Sachi's P.O.V
Nang makaalis na si Leandro ay wala na ang nagawa kundi panoorin siya papalayo sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto kong matuwa ngunit mas nangingibabaw ang inis ko para sa kaniya. Bakit kailangan niyang pairalin ang pagiging mabuting tao niya sa ganitong oras.
Alam kong mabuting tao si Leandro at nasa pagkatao na niya ang pagiging matulungin at maawain pero sa mga ganitong oras ay mahirap at napakadelikado ng ginawa niya. Hindi kami nakakasigurado kung makakahabol pa siya at si Ayesha dahil sa ginawa niya.
Habang nag-iisip ay naka-focus naman ako sa pagtakbo at nang makahabol ako kina Gavreel ay agad niya akong tinanong kung bakit ako nag-iisa at kung nasaan si Leandro kaagad ko naman siyang sinagot. Nakita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala at gaya ng inaasahan ko hindi na siya nagulat sa ikinilos ni Leandro.
Habang tumatagal ang larong ito ay mas tumitindi ang mga nangyayari. Habang tumatakbo kami ay nakatanggap ako ng dalawang mensahe mula sa laro na ang ibig sabihin ay mayroon ng dalawa na natanggal sa laro. Kaya naman pinagbutihan naming mag-focus sa pagtakbo.
Mula sa pwesto namin ay medyo malapit na kami sa Mt. Doji ngunit mayroon pang apat na elimination round na magaganap. Ang iniisip ko ngayon ay si Leandro dahil hindi ko maiwasang mag-overthink na baka isa sina Leandro sa natanggal dahil hindi ko magawang makatingin sa cellphone ko dahil nagmamadali kami.
Muli na namang tumunog ang cellphone namin na nagsasaad na mayroon na namang natanggal.
"Hindi mo pa rin ba natatanaw si Leandro?" Pagtatanong ni Gavreel.
Sinubukan kong lumingon bago sumagot at wala akong makitang kahit anong bakas ni Leandro o Ayesha.
"Hindi eh," malungkot kong saad.
Nang makaramdam na kami ng sobrang pagkapagod ay naisipan naman naming maglakad na lamang dahil malayo naman ang iba mula sa aminat malapit na rin kami sa paanan ng Mt. Doji.
Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin kung nasaan na si Leandro. Hindi naman siya isa sa mga natanggal sa laro ng tignan ko ang mga mensahe kaya't nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Pero kung sakaling makita ko siya ulit sinisigurado kong makakatikim siya sa akin dahil sa sobrang pag-aalala ko.
"Magiging okay lang ang lahat at saka si Leandro? Makakaligtas siya at alam kong alam mo iyon," sabi ni Gavreel at saka ngumiti sa akin.
Ngumiti rin ako at saka tumango sa kaniya bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. Muli naman akong tumingin sa likod at nagbabakasakaling makita ko si Leandro ngunit wala pa rin siya rito. Huminga ako nang malalim at saka nag-focus sa paglalakad mahirap para sa akin ang ganitong sitwasyon.
Leandro's P.O.V
Napansin naming naglalakad nalang ang iba kaya't naglakad nalang din kami. Hawak ko pa rin sa kamay si Ayesha dahil naisip ko na baka tumakbo na naman siya palayo sa akin.
"Leandro bitawan mo na 'ko, huwag kang mag-alala tatapusin ko ang race na 'to," pakiki-usap niya.
Tumango naman ako at saka binitawan ang mga kamay niya. Tinignan ko ang cellphone ko at malapit na mag 1:30 ng madaling araw. Nakarinig naman ako ng sigawan mula sa ibaba at nakakasigurado akong nagkaroon na naman ng kaguluhan. Mukhang malapit lang sa amin ang nasa pinakahulihan.
Nagulat naman ako ng tumakbo si Ayesha at hinila ang kamay ko. Napansin ko ring tumatakbo na ang ibang nasa baba kaya naman naki takbo na rin ako kay Ayesha para hindi siya mahirapang hilahin ako.
"Kailangan na nating magmadali," paalala ni Ayesha.
"Mayroon na lamang tatlong round para sa elimination hindi tayo nakakasigurado kung makakaligtas ba ang mga mahuhuli sa itinakdang oras," dagdag pa niya.
Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Patuloy kami sa pagtakbo at ganoon din ang iba.
"Leandro kung sakali dumating 'yung oras na kailangan mo ng tulong handa akong tumulong," biglang sambit ni Ayesha.
Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsagot. Ilang minuto pa ang lumipas ay mayroon na namang natanggal sa laro.
Hindi ko alam kung aabot kami ni Ayesha sa Mt. Doji bago umabot sa oras na binigay pero ipinangako ko kay Sachi na makakaligtas ako kaya pipilitin kong makarating don bago ang itinakdang oras.
"Kung sakaling hindi tayo makarating do'n at matanggal ka dahil sa akin hindi ko mapapatawad ang sarili ko," biglang sabi ni Ayesha.
"Hindi ako matatanggal o kahit ikaw, ipinapangako ko sa iyo makakaligtas tayo at parehas tayong makakarating don," sabi ko sa kaniya.
Nagpatuloy naman kami sa pagtakbo habang nagkakagulo ang iba sa likuran namin. Medyo pagod na rin ako at pansin ko ring pati na si Ayesha ay pagod na rin.
Kaunting oras nalang ang natitira sa oras namin at kailangan na naming magmadali upang makarating agad sa Mt. Doji. Alam kong sa oras na makarating kami ro'n ay lagot ako kay Sachi at kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa bagay na iyon.
"Pasensya na Leandro kung dahil sa akin ay kinailangan mo pang ilagay sa panganib ang buhay mo," bigla niya muling sabi.
"Huh? Huwag ka masyadong mag-isip tungkol diyan. Ako ang nagdesisyon na balikan ka at kung may dapat sisihin dito ay walang iba kundi ang laro ito kaya naman mag-focus ka lang sa paglalakad at takbo hanggang marating natin ang bundok," sabi ko sa kaniya habang sinusubukan kong pakalmahin ang nararamdaman niya.
"Medyo pagod na ako Leandro at nauuhaw na rin ako kung sakaling magtakbuhan muli ang iba at hindi ko na magawa pang makatakbo paki-usap iwan mo na 'ko at iligtas mo ang sarili mo," malungkot niyang sabi sa akin.
"Ano pang saysay at binalikan kita kanina kung iiwan din kita ngayon. At saka nangako ako kay Sachi na ililigtas ko ang sarili ko at pati ikaw na rin kaya sisiguraduhin kong makakrating tayo ro'n bago ang oras," masaya kong sabi sa kaniya at saka ngumiti.
"Maraming salamat Leandro," sabi niya sa akin at saka ngumiti.
Tumango naman ako sa kaniya at saka ngumiting muli. Nagsimula naman kaming maglakad nang mabilis upang makahabol sa iba kahit papaano.
Alive: 31 Dead: 14