Leandro's P.O.V
Habang tahimik kaming kumakain ay nakatanggap kami ng text messages at nagulat kami sa aming nabasa.
Bagong mission kahit alas tres palang ng hapon.
"Anong ibig sabihin nito?" Pagtatanong ni Reiz.
"Wala na tayong oras para mag-isip kailangan na nating makabalik don ngayon," pagsagot ko.
Tumango naman sila sa akin at saka kami nagsimulang mag ayos ng gamit at lumakad pabalik sa park.
Nakita ko naman ang chat ng iba naming kaklase sa group chat namin at wala na akong oras para pansinin pa iyon kaya naman ay nag-focus ako sa pagpunta sa park.
Hindi naman malayo 'yung park mula sa Convenient store na pinuntahan namin kaya't ilang minuto lang ay nakarating na kami sa nasabing lugar.
"What's the meaning of this?" Pagtatanong ni Ayesha.
Wala namang pumansin sa kaniya dahil wala namang kahit sino ang nakakaalam tungkol sa rito.
Dahil sa takot ng iba na malate ay mabilis kaming na kumpleto rito at ang lahat ay binabalot ng pagtataka. Maya maya pa ay nakatanggap kami ng message.
To: Everyone
From: Master
Subject: You will now registered as a racer. The race of life will start later, at exactly 12:00 midnight.
"Seryoso ba 'to? Tinipon tipon tayo rito para lang paalalahanan sa susunod na mission?" pagrarant ni Patrick.
"Siguro nga ay ganoon kasi wala namang sunod ns sinabi hindi ba," sagot ni Royce.
"Pero hindi ba kayo natutuwa na 'yon lang ang pinagawa niya ngayon," pagsingit ni Trisha.
"Tama si Trisha," pagsang-ayon ng iba.
Nagsimula namang magbulungan ang mga kaklase namin. Lahat naman kami ay nag-aantay sa kung mayroon pang ibang anunsyo. Habang ang iba ay sinubukang umalis na ngunit nagulat kami bigla silang magtaob.
Nakatanggap naman kami ng message at sinasabi nitong hindi na maari pang lumabas ng starting line at nagsisimula na ang countdown para simulan ang Race.
"Seryoso ba 'to? Mag aalas kwatro palang ng hapon at anong ineexpect nito? Mag-antay tayo ng walong oras? Dito?" Pagrereklamo ni Ayesha.
"Tumahimik ka nalang Ayesha," pagsagot ni Sachi.
"Huh! Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga gaya ng iba?" Pagtatapang nito.
"Tingin mo makakatulungan 'yang kababawan mo ng pag-iisip? Sige nga! Magwala ka ngayon at magsisigaw tignan natin kung may mababago sa mga nangyayari at mangyayari," pagsagot ni Sachi.
"Bakit ba palagi kang nangingi-alam sa mga gusto ko?" Pagtatanong ni Ayesha.
"Nakaka-irita kasi 'yung boses mo! Para kang babaeng nakalimutang paarawan nung baby pa kaya ka ganiyan!" Pang-aasar ni Sachi.
"Huh! Kayo naman ang dahilan bakit tayo nasa ganitong sitwasyon hindi ba!" Pag-iiba niya ng topic.
"Hindi ba't lahat ay nag-bigay ng permiso para gawin ang pagpasok sa delikadong site na 'yon at isa pa kahit sino sa atin ay walang ka alam alam na ganito ang kalalabasan" pagsagot ni Sachi.
"Oo nga Ayesha manahimik ka nalang," pagsang-ayon ni Faith.
"Oo nga tama sila Ayesha kasi sa lahat ng taong nandito ngayon ikaw lang ang bukod tanging ganiyan ang iniisip," pagsingit naman ni Angel.
"WOW! Mukhang may alliance na pala kayo 'di naman ako na-inform na kailangan palang bumuo," Natatawa niyang sabi.
"Alam mo manahimik ka na lang wala ka namang naitutulong dito e," pagsagot ni Trisha.
"Plastic, kinakalaban mo na ko ngayon. Pagkatapos ng lahat ng naitulong ko sa iyo," pagsagot ni Ayesha.
"Una sa lahat hindi ko sinabing ibigay mo 'yung mga ganoon bagay sa akin. Pangalawa, kung plastic ako kakampihan kita ngayon at ipagtatanggol. Pangatlo, 'wag ka ng tumulong kung iniisip mo ay magiging utang na loob nila 'yon sa iyo at panghuli maling mali kana Ayesha kung tutuusin mas okay pa sana na ikaw nalang 'yung namatay kanina at hindi si Ruth," mahabang litanya ni Trisha.
Wala namang nakapagsalita sa aming lahat at binalot kami ng sobrang katahimikan. Naiinis namang lumayo si Ayesha at nagpunta sa isang duyan.
"Hayaan niyo na ang babae 'yon, wala namang siyang maitutulong na maganda kung ganiyan ang ugalu niya," pagpapaalala ni Trisha.
Sumang-ayon naman ang iba at saka kami nagsikaniya-kaniyang hanap ng pwesto na pwedeng upuan. Ilang oras na rin ang nakalipas mula ng matipon kami sa lugar na ito. Nagsimula naman sila sa pag-order ng mga pagkain dahil hindi kami maaaring makalabas sa park. Nagpadala na rin ang iba ng mga jacket sa mga kakilala nila dahil nagsisimula ng lumamig ang paligid.
"Leandro? Baka nagugutom kana oh," pagkulbit sa akin ni Reiz sabay abot ng pagkain.
"Ah hindi pa naman, sige lang kainin mo na 'yon ayos lang ako," nakangiti kong sagot.
Bigla namang sumandal sa balikat ko si Sachi. At saka nag-focus sa paggamit ng cellphone niya.
"Gutom kana ba?" Pagtatanong ko.
Umiling naman siya bilang pagsagot at saka ko itinayo at tinanong.
"Gutom kana po ba?" muli kong pagtatanong.
"Kumain na ko kanina, baka sobrang busy mo kaya hindi mo napansin," pagsagot niya sabay pinilit na ngumiti.
Hindi ko alam kung galit ba siya o wala lang talaga siya sa mood. Lumapit naman ako sa kaniya at saka ko ako sumandal sa balikat niya. Hinawakan ko naman ang isa niyang kamay at saka ito pinisil pisil.
"Sa tingin mo Sachi? Matatapos pa 'tong bangungot na 'to?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"Kung sasagutin ko 'yan ng totoo ang sagot ko ay hindi ko alam pero palagi kong hinihiling na matapos na 'to," pagsagot niya.
Naramdaman ko namang ipinatong niya rin ang ulo niya sa akin at inantay namin oras na lumipas.
Naramdaman ko nman ang konting init ng biglang may mag kumot sa amin.
"Oh magkumot kayo baka sa inggit ako mamatay at hindi sa lamig e," natatawang sabi ni Gavreel.
"Ikaw ba? Dito kana sumukob ka sa amin," pag-aalok ko sa kaniya.
"Hindi na okay na 'ko sa jacket ko at saka sanay na 'ko sa lamig," nakangiti niyang sagot.
Madilim na ang paligid at nagsisimula ng lumamig at lumakas ang bawat hampas ng hangin sa paligid. Isang streetlight lang ang magbibigay ng liwanag sa aming paligid at napakahina pa nito. Ang mga sasakyang dumaraan ay hindi naman ganoon karami. Nagtataka naman ang bawat mga taong dumaraan at sinasabi naman naming isa itong paranormal activity. At natatawa naman silang nagsisialisan.
Ilang oras nalang at malapit na mag alas dose ng gabi. Lahat kami rito ay nanginginig na sa lamig at ang iba ay naiinip na rin. Nagsimula namang dumating ang mga rider dala dala ang mga soup na order nila.
Maya maya pa ay dumating si Gavreel dala dala ang pagkain at saka ito iniaabot sa amin.
Naupo naman kami ng maayos nina Sachi at saka kinuha ang inabot ni Gavreel.
Mainit init pa ito at nalaman kong ramen pala ang inorder niya. Naupo na rin sa tabi namin sina Kate at Lance ganoon narin si Reiz at Gavreel. Masaya naman kaming kumain ng sabay sabay at saka nakapag-usap.
"Guys may ibabalita ako sa inyo kanina ko lang din ito nalaman," pagsisimula ni Kate.
"Patay na si Aling Almira," malungkot niyang sabi.
"Ha? Pero paano? Ano raw ang ikinamatay niya," pagtatanong ni Reiz.
"Masyadong maselan ang pagkamatay niya at hindi iyon angkop dahil kumakain tayo saka ko nalang sasabihin sa inyo," pagsagot ni Reiz.
"Pero nasisigurado kong ang batang babae ang pumatay sa kaniya," dugtong pa niya.
Matapos ang sinabi ni Kate ay napa-isip ako sa mga tinuran niya sa amin noon na may kakaiba sa mag Lola na iyon. At sigurado ako ngayon na tama si Kate sa mga napansin niya.
Matapos kaming kumain ay agad din namin itong nilikom at inilaga sa plastic bag. Ganoon na rin naman ang ginawa ng iba. Napansin ko naman si Ayesha na hindi umaalis sa pwesto niya at hindi rin ito kumain magmula kanina. Kahit ganoon ang ugali niya ay nag-aalala pa rin ako sa kaniya dahil kaklase namin siya at pamilya ang turingan naming lahat sa bawat isa noon.
Malapit na mag alas dose ng madaling araw. Kaya naman naghanda na kami sa pwedeng mangyari mamaya sa race na sinabi. Ilang minuto nalang mula ngayon ay magsisimula na kami. Nakita ko namang ang bawat isa ay naghahanda na sa magiging takbo ng race na ito at kung ano ang mga pwedeng maging rules at instruction.
Alive: 32 Dead: 13