Chapter 13

1563 Words
Leandro's P.O.V Matapos naming marinig ang mga kasagutan mula kay Aling Almira ay umuwi na rin kami. Ngunit parang 'di kumbisido si Kate sa mga tinuran ni Aling Almira. Kaya't napag-usapan naming bumalik roon sa susunod na araw. Kasalukuyan naman kaming nag-uumagahan sa bahay nina Lance. Tahimik lamang kaming kumakain hanggang sa magsalita si Sachi. "Na-check niyo na ba ang mga mission niyo ngayong araw?" Pagtatanong niya. Nagtinginan naman kami at saka umiling bilang pagsagot. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinignan ang bagong mission at kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Sachi. "Tama ang nababasa niyo, may misyon na naman tayo as a group," pagsagot niya. "Mamayang 12:00 P.M ay kailangan nating magtipon-tipon sa park para sa surprise mission," pagbasa ni Reiz. "Siguro ay pumunta tayo roon ng mas maaga dahil baka hindi maaaring ma-late," suhestiyon ni Kate. "Tama si Kate, walang mawawala sa atin kung maaga tayong pupunta roon," pagsang-ayon ni Lance. Agad naman kaming nagsabi sa group chat na pumunta ng mas maaga sa nasabing oras para na rin makasiguradong walang mangyayaring masama. Matapos kaming makakain ay inihatid naman kami ni Lance isa isa pauwi para makaligo at makapagpaalam. Nang makababa kami nina Sachi ay agad rin kaming nagsiuwian sa kani-kaniyang bahay. Pagkapasok ko sa loob ay wala na namang tao sa bahay namin. Tanging notes lamang ang bumungad sa akin na umalis sila para sa trabaho. Agad akong umakyat sa kwarto ko at saka nahiga sa kama ko. Napa-isip ako sa kung ano ang mangyayari mamaya sa park. At bakit kami roon pinapapunta. Ang babaw naman ng misyon kung ganoon lang kaya naman napa-isip na baka may iba pang mangyayari pagkarating namin doon. 10:37 palang ng umaga at 11:30 naman kami aalis papunta sa park. Agad naman akong nagtungo sa C.R para maligo at makapag-ready na agad. Habang naliligo ako ay nakatanggap ako ng tawag kaya naman agad ko 'yung kinuha at nalaman kong mula ito kay Sachi. 'Hello love,' pagbati ko sa kaniya. 'Nag-enjoy ka na naman sa pagligo mo tignan mo kung anong oras na,' pagsermon niya sa akin. '11:27 na po hehe' pagsagot ko. 'Bilisan mo na o baka gusto mong ako pa magpaligo sa iyo,' sabi niya mula sa kabilang linya. 'Yes plea--' hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng patayin niya ang tawag. Agad naman akong nagbuhos at siniguradong wala ng sabon sa ulo at buong katawan ko at saka lumabas ng C.R lara magbihis. Agad kong kinuha ang shorts at t-shirt ko saka ito isinuot. Inayos ko saglit sa salamin ang buhok at chineck ko ang suot ko kung ayos lang ba ito at saka bumaba sa sala. Nakita ko naman sina Sachi na nasa loob na at nakaupo. Agad naman akong napakamot ng batok ko ng makita ang expression ng mukha niya. "Ano bang ginagawa mo sa C.R? Napakatagal mo lagi maligo!" pagalit na sabi ni Sachi. "Naliligo po," pagsagot ko. "Ah naliligo," Sarkastiko niyang sabi. "Pasensya na po, napasarap sa ligo e. Ano ba? 'Di pa ba tayo aalis?" Pagtatanong ko sa kanilang dalawa. Agad namang tumayo si Sachi at lumabas ng bahay. Nagkatinginan naman kami ni Gavreel at saka napatawa bago sumunod kay Sachi sa labas. Hinabol namin ito ng dumiretso na pala siya sa paglalakad. Nang maabutan namin siya ay agad kong hinawakan ang kamay niya at nag-sorry. "Sorry na po," paghingi ko ng tawad. Hindi naman niya 'ko pinansin at saka nagpatuloy lang sa paglalakad pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. "Sorry na po," malambing kong sambit. "Oo na, bakit kasi ang tagal tagal mo maligo nakakairita ka," naiinis niyang sabi. "Mukhang pulang araw na naman ah, Oh biro lang sorry na nga po e," pagpuna ko sa kilos niya sabay hingi ng sorry ng tignan niya ko ng masama. Nagpatuloy naman kaming tatlo papunta sa park. At gaya ng inaasahan ay naroon na kami halos lahat at 11:49 palang ng umaga. "Sino sino pang wala rito?" Pagbungad kong tanong sa kanila. "Lima nalang sina Neil, Mike, Ayesha, Rizza at Trisha pero 'yung trio na girls papunta na raw sila," pagsagot ni Reiz. Tumango naman ako biglang pagsagot. Malapit na mag alas-dose ng tanghali at wala pa rin sila. Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa taong mala-late sa pagpunta rito. Ilang minuto lang ay nakarating na rin ang tatlong babae at sina Niel at Mike nalang ang kulang. Sa 'di naman kalayuan ay nakakita kami ng isang taong nakasakay sa bike at patungo rito sa park. Agad naman naming naaninag na si Neil pala 'yon. Nang makarating siya ay saktong alas dose na ng tanghali. "P-pasensya na kayo ah, ako n-nalang ba k-kulang?" hinihingal tanong niya sa amin. "Si Mike wala pa siya rito," sagot ni Ayesha. Maya maya pa ay tumunog na ang mga cellphone namin kasabay ng isang tunog na tila ba ay may nagbanggaan. Dali dali naman kaming nagsi labasan para makita kung ano iyon. At nagulat kami ng makita ang isang aksidenteng bungguan ng isang truck at motor. "Guys, I guess si Mike 'yung na-aksidentr," walang emosyong sabi ni Trisha. Agad ko namang nakita sa cellphone ko ang text mula sa laro kung saan nakalagay ang kapalaran ni Mike. Kaya naman natukoy naming siya nga iyon. "Let's go back! Wala na tayong magagawa. Pumasok na kayo ulit," walang emosyon kong sabi. Nagbulungan naman ang iba habang nagsisipasukan sa park. Agad kaming pumwesto ng kaniya kaniya. Lahat kami ay nabigla sa nangyari na dahil sa na-late ay buhay na agad ang kapalit. Nakarinig naman kami ng ambulance at pulis na dumating at kasabay noon ay nakatanggap kami ng message mula sa laro. To: Everyone From: Master Subject: Form a circle and wait for the other instruction. Agad ko namang silang inutusan na maupo sa damo at gumawa ng bilog. Nang matapos kaming makapwesto ay nakatanggap kaming muli ng message. To: Everyone From: Master Subject: Everyone has the power to choose one player to be eliminated. The person who will have a lot of votes will be punish. Natulala naman kaming lahat at pinagmasdan ang isa't isa. Pagkatapos ay nagsimula na ang tensyon ng magsalit si Ayesha. "What if isa sa mga tropa nina Leandro tayo pumili hindi ba't sila ang dahilan bakit tayo nandito ngayon," pangungumbinsi niya sa mga kaklase namin. "What if si Ayesha ang i-vote natin dahil wala na siyang tamang pag-iisip at palaging nagpapahirap sa sitwasyon?" Pagsagot naman ni Sachi. "Bakit ako?" Mataray na sagot ni Ayesha. "Maraming dahilan para ikaw ang iboto rito. Una napaka-arte mo, feeling bossy, selfish, at higit sa lahat hindi mo pinag-iisipan lahat ng ginagawa mo o kahit sasabihin man lang," sagot ni Sachi. "Seriously? Ganiyan talaga ang iniisip n'yo tungkol sa akin?" Pagtatanong ni Ayesha at saka tumingin sa paligid. "Huh! I knew it, even you Trisha and Rizza I know na ganoon din ang iniisip niyo towards me!" Pagalit niyang pagsisiwalat. "Okay. Fine. Iboto niyo 'ko," dagdag pa niya. "May na-isip akong mas okay kaysa sa na-isip ni Ayesha," panimula ko. "Let's vote each other! Bale ganito ako ang iboboto ko ay si Sachi at ang iboboto naman ni Sachi ay 'yung katabi niya at 'yung katabi niya naman ang iboboto niya ay 'yung sunod sa kaniya pa-ikot lang para bawat isa ay may isang boto," pagpapaliwanag ko. "Paano kung lahat tayo mamatay dahil sa ganiyang way of voting?" Pagtatanong ni Mia. "Hindi naman tayo nakakasigurado kaya subukan natin," pagsagot ko. "Hindi ko itataya ang buhay sa ganiyang desisyon," pagsingit ni Vince. "May iba ka pa bang ideya na naiisip?" Pagtatanong ko. Natahimik naman siya at kahit sino ay hindi na nakapagsalita pa. Kaya't kinuha ko na 'yung oppurtunity na kumbinsihin sila na gawin 'yung naisip ko. "Ngayong wala naman tayong ibang maisip na paraan gawin na natin 'yung sinabi ko," pangungumbinsi ko sa kanila. Wala naman ng umangal na kahit sino kaya't naghanda na kaming lahat sa gagawin naming pagboto. Agad kong kinuha ang cellphone ko at inilagay ang pangalan ni Sachi at saka ito sinend sa Game Master. Habang inaantay ang bawat isa na makaboto ay pinagmamasdan ko lang sila. Nakikita ko na bawat isa ay kinakabahan at natatakot. Alam kong sobrang risky nitong ginagawa namin pero wala na kaming choice kundi ang gawin ito. Nang matapos ang botohan ay muli kaming nakatanggap ng message mula sa laro at nagulat ako ng mabasa ko ang message. Ruth Susion got 2 votes. Lahat naman kami ay napatingin sa kaniya. "Guys, ayoko ng magpatuloy sa ganito. Nakapagdesisyon na ako hanggang dito nalang ako," nakangiti niyang sabi. Ibinoto pala niya ang sarili niya. Dahil sa ginawa niya ay mapaparusahan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagkasunog ng sarili. Bigla naman kaming nagulat ang ilan ay napasigaw at napatayo ng biglang lumiyab si Ruth. Huli kong nakita ay umiiyak siya habang nakangiti bago tuluyang magwala sa sakit at hirap. Lahat naman kami ay walang nagawa kundi panoorin lamang ang nangyayari. Maging ang mga taong dumadaan ay napatigil dahil sa biglaang nangyari. Agad namang tumawag ng ambulance ang isang tao na napadaan at nakita ang mga nangyari. Agad naman kaming umalis sa lugar na iyon at nagkani-kaniyang uwi. Wala naman kaming magagawa dahil nangyari na e kaya naman ang kailangan nalang naming gawin ay magpatuloy. Tumigil kami saglit nina Sachi sa isang Convenient store para kumain. Tahimik lang kami habang nakaupo at kumakain ng mga pinamili namin. Alive: 32 Dead: 13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD