang lahat ng ito mula kay Anika ay naka-isip ako ng isang paraan at ito ay sakyan kung ano ang nais ng iba. Sa susunod na misyon ay wala akong ibang iisipin kundi sarili ko gaya ng iniisip nila sa akin. Alas otso na ng gabi at malapit na ang susunod na misyon ngunit wala pa rin sina Sachi rito sa resort. Napapa-isip kung nasaan na sila sa mga oras na ito at ano ang ginagawa nila dahil sa pagkakaalam ko ay kukuha lang sila ng supplies. Na-isipan ko namang magpahinga na muna dahil masyado ng pagod ang isip ko kaka-isip sa mga bagay na hindi makakatulong sa akin. Dalawang beses akong hindi na naka kain ngayong araw dahil wala rin akong ganang kumain. Mag-isa naman ako nakahiga ngayon sa kwarto at pinipilit na makatulog. Malapit na mag alas nuwebe at wala pa rin sina Sachi dito sa resort masyado na akong nag-aalala para sa kalagayan nila dahil kasama nila si Gavreel. Hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi tungkol sa kaniya pero dahil sa mga nalaman ko ay bigla akong nagduda sa pagkataon niya. Alam kong mula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa kilala ko siya sa pagiging mabutinh tao kaya't mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ni Anika tungkol kay Kate. Ngunit hindi mawawala ang pag-aalala ko gayong kasama niya si Sachi at ang iba. Alive: 19 Dead:27
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD