Chapter 17

1614 Words
Leandro's P.O.V Ilang oras na ang nakalilipas mula ng matapos ang karera ng buhay. Nandito pa rin kami sa itaas ng bundok dahil kailangan naming mag-antay hanggang sa sumikat ang araw. Agad akong lumapit kay Kate at saka siya niyakag na lumayo saglit. Nang makalayo kami sa iba ay saka ako nagsabi sa kaniya na dapat ng malaman ng iba ang nalaman namin mula kay Aling Almira. "Siguro oras na rin para sabihin sa kanila ang nalaman natin mula kay Aling Almira," pagsisimula ko. "Sa tingin ko hindi dahil sa oras na malaman nila 'yon baka magpatayan sila," pagsagot ni Kate. "At hindi ba, hindi tayo nakasisigurado sa mga sinabi ni Aling Almira sa atin," dagdag pa niya. "Kung ganoon hahayaan nalang natin 'yon?" Pagtatanong ko. "Leandro alam kong gulo lang ang isip mo kaya nakakapag desisyon ka ng ganiyan," sabi niya at saka tinapik ang balikat ko. "Mas okay pang 'wag nalang natin sabihin sa kanila 'yan naniniwala akong may isa pang paraan ang makakatulong sa atin," dagdag pa niya at saka bumalik sa tabi ni Lance. Unti unti namang dumampi sa balat ko ang sinag ng araw at napatitig ako rito. Gaya ng buwan ay lilisanin din naman ang mundo at gaya ng araw ay sisikat kaming muli sa panibagong mundo. "Leandro, gusto kong magpasalamat sa 'yo kung hindi mo ako tinulungan siguradong wala na akong buhay ngayon," pagpapasalamat ni Ayesha sa akin. "Walang anuman ang mahalaga magpatuloy tayo hanggang huli," pagsagot ko sa kaniya. "Guys siguraduhin n'yong napatay na lahat ng apoy ha, baka mamaya makasunog pa tayo!" Narinig kong pagsigaw ni Sachi. Agad akong lumapit sa kaniya at agad siyang inakbayan. Itinuon ko naman sa ulo niya ang ulo ko at saka hinaplos ang braso niya. "Sachi, kung sakaling dumating 'yung oras na kailangan mong pumili, palagi mong pipiliin ang sarili mo ha," sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa malayo. "Anong ibig mong sabibin? At saka bakit ko kailangang mamili?" Sunod sunod niyang tanong. "Wala naman pumasok lang bigla sa isip ko," pagsagot ko sa tanong niya. "Guys gusto kong humingi ng tawad sa knyong lahat," biglang sabi ni Faith. "Ako ang naging Master of the Game ng dalawang beses pero wala man lang akong naitulong at sa Race na 'to hinihiling ko pa na sana magkaroon ng gulo para hindi ako mahuli," naiiyak niyang sabi. Agad naman siya g nilapitan ng iba at sinubukang i-comfort dahil sa mga naging desisyon niya. "If I were you, ganoon din siguro ang gagawin ko kaya 'wag kang mag-sorry," pagsagot ni Hazel. "Ganoon din ako, selfish siya pakinggan pero kung tutuusin mas maganda pa 'yung naging desisyon mo kasi wala kang piniling tayo na mamamatay hindi ba? Kasi kung ako 'yun baka pumili pa 'ko" dagdag naman ni Ayesha. "Gusto ko ring humingi ng tawad sa inyong lahat for being a bad girl of our section but I do love you guys," dagdag pa ni Ayesha. "Sa lahat ng nandito ngayon pipilitin nating mabuhay hanggang matapos itong laro hindi ba?" Pagtatanong ni Sydney. Nag-promise naman kaming lahat na gagawin namin ang aming kakakaya para lang matapos ang laro na 'to. Hindi man kami nakasisigurado kung mayroon nga ba itong katapos ay panghahawakan namin ang pangako ng bawat isa. Nang masigurado naming ayos na ang lahat ay nagpasya na kaming bumaba ng bundok. Inakay naman namin ni Gavreel si Rafael dahil masakit pa rin daw ang binti niya dahil sa nangyari kagabi. "Kung dahil ka na kaya namin sa ospital? Ano sa tingin mo?" Pagtatanong nk Gavreel kay Rafael. "Tingin ko rin dahil ang sakit talaga parang may nabali na ewan," pagsagot ni Rafael. Napagdesisyunan naman naming sama sama kaming ihahatid si Rafael sa pinaka malapit na ospital. Dumating naman ang sasakyan nina Gavreel at saka kami sumakay lahat. Nang makapasok kaming lahat sa sasakyan ay agad na nagtanong ang driver nina Gavreel. "Mga kabataan talaga, ano namang pumasok sa isip n'yo na pinasok niyo 'yang bundok na 'yan? Wala namang nawala sa inyo o nasaktan maliban sa isang 'to?" nag-aalalang tanong ni manong. "Actually, there are dead bodies over there. Can we ask you to call a police and ambulance?" pagsagot ni Ayesha. Lahat naman kami ay nagulat dahil diretyahan niyang sinagot ang tanong ng lalaki. At maging si manong ay napalaki ng mata sa kaniyang narinig tila ba kahit siya ay hindi makapaniwala. "H-hindi ka ba nagbibiro neng?" Na-uutal na tanong ni Manong driver. "Sa tingin niyo po ba nagbibiro ako? Tignan niyo po ng reaksyon ng bawat isang taong nandirito sa loob ng sasakyan na ito," pagsagot ni Ayesha. Sa tingin ko hindi naman labag sa rules ng game ang pagsasabi tungkol sa mga namatay sa ibang tao hanggat 'di nadadamay ang pangalan o kahit anong impormasyon tungkol sa laro. Agad namang kinuha ng driver ang kaniyang cp at saka lumabas ng sasakyan para maka-usap ng maayos ang mga pulis. "Ayesha bakit mo naman sinabi ang totoo?" Pagtatanong ni Faith. "No one should left behind! That is one of our promises as family hindi ba? And we should give them a proper burial at isa pa dapat lang na malaman ng pamilya nila ang nangyari sa mga anak nila," pagsagot ni Ayesha. "Tama si Ayesha and as long as it's not against the game rules then let it be," pagsang-ayon ni Kate. Pumasok na muli ang driver namin at saka pina-andar ang sasakyan. Tumingin naman siya sa amin bago nagsalita. "Sinabi ko na sa mga pulis ang nangyari at ganoon din ang pupuntahan nating ospital, magtatanong lang daw sila ng konting impormasyon sa inyo," sabi nito at saka nag-focus sa pagmamaneho. Wala namang sumagot o nagreklamo sa sinabi ni manong driver at saka naman kami nagkaniya- kaniyang gawi. Nasa tabi ko naman si Sachi na nakadungaw lamang sa bintana kaya kina-usap ko siya at tinanong kung anong nasa isip niya. "Sachi? May problema ba?" pagtatanong ko. Dahan dahan naman siyang naupo ng ayos at saka tumingin sa akin. "Leandro... what if wala ngang katapusan ang laro na ito? At paano kung isa lang talaga ang dapat na matira?" Pagtatanong niya sa akin. "Hindi ko alam paano sasagutin 'yang tanong mo Sachi dahil kahit ako 'yan din ang na-iisip ko," pagsagot ko sa kaniya. "Basta kahit anong mangyari ayokong ikaw ang mauunang matanggal sa ating dalawa," sabi niya at saka muling tumingin sa labas. Hindi ko maintindihan si Sachi pero kahit ako ayoko rin na siya ang mauuna sa aming dalawa. Gagawin ko ang lahat para makaligtas kaming dalawa. Nakarating kami sa ospital at sobrang sikat na ang araw. Agad namang bumungad sa amin ang mga pulis. Tinulungan naman ng mga taga ospital si Rafael at dinala sa loob para i-check. "Maaari ba namin kayong maka-usap? Tungkol sa nangyari aksidente sa Mt. Doji?" Bungad na tanong ng mga pulis sa amin. "Ano po bang mga tanong niyo?" Pagtatanong ni Sachi. "Maliban sa mga bangkay na nasa bundok ng Doji ay mayroong mga bangkay sa ibat ibang kalye nakilala namin sila at nalamang isa sa inyo, Nang i-review namin ang mga CCTV camera ay nakita namin na ngtatakbuhan kayo. Maaari ba naming malaman bakit kayo nagtatakbuhan? At bakit tila ba parang sa isang iglap namamatay ang mga kaklass niyo?" Sunod sunod na tanong ng mga Pulis. "Sa totoo po ay mayroong mga taong nagpapagawa sa amin ng ganito at kung umayaw kami ay paptayin nila kami, naniniwala po ako na nakatingin sila ngayon sa pwesto namin kaya po kung wala na po kayong tanong maaari na po ba kaming tumuloy?" pagsagot ni Sachi. Pinigilan naman kami ng mga pulis pero isa isa kaming pumasok sa loob ng sasakyan. Mukhang naniwala naman ang mga pulis sa mga palusot ni Sachi. "Ano ng gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ni Trisha. "I think we should eat first," suhestiyon ni Ayesha. "Manong maaari niyo po ba kaming ihatid sa isang bilihan?" Paki-usap ni Gavreel. Tumango naman ng driver at saka nagpatakbo ng sasakyan. Tahimik naman kaming lahat habang nasa byahe. Ngayon ang kailangan nalang naming iwasan ay mga pulis dahil matalim na ang tingin sa amin ng mga ito. Siguradong mahihirapan kaming kumilos nito. Tumigil kami sa tapat ng isang 24/7 store at saka isa isang bumaba. Pumasok naman kami sa loob para bumili ng makakain at saka nagbayad pagkatapos ay naupo sa mga upuan na nakalagay sa labas ng store. Masaya namang kumakain ang lahat at walang emosyon ko silang pinagmamasdan. "Ah Leandro? Hindi ka ba nagugutom?" Pagtatanong ni Sachi. "Busog pa naman ako kaya ayos lang," pagsagot ko. "Kumain ka na mamaya mahilo ka sa gutom eh," nag-aalalang sabi ni Sachi. "Oo nga alam kong pagod ka lalo na kanina," pagsang-ayon ni Gavreel. "Oh sige kakainin ko 'to para tumigil na kayo dalawa okay na?" Sabi ko saka kinuha ang isang burger na nasa harapan ko. Agad ko naman kinain ang burger na kinuha ko. Pagkatapos ay uminom ng softdrinks na binili rin ni Sachi. Natapos na naman ang isa sa mahirap na misyon namin sa loob ng larong ito. Hindi ko alam kung anong susunod na misyon ang mangyayari. Ngunit hinihiling ko na sana ay hindi na ganito kalala kung saan sobrang komplikado at napakahirap at higit sa lahat ay marami ang nawala. Matapos naming makapagpahinga at maka kain ay naisipan naming magsi-uwi muna dahil sa dumi ng aming mga kasuotan at ang iba sa amin ay hinahanap na rin sa kanilang mga bahay. Napag-usapan naman naming magtitipon tipon kaming lahat para pumunta sa resort nina Gavreel kung saan nagsimula ang lahat. Mamayang hapon ay sama sama kaming babalik kung saan nag-umpisa ang larong ito at sana sa ganoong paraan ay makahanap kami ng kasagutan kung paano namin ito matatakasan. Alive: 20 Dead: 25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD