Chapter 15

1115 Words
Leandro's P.O.V Makalipas lamang ang ilang oras ay nagsimula na ang lahat na mag-ayos dahil malapit na ang itinakdang oras na nasabi da laro. Ang ilan ay kagigising palang at ang iba naman ay nag-aayos ng mga kalat. Napansin ko naman si Ayesha na hindi umaalis sa pwesto niya pero kita ko mula dito na nilalamig siya. Talagang kinain na siya ng pride niya. "Ayos ka lang ba?" Nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Sachi. "Ah.. Oo ayos lang ako," pagsagot ko sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatanggap na kami ng message. At nakapaloob dito ang mangyayari sa race na gagawin. To: Everyone From: Master Subject: Everyone should be prepared! There will be an elmination round for each time given. Anyone who will be the last person in the race at 12:30 A.M, 1:00 A.M, 1:30 A.M, 2:00 A.M, 2:30 A.M and 3:00 A.M will be eliminated. Everyone is prohibited in using any transportation. The race will start at this park and ends with Mt. Doji. Hindi pa man nag-sisink in sa utak ko ang mga nabasa ko ay nagsimula naman sa pag-alis ang mga kaklase ko dahil sa mga binigay na oras kung kailan may matatanggal sa laro. Naramdaman ko na lamang na mayroong humila sa akin at nakitakbo na lamang ako. Kita ko naman sina Gavreel sa unahan namin at si Sachi na hinihila ako. "Ano bang itinutunganga mo? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na hindi pwedeng ikaw ang mauunang mawala sa laro," pagsermon niya sa akin. "Hindi ako makapag-focus sa pag takbo at nakatitig lamang ako sa kaniya at sumasabay sa bawat hakbang ng kaniyang pag takbo. 12:09 palang ng madaling araw at marami pa sa amin ang nahuhuli. May iba namang naghihilahan at nagkakasakitan dahil ayaw mahuli. Gusto ko man silang pigilan ay wala akong magagawa dahil gusto lang rin nilang mabuhay. Ilang minuto nalang mula ngayon ay magsisimula na ang unang elimination round. Patuloy lang kami ni Sachi sa pagtakbo at pinipilit na makahabol sa mga nauuna. Napatigil naman ako sa pagtakbo ng maalala ko so Ayesha. Hindi ko na siya nakita mula ng magsimula ang laro. Agad kong iginala ang aking mga mata sa paligid para hanapin siya. Hinawakan naman ni Sachi ang mukha ko at saka ako tinanong. "Leandro? May problema ba?" pagtatanong ni Sachi. "Si Ayesha hinahanap ko siya," pagsagot ko. "Sa ganitong sitwasyon kailangan mo munang isipin ang sarili mo, hindi masamang maging selfish minsan lalo na sa mga ganong tao," pagsagot ni Sachi sa akin. "Mauna kana sa akin pangako susunod ako sa iyo," sabi ko sa kaniya bago bitawan ang kamay niya. Tumakbo naman ako pabalik at saka ko naman narinig ang pagtawag niya sa akin. Nahirapan ako sa pagbalik dahil sa mga nakakasalubong ko. Mayroon rin akong nakakabangga at parehas kami nagtataob. Pero patuloy ako sa pagbalik kay Ayesha. Agad ko siyang nakita na nakaupo sa isang bench at saka ko siya nilapitan. "A-ayesha mabuti nalang n-nakita kita agad," hinihingal kong sabi. "Bakit mo naman ako hahanapin?" mahinahon niyang tanong. "Tara na alam kong hindi ka kumain at sigurado akong pagod ka at naisip ko na baka hindi mo magagawang makasabay sa race," pagyakag ko sa kaniya. "Leandro malapit na tayo maabutan ng iba kaya sige na mauna kana ayos lang ako at isa pa gusto kong humingi ng tawad sa iyo pati na rin kina Sachi. Siguro hanggang dito nalang ako," naiiyak niyang sabi. Agad kong hinubad ang jacket ko at saka isinukob sa kaniya. Inilahad ko naman ang aking kamay bilang paanyaya na sumama sa akin. "Tara na para makahabol tayo sa iba," pagyakag ko sa kaniya. "Pero masakit na ang mga paa ko at nahihirapan na kong tumakbo," naiiyak niyang sabi habang hinihipo ang mga hita niya. Agad akong umupo sa harap niya at bonibigyan siya ng sensyales na bumaba sa likod ko. Nang mapansin kong hindi siya kumikilos ay agad kong kinuha ang mga kamay niya at saka siya sapilitang ibinaba sa likuran ko. Nang makuha ko na siya ay agad din akong tumayo at saka nagsimula sa pagtakbo. Medyo magaan naman si Ayesha sa inaasahan ko kaya naman medyo nakakasabay kami sa iba. "Leandro hindi mo naman ito kailangang gawin, paki-usap ibaba mo na 'ko," pakiki-usap niya sa akin. "Makakahabol tayo wag ka mag-alala," sabi ko sa kaniya. Tumunog naman ang cellphone ko at narinig ko ang iba na mayroon ng natanggal sa laro. Kaya naman mas binilisan ko ang aking pagtakbo. Medyo pinagpapawisan na ko at hinihingal pero nangako ako kay Sachi at Ayesha na hindi ako matatalo sa race na 'to. At isa pa kailangan kong bumawi kay Sachi sigurado akong galit na galit siya sa akin sa mga oras na ito. "Leandro kapag pagod kana sabihin mo sa akin kakayanin ko naman na sigurong tumakbo at isa pa nauuna na naman tayo sa iba," paalala ni Ayesha. Hindi na ako sumagot dahil dadagdag lang iyon sa pagkahingal ko at nag-focus ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon pero kailangan lang namin ay makalayo sa ibang players. Gaya ng sabi ni Sachi sa ganitong oras hindi mo kailangang isipin ang iba. Nararamdaman kong ganoon din ang naiisip ng iba sa amin. "Leandro sa tingin ko ay kaya ko ng tumakbo medyo malayo na rin ang naitulong mo sa akin," sabi ni Ayesha. "S-sigurado ka ba?" Hinihingal kong tanong. "Oo naman," pagsagot niya. Agad akong tumigil at ibinaba ko siya. Hinawakan ko naman siya sa kamay at hinila para tumakbo. Naisip ko na baka tumigil na naman siya at baka mabalewala ang pagsasakripisyo ko na balikan siya. Patuloy lang kami sa pagtakbo at muling tumunog ang aking cellphone. Mukhang may isa na namang natanggal sa laro. Base sa bawat pagtunog ay ala-una na ng madaling araw. May dalawa na ring natatanggal sa laro. Mayroon pang 4 na natitira. Kailangan lang naming masigurado na nakalayo na kami ng sapat sa ibang players. Patuloy pa rin ang iba sa pagsasakitan at paghihilahan dahilan kung bakit may mga nahuhuli pero hindi ko sila masisisi dahil gusto nilang mabuhay at magpatuloy sa laro. "Leandro maraming salamat," biglang sambit ni Ayesha. "Walang anuman 'yon at isa pa hindi mo naman kailangan magpasalamat," pagtugon ko. "Nahihiya ako sa iyo matapos lahat ng mga sinabi ko ay tinulungan mo pa rin ako," nahihiya niyang sagot. "There's always a chance for you to change," pagsagot ko sa kaniya. Nagpatuloy naman kami sa pagtakbo para makahabol sa iba. Nakakaramdam na rin ako ng pagod at tila ba ay natutuyo na rin ang aking lalamunan. Iniisip ko ngayon ay si Sachi at sina Gavreel pero nakakasigurado naman akong ligtas sila at nauuna ngayon sa race. Alive: 32 Dead: 13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD