Leandro's P.O.V
Halos isang oras at kalahati ang itinagal ng aming byahe bago kami tumigil. Napansin ko namang kaka-unti lang ang bahayan sa lugar na 'to at halos lahat ay makaluma ang estilo ng pagkakagawa ng bahay.
"Ito na ba 'yung lugar?" pagtatanong ni Reiz.
"Oo raw sabi sa google map, magtanong tanong nalang tayo sa mga nakatira rito para madali nating mahanap si Aling Almira," sagot ni Lance.
"Bakit n'yo hinahanap ang lola ko?" nagulat nman kaming lahat ng biglang may sumingit sa usapan at napatingin kami sa lakuran namin kung saan nanggaling ang boses.
"Kilala mo ba si Aling Almira?" pagtatanong ni Lance.
"Ako ang unang nagtanong at isa pa kasasabi ko lang na lola ko siya," pagsagot nito.
"Ahh may gusto lang kaming malaman mula sa kaniya," pagsagot ko.
"Hindi siya pwedeng kausapin," pagsagot nito at saka naglakad paalis.
"Sandali lang, paki-usap kahit sandali lang nakasalalay ang bawat buhay namin sa magiging sagot niya," paki-usap ni Sachi.
"Walang kinalaman ang lola ko sa mga buhay n'yo at isa ayaw niyang nakikilag-usap sa mga taong hindi niya kilala," pagsagot nito.
"Paki-usap kahit limang minuto lang," pangungulit ni Sachi.
"Susubukan ko siyang tanungin dahil naki-usap ka," sagot ng babae.
"Maraming salamat, mag-aantay kami sa iyo," pagsagot naman ni Sachi.
Sinundan naman namin ang batang babae at nag-antay sa labas ng gate ng bahay nila. Mukhang makaluma rin ang pagkakagawa sa kanilang bahay. Ang gate nila ay gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kawayan at kawad. Ang haligi ng kanilang bahay ay may parteng flywood at yero lamang. Mayroon din silang taniman ng gulay sa gilid ng kanilang bahay.
Ilang minuto na ang nakalilipas ng pumasok sa loob ng bahay ang batang babae bago ito lumabas.
"Pumayag si Lola pero hindi pa rin ako natutuwang andito kayo," walang emosyon niyang sabi sa amin.
"Pasensya kana, hindi naman kami magtatagal at ito na rin ang huling beses na pupunta kami rito," pagsagot ni Reiz.
"Siguraduhin niyo lang na hindi mapapahamak ang lola ko dahil hindi ko kayo mapapatawad," seryoso niyang sabi sa amin.
Hinayaan naman niya kaming makapasok sa loob at saka naman kami isa isang naglakad papasok. Nakadagdag sa kaba ko ang pagbukas ng pinto ang tunog nito na tila gato na at malapit na masira. Bawat hakbang na aming ginagawa ay lumilikha rin ng tunog kung saan mas tumindi ang kaba na nararamdaman ko.
"Andito ang lola ko at hindi siya nakakapagsalita dahil wala na siyang dila," paalala ng batang babae.
"Pero kaya niya pa ring makapagsulat kaya kahit papaano ay masasagot niya ang nga tanong niyo," dagdag pa nito.
"Maraming salamat," pagsagot ni Sachi.
Naupo naman kami sa harap ni Aling Almira at saka nagsimulang magtanong si Kate.
"Maari po ba naming malaman anong nangyari noong 1980 sa dati niyong pinapasukan?" pagtatanong ni Kate.
Nagsulat naman si Aling Almira sa papel at saka ito ipinakita sa amin.
'Sumpa ng kyuryusidad'
"Maaari po ba naming malaman kung may iba pa po bang nabuhay maliban sa inyo?" Muling tanong ni Kate.
'Wala'
"Papaano po natapos ang sumpa?" pagtatanong naman ni Sachi.
'Sakripisyo ng lahat para sa lahat'
Naguluhan naman kaming lahat sa kaniyang naging kasagutan kaya't muling kaming nagtanong para sa paglilinaw.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" pagtatanong ko.
'Isang sakripisyo para sa buhay ng ibang tao'
"Ibig niyo po bang sabihin ay kailangan naming magsakripisyo ng isa sa amin?" paglilinaw ni Reiz.
'Oo'
"Nagawa n'yo na po ba ito dati?" pagtatanong ni Lance.
'Hindi'
"Sa paanong paraan po natapos ang sumpa sa inyo?" Pagtatanong ni Gavreel.
'Ang isang paraan ay mag-isang mabuhay'
"Ibig niyo po bang sabihin ay isa lang sa amin ang maaring mabuhay?" paglilinaw ni Sachi.
Tumango naman si Aling Almira bilang pagsagot. Nagkatinginan kaming lahat at saka muling nagtaon si kate.
"Kung ganoon ay kailangan pong may isa sa amin na magsakripisyo o isa lang po sa amin ang mabubuhay," paglilinaw ni Kate.
Tumango naman si Aling Almira bilang pagsagot. Muli kaming nagkatitigan at saka nagtatakang napa-isip kung ano ang dapat na gawin.
"Siguro kailangan n'yo ng umuwi at umalis," singit ng batang babae.
"Sandali may isa pa akong katanungan para kay Aling Almira... nakasisigurado po ba kayong wala ng iba pang nabubuhay? At hindi na po ba kayo nakatatanggap pa ng mga misyon?" Pagtatanong ni Kate.
Tumngo namang muli si Aling Almira bilang pagsagot at saka naman tumungo rin si Kate bilang pagsang-ayon.
"Dahil nalaman n'yo na ang mga gusto niyong malaman pwede na kayong umalis ngayon," seryosong sabi ng batang babae.
"Oo aalis na kami maraming salamat," sagot ni Sachi.
Agad naman kaming nagpaalam kay Aling Almira at sa batang babae. Inihatid naman kami palabas ng batang babae at saka kami muling nagpaalam binigyan naman kami ng isang matamis na ngiti ni Aling Almira at mataray na mukha ng batang babae.
"Umalis na kayo at 'wag ka na kayong babalik," sambit nito.
Kumaway kami bago tuluyang umalis at dumiretso sa sasakyan ni Lance. Agad kaming pumunta kung saan niya ito ipinarke at isa isang sumakay. Binalot naman kami ng sobrang katahimikan bago nagsalita si kate.
"Wala ba kayong kakaibang napansin?" Pagtatanong niya.
"Kakaiba? Napansin?" naguguluhang tanong ni Reiz.
"Yung kilos at sagot nina Aling Almira at ng bata g babae parang nagsisinungaling silang dalawa," pag sagot ni Kate.
"Paanong nagsisinungaling?" Pagtatanong ni Sachi.
"Hindi ko rin matukoy pero nararamdaman kong may mali sa mga nangyari kanina," sabi ni kate.
"Kaya naisip ko na bumalik tayo rito," dagdag pa niya.
"At kailan naman tayo babalik dito?" Pagtatanong ni Gavreel.
"Mga after two or three days" pagsagot ni Kate.
Pagkatapos noon ay binalot na muli kami ng labis na katahimikan at saka naman nagpaandar ng makina si Lance at nagsimula na kami sa byahe. Nakaramdaman naman ako ng pagka-antok kaya naman ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Sachi at agad niya rin itong inalalayan.
Kate's P.O.V
Hindi ko mawari pero sigurado akong may mali sa mga nangyari kanina. Sa bawat kilos at sagot ng mag Lola parang may kakaibang hindi ko maipaliwanag. At hindi ako matatahimik hanggat hindi ko iyon nalalaman.
Buong byahe ay tahimik lamang kami hanggang sa makarating kami sa bahay nina Lance. Agad naman kaming pumasok sa loob at saka kami inasikaso ng mga kasambahay nila Lance. Agad kaming dumiretso sa kusina para kumain. Pagkatapos kumain ay naisipan naming manood ng movies habang nagpapa-antok.
Habang kami ay nanonood ng palabas ay naisipan kong maghanap ng ilan pang impormasyon tungkol sa 1980 incedent na nangyari. Dahil hindi ako makampante sa bawat isinagot ni Aling Almira. Pakiramdam ko talaga ay may mali sa mga nangyari kanina at kung sakaling makakuha o makahanap ako ng kahit konting impormasyon ay matatahimik na ang isip ko ngayong araw.
Alive: 34 Dead:11