Chapter 16

1179 Words
Sachi's P.O.V Mayroon pang tatlong elimination round at iniisip ko pa rin si Leandro kung ayos lang siya. Habang kami nina Gavreel ay malapit na sa Mt. Doji. Malapit na mag alas dos ng madaling araw sana ay sapat na ang layo nina Leandro sa pinaka dulo. At sana ay makarating din sila sa Mt. Doji bago ang oras na ibinigay. Kilala ang Mt. Doji bilang isa sa mga delikadong bundok na malapit sa amin dahil sa mga mapanganib na hayop ang naninirahan dito at makikipot na daanan. Nang makatapak kami sa paanan ng bundok ay muling nag-anunsyo ang laro na mayroon na namang natanggal sa laro. Mula rito sa pwesto namin ay napag-usapan naming maglakad na lamang dahil delikado kung sakaling tumakbo kami dahil sa oras na madulas kami at 'di inaasahang mahulog ay paniguradong mamamatay kami. "Sachi? Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Reiz. "Oo naman naisip ko lang kung nasaan na sina Leandro ngayon," pagsagot ko. "Nakakasigurado akong magiging ligtas sila kaya 'wag kana mag-alala," pagpapagaan niya ng aking loob. Ngumiti at tumango naman ako sa kaniya bilang pangsang-ayon. Nag-focus naman kami sa paglalakad ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakarinig kami ng higaan at mga irit ng babae. Paniguradong may hindi magandang nangyayari. Nagpatuloy lang kami sa pag-akyat dahil kung babalikan pa namin sila ay maaring madulas kami at mauwi sa wala ang lahat ng ginawa namin makarating lang dito. Nasa gitna na kami ng kabundukan na ito at talaga namang nakakapagod ang pag-akyat na ginagawa namin. Ang bawat isa ay kaniya kaniyang estilo sa pag-akyat. Nang tignan ko ang oras ay limang minuto nalang bago ang susunod na elimination round. Leandro's P.O.V Nakarating kami ni Ayesha sa paanan ng bundok. Nagulat naman kaming dalawa na may lalaking sumisigaw at gumugulong pa-ibaba. "T-tulong p-paki-usap," paghingi niya ng saklolo. "Kaya mo pa bang tumayo?" Pagtatanong ko. "Medyo masakit ang isa kong binti," pagsagot niya. Sinubukan naman niyang tumayo at kitang kita naman na nahihirapan siya. Agad ko siyang inakay at sinabi ko naman kay Sachi na tumulong na rin. Sabay kaming tatlo na umakyat pa-itaas. Bawat hakbang namin ay maingat dahil pag may isa saming nadulas ay paniguradong tatlo kami ang mahuhulog. Malapit na mag 2:30 ng madaling araw kailangan na namin mas bilisan. Mula sa pwesto namin ay natatanaw ko na ang kapatagan sa itaas kung saan ang pinakadulo ng Race. Nagulat naman kami ng mula sa pwesto naming tatlo ay may nakita kaming nag-aaway sa itaas at nahulog ang isa sa kanila. Tumunog muli ang cellphone namin bilang sensyalas ng pagkatanggal ng taong iyon at isa pang mensahe para sa 5th elimination round. Kaunti nalang ay mararating na namin ang finish line. "Kung sakaling sobrang lapit na natin pero mukhang kukulangin sa oras bukal sa loob ko na iwan niyo ako," biglang sabi ni Rafael. "No, We can make it on time! We got your back," pagsagot ni Ayesha. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling matanggal kayo sa laro dahil sa akin," naiiyak niyang sabi. "Kung tutuusin dapat ay nasa finish line kana hindi ba? Alam kong hindi ka mahuhulog kung walang nang hulog sa iyo at saka malapit na tayo sa itaas may kalahating oras pa tayo," pagpapalakas ko ng loob niya. "Maraming salamat sa inyong dalawa," naiyak niyang sambit. "Magpasalamat ka kay Leandro, kung wala siya malamang tanggal na tayo sa laro kanina pa," nakangiting sabi ni Ayesha. Tumungo naman si Rafaela habang naiyak. Nagpatuloy naman kami sa pag-akyat at nang makarating kami sa patag ay agad kong ibinaba si Rafaela dahil sa pagod. Nakatanggap naman ako ng mensahe mula sa laro na nagsasabing natapos ko na ang aking misyon. Nakita ko naman si Sachi na papunta sa kinaroroonan ko at nakangiti siya. Agad akong tumayo at akmang yayakapin ko sana siya ngunit ng makalapit siya sa akin ay bigla niya akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko na sinampal niya at bigla naman niya akong niyakap. "K-kung sakaling 'di ka nakarating dito hinding hindi kita mapapatawad," naiyak niyang sabi. "Pero andito na ako at pasensya na sa mga pabasta basta kong desisyon at isa pa nagawa kong iligtas si Ayesha at itong si Rafael," pagpapaliwanag ko. "Ahm Sachi, I just want to say sorry for how I yelled at you and for being the reason why Leandro almost failed to make it on time," nakayukong paghingi ni Ayesha ng tawad. "Ayos na 'yon ang mahalaga andito na kayo," pagsagot ni Sachi. Muli naman naming inakay si Rafaela papunta sa iba. Malapit na mag alas tres at marami pa rin ang nasa loob ng gubat. Patuloy naman ang iba sa pagdating hindi ko alam kung ilan na lamang ang bilang namin ngayon. Hindi ko na rin nabilang kung ilan ang nasawi sa laro. Labing limang minuto nalang ang inaantay namin bago mag alas tres at mayroon pa rin kaming nga ingay na naririnig sa loob ng gubat. Marami rami na rin kaming narito sa itaas. "Anong mangyayari kung sakaling mag alas tres na at wala pa rin sila rito?" Pagtatanong ni Reiz. "Maaaring hanggang dito nalang sila o may ibang parusang ibibigay," pagsagot ko. Naggawa naman ng apoy sina Gavreel sa gitna para hindi kami mamatay sa sobrang lamig. Mabuti nalang at mayroong may dalang posporo at madali kaming nakagawa ng apoy. Gumawa kami ng tatlong siga para hindi kami magsiksikan at magkaroon kami ng sapat na init sa katawan. Base sa head count namin dito ay nasa labing walo lang kami. At hindi ko naman alam kung ilan pa ang naiwan sa loob ng gubat kaya naman habang nag-aantay sa pagdating ng iba ay nagpapahinga naman kami. Maya maya pa ay may dumating na dalawang babae at agad namin silang tinulungan at inakay papalapit sa siga para makapagpainit na rin sila. Tatlong minuto nalang at 20 palang kaming narito. Noong napasok pa kami ay Apat na pu't lima kaming lahat at ngayon ay bilang ko na sa kamay ko kung ilan na lamang kami. Maya maya pa'y tumunog ang aming mga cellphone at nakatanggap kami ng text message mula sa laro. To: Everyone From: Master Subject: Congratulations for those players who reach the finish line and for those who didn't will receive a punishment of being eliminated. Pagkatapos naming makatanggap ng text ay nakarinig kami ng sigawan at agad na nagsilapit ang iba malapit sa bangin para tignan ito. Ngunit hindi naman kita ang loob ng kagubata ngunit rinig ang bawat sigaw ng mga kasamahan namin. Ngayon ang kasalukuyang bilang nalang namin ay bente na lamang. Sa maikling panahon ay nabawasan na kami ng dalawam pu't limang kaklase. Ngayon ang kailangan nalang naming gawin ay sabihin sa kanila ang nalaman namin mula kay Aling Almira. Kahit hindi man kami sigurado sa bawat tinuran niya ay kailangan pa rin itong malaman ng iba ng sa ganoon ay makabuo kami ng isang magandang plano. Nagpatuloy naman kami sa pagpapahinga at napag-usapan namin na sa pagsikat na lamang ng araw kami baba ng bundok para makita ng malinaw ang daan at maiwasan ang anumang panganib sa loob ng kagubatan. Alive: 20 Dead:25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD