Chapter 11

1335 Words
Leandro's P.O.V Nang makauwi kami kagabi ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Ngunit na ganoon ay nagpanggap pa rin akong walang nalalaman hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto ko. Ngayon umaga lang habang kami ay naghahain si Mama ng pagkain ay napanood ko ang balita sa TV. "Tatlong estudyante patay matapos ang naganap na sunog at pamamaril sa St. Francis Integrated Highschool, sinasabing isang grupo ng mga kabataan ang 'di umano'y sumunog sa paaralan patuloy pa rin sa pag-iimbistiga ang mga pulisya dahil tumanggi mag bigay ng pahayag ang 2 pang suspek na nahuli" Nagulat ako ng marinig ko ang balita tungkol sa nangyari kagabi dahil hindi ko inakala na may namatay sa mga kaklase ko kagabi dahil sa pamamaril na 'yon. Ngunit kahit gusto kong malungkot ay hindi naman ako masyadong nagpa-apekto dahil alam kong darating ang oras na mababawasan pa rin kami. "Hindi ba at mga kaklase mo 'yon?" Pagtatanong ni Mama. "Opo ma," pagsagot ko naman sa kaniya. "Nako, 'wag ko lang mabalitaan na sumasama ka sa mga ganiyan nako sinasabi ko sa iyo, pero bakit kaya nila 'yon ginawa mukhang mababait at matitino naman ang mga kaklase mo," mahabang turan ni mama. Hindi na ako muli pang sumagot at saka naman kami nagsimulang kumain nina Mama. Agad naman akong tumingin ng pasimple sa cellphone ko at doon ko nalaman na si Ayesha at Mike palang ang dalawang nahuli at sina Audrey, Hannah at Christian naman ang binawian ng buhay dahil sa barilang naganap. Natapos naman kami sa pagkain at agad naman akong nagpaalam kay Mama na may aasikasuhin lang kami nina Sachi. Hindi sana ako papayagan dahil sa nangyari kagabi ngunit nagpumilit ako at ipinangako na hindi ako sasangkot sa kahit anong bagay kagaya nung pagsunog sa school. Agad akong nag-chat sa groupchat namin nina Sachi at sinabing magkita kita kami sa may parke. Sabay sabay naman kaming nagpunta roon nina Gavreel. "Wala ba kayong balak na pumunta sa mga burol ng kaklase natin?" pagtatanong ni Gavreel habang naglalakad. "Sa tingin ko makakabuting kung 'wag na muna tayong pumunta sa kanila at paghandaan muna natin ang gagawin natin ngayong araw," pagsagot ni Sachi. Nang makarating kami sa park ay naroon na sina Kate at nag-aantay agad naman kaming kumaway sa kanila para kunin ang atensyon nilang tatlo. "Anong balak nating gawin ngayon?" Pagtatanong ni Kate. "Mahihirapan tayong kumilos at puntahan si Aling Almira dahil mainit ang mata sa atin ng mga pulis," pagsagot ko. "Kung gabi tayo kumilos?" Pagsasabi ni Lance ng kaniyang opinyon. "Marami sa atin ang hindi papayagan kung ganoong oras tayo kikilos," pagsagot ni Reiz. "Sino ba nagsabing magpapaalam tayo?" pagsagot ni Lance. "Wow ah! Bad boy kana ulit," singit naman ni Kate. "Let's game ba mamayang gabi?" pagtatanong niyang muli. "Naalala ko bigla wala pala sina mommy ngayon dahil umalis sila kasama ang mga kapatid ko kaya ako lang at ang mga katulong ang nasa bahay," dagdag pa niya. "So? What do you mean?" tanong ni Sachi. "Pwede kayong magpaalam para sa sleepover o overnight then ang totoo nating gagawin ay puntahan si Aling almira," sabi ni Lance. Nagkatinginan naman kaming lahat at saka nagtunguhan bilang pagsang-ayon. Napagdesisyunan naman naming dumaan saglit sa paaralan para tignan ang nangyari rito matapos ang malaking sunog na nangyari kagabi. May mga pulis paring umaaligid at pinagmamasdan ang paligid na tila ba ay naghahanap ng mga maaaring magbigay ng lead kung sino-sino pa ang mga suspek sa nangyaring krimen. "Pasensya na mga bata ngunit under investigation ang lugar na ito kaya pinapayuhan ko kayo na huwag muna kayo rito magpa-ikot ikot," sabi ng isang pulis at saka ngumiti sa amin. Agad naman kaming humingi ng pasenya at umalis sa paaralan dumeretso kami sa isang covenient store para mag-relax. "Ano palang misyon n'yo ngayon araw?" Pagtatanong ni Reiz. "Napansin kong bumalik sa pagiging normal o madaling misyon ang akin dahil ang misyon ko ay mag-shave ng mga hindi nakikitang buhok sa katawan," pagsagot ni Lance. "Sounds weird, e kayo ba anong sa inyo?" Tanong muli ni Reiz. "Ayokong pag-usapan 'yung tungkol sa misyon ko ngayon kaya kayo ba anong sa inyo?" Pagsagot ni Schi. "Sa akin ay basagin ang mahal na baso ni Mama," sagot ni Gavreel. "Hayaang makalat ang kwarto," sagot ko. "Kumanta sa C.R ng malakas," sagot ni Reiz. "Ayoko ring pag-usapan ang tungkol sa misyon ko," sagot ni Kate. "Ano bang misyon n'yo at kailangan pang isekreto?" pagtatanong ni Lance. "Girls thing," sabay na sabi ni Sachi at Kate. "Magkakaibigan naman tayong lahat dito at isa pa open minded naman tayo hindi ba," pamimilit ni Lance. "Okay fine, I'll go first!" sagot ni Sachi. "Wala akong suot na pang-ibaba ngayon pero... pero may suot akong cycling," nahihiyang sagot ni Sachi. "Wala akong suot na bra... pero ayos lang it's normal naman pag nasa bahay naman ako ganoon ako e," sagot ni Kate. Natapos naman ang usapan namin sa ganoon senaryo at agad na rin kaming umuwi para magpa-alam dahil sa overnight na gagawin namin. Inihatid namin ni Gavreel si Sachi sa bahay nila at saka kami umuwi. Nang makarating ako sa bahay ay wala sina mama at isang note lang ang nakita ko na umalis sila dahil may bussiness na naman silang gagawin. Nag-text naman ako sa kanila para magpaalam at kahit walang reply ay nagsimula na ako sa pag-aayos. Nakatanggap naman ako ng message na pinayagan si Sachi at Gavreel kaya naman agad din akong nag-lock ng bahay at saka lumabas para antayin sina Sachi. Ilang minuto lang rin ang nakalipas ay nakita ko na sila at saka kami nag-antay dahil susunduin daw kami ni Lance rito. Naupo kami sa isang bench na nasa labas at saka tahimik na nag-antay. Ilang minuto na rin ang nakalilipas ay wala pa rin sila. "Ano palang balita kina Ayesha?" Bigla kong pagtatanong na siyang sumira sa katahimikam. "Ang alam ko hinayaan silang makalaya dahil sa influence nila," pagsagot ni Sachi. "Maganda kung ganoon nga," sagot ko naman. "Guys naisip ko lang bigla paano kung wala talagang paraan para matapos itong laro?" Seryosong tanong ni Gavreel habang nakatulala sa kung saan. "What if ang tunay na balak nitong laro ay ubusin tayong lahat?" Dagdag pa niya. "Nakakasigurado akong mayroong paraan at malay natin sa tulong pa ni Aling Almira ay matapos agad natin itong laro," pagsagot ko. Isang busina naman ang umagaw sa pansin naming tatlo at saka tumingin sa pinanggalingan nito. Agad naman kaming tumayo ng makita namin ang sasakyan ni Lance. "Pasensya na natagalan may dinaanan pa kami e," sabi niya. Tumango naman kami at saka pumasok sa likod ng kotse mabuti nalang at kasya kaming apat sa likod. Nagsimula namang magpatakbo si Lance ng sasakyan niya. "Sa tingin niyo ba handa tayong tulungan ni Aling Almira," biglang sabi ni Gavreel. "Alam kong maiiintindihan niya ang sitwasyon natin dahil napagdaanan niya ito at kung sakaling alam niya ang sagot ay tutuloy siya sa atin," pagsagot ni Lance. "Hindi natin 'yan masisigurado dahil paano kung ayaw na niyang masangkot sa kahit anong bagay na kaugnay sa laro?" pagsasabi ni Kate ng opinyon niya. "Malalaman natin ang anong kasagutan kapag nasa harap na natin si Aling Almira," sabi naman ni Sachi. Nagpatuloy ang byahe at nawalan na kami ng mapag-uusapan kaya naman ay sumandal nalang ako sa balikat ni Sachi at saka umidlip. Handa nga bang tumulong si Aling Almira sa amin. Papaano kung tama si Kate at hindi niya kami tulungan kahit alam niya kasagutan. Hindi ko naman magawang makatulog at napatingin naman ako sa unahan at napansin kong tila ba may pinag-uusapan silang dalawa. Mukhang may alam silang hindi sinasabi sa amin. Pero bakit naman sa mag sesekreto sa amin gayong magkakaibigan kami at nasa iisang sitwasyon lamang kaming lahat. Kalahating oras na ang nakalipas mula ng magbyahe kami patungo sa tirahan nina Aling Almira, at ng tanungin ko si Lance ay sinabi niya na medyo malayo pa kami sa aming destinasyon. Kaya naman ay sinubukan ko ulit matulog. Alive: 34 Dead: 11
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD