Kate's P.O.V
Inihatid kami isa isa ng driver nina Gavreel at nang maka-uwi ako sa amin ay agad akong lumapit kay mama at yumakap sa kaniya nakita ko naman ang reaksyon niya na pagkagulat.
"Oh anong meron? Ang asim mo na ah! Halatang nag-enjoy ka sa gala niyo ah," sunod sunod niyang sabi.
"Kinabahan pa 'ko kaka-antay sa 'yo bakit kasi 'di mo sinasagot mga tawag ko at isa pa napanood ko 'yung balita kanina lang. Mga kabataan talaga masyado kung makapag-enjoy, tignan mo nalang nangyari sa kanila at pinasok pa amg Mt. Doji," dagdag pa ni mama.
"Magbibihis na po ako at saka pala ma, pwede po ba kaming mag-overnight? Please," nakangiti kong sabi.
"Basta walang maling gagawin ha! At pagnahuli kitang gumagawa ng mga maling bagay nako sinasabi ko sa iyo," pagpapa-alala niya sa akin.
Nakangiti naman akong tumango bilang pagsagot kay Mama. Mabilis naman akong umakyat sa taas at saka dumiretso sa C.R para maligo.
Habang ninanamnam ko ang bawat bagsak sa akin ng tubig ay na-isip ko si Mama, paano nalang siya pagnawala ako. I mean, dalawa nalang kami ni Mama sa buhay at ayokong pati ako ay iwan siya. Sa race na 'yon kung sakaling sa akin napunta ang utos ni Faith malamang patay na ako. Kung wala si Lance sa tabi ko nung gabi na 'yon malamang munti na 'ko matanggal.
Nang matapos ako paliligo ay agad akong lumabas ng C.R para magbihis. Alas diyes palang ng umaga ngayon at ala una naman ang naging usapan namin para magkita kita.
Muli kong naalala ang kasalukuyan naming bilang. 20 nalang kami ngayong natitira at sa palagay ko mababawasan pa rin kami kahit anong pilit ang gawin namin. Ang mga mission ay walang pinipiling tao o katayuan. Si Aling Almira nalang sana ang pag-asa namin pero bigla naman siyang namatay matapos kami dumalaw sa kaniya.
Habang nagbibihis ay nagulat ako ng makarinig ako ng may bumabato sa aking bintana agad naman akong lumapit doon at saka ito binuksan.
"Anika?" nagtataka kong sabi.
Kumaway naman siya sa akin at agad akong nagsabi na antayin ako. Mabilis kong isinuot ang mga damit ko at saka nagmamadaling bumaba. Pinapasok ko siya sa loob at saka pina-upo sa upuan.
"Ano at napadalaw ka? Paano mo rin nalaman ang bahay ko?" Sunod sunod kong tanong.
"Hindi na mahalaga paano ko nalaman ang kailangan ko lang ay tulong mo," pagsagot niya sa akin.
"Anong tulong? Tulong saan?" pagtatanong kong muli.
"Mayroon akong misyon na sumama sa inyo sa resort pero hindi ko alam paano pumunta roon," pagsasabi niya.
Talagang mahiwaga ang laro na ito at kahit mga sekretong detalye ay nalalaman niya at napapabigay alam sa iba.
Tumango naman ako sa kaniya at saka siya niyakag na kumain. Hindi naman siya tumanggi at ipinakilala ko na rin siya kay Mama bilang bagong matalik na kaibigan.
"Nako mabuti nalang talaga at dinagdagan ko ang luto ko pero ang inaasahan kong darating ay si Lance pero mabuti na rin 'yan. Maupo na kayo at kakain na tayo," pagbungad na sabi ni mama.
Naupo naman kaming tatlo at saka nagdasal pagkatapos ay nagsimula na kami sa pagkain. Bigla ring pumasok sa isip ko si Lance, nung race na 'yon hindi niya binitawan ang kamay ko at siniguradong mananalo ako sa laro.
"May problema ba nak? Kung iniisip mo si Lance nako iba na 'yan ha," pang-aasar ni Mama.
"Naisip ko nga po bigla si Lance, Si Lance? I mean ano kasi... okay hindi ko po siya iniisip pero naisip ko lang ano na pong ginagawa niya ngayon," nalilito kong sabi at saka huminga ng malalim.
"Okay iniisip mo si Lance," patuloy na pang-aasar ni Mama.
Ngumiti naman ako kay Mama na parang nalugi. At saka mag-focus sa pagkain nagulat naman ako ng magsalita si Anika.
"Ang cute niyo naman pong pagmasdan bigla kong na-miss si Mama," malungkot niyang sabi at saka muling kumain.
"Asan ba ang mga magulang mo?" Pagtatanong ni Mama.
"Hindi ko po alam eh, basta ang balita ko po ay umalis na po sila bago ako makalabas sa ospital," pagsagot ko.
"Ospital? Bakit ka na-ospital?" tanong ni Mama.
"Actually, It's mental hospital po pero hindi po ako baliw o nasisiraan ng pag-iisip. Ipinilit po nila na baliw ako at wala sa tino ang kaisipan," pagapapaliwanag ni Anika.
"Ganoon ba, eh ang mga kapitbahay niyo wala ba silang alam tungkol sa pinuntahan ng mga magulang mo?" Pagtatanong ni Mama.
Umiling naman si Anika at saka muling sumagot.
"Hindi po nila ako kinaka-usap o kahit alam nila ay matatakot sila sa akin dahil sa naging issue sa baryo namin na ako raw ang pumatay sa mga kaibigan ko," pagkukwento ni Anika.
Hinawakan naman ni Mama ang kamay ko at naramdaman ko na nanginginig siya. Sigurado akong natatakot si Mama kay Anika.
"Pero ang totoong nangyari sa bahay na 'yon ay sila mismo ang pumatay sa sarili nila, wala akong ginawa kundi panoorin sila hanggang sa dumating ang mga pulis at naabutan nila akong hinuhugot ang kutsilyo mula sa pagkakasaksak sa leeg at tyan ng mga kaibigan ko," pagpapatuloy niya sa kwento.
"Kahit anong paliwanag ko ay hindi nila ako pinapakinggan kahit mga magulang ko ay hindi ako nagawang ipagtanggol, dahil sa minor palang ako ay sila ang nag desisyon na dalhin ako sa mental dahil naisip nila na nababaliw ako, pero sino nga ba ang baliw saming lahat," dagdag pa niya.
"Neng, nakikita ko sa mga mata mo na nagsasabi ka ng totoo. Ang mahalaga ngayon ay nakalabas kana pero paano?" sambit ni mama.
"Nagkaroon ng sunog sa mental at kinuha ko 'yung pagkakataon na nagkakagulo ang lahat para tumakas," pagsagot niya.
"Hindi ka naman hinahanap ng mga pulis hindi ba?" tanong ni Mama.
"Huwag po kayong mag-alala ibang papeles ang mga nakuha nila tungkol sa akin kaya't mahihirapan po sila," sagot naman ni Anika.
"Kung wala akong matutuluyan maaari ka rito sa bahaya namin," pag-aalok ni Mama.
"Maraming salamat po pero hindi ko po nasisigurado kung magtatagal pa po ako rito," malungkot na sabi ni Anika.
"Ganoon ba... pero kahit anong mangyari open pa rin ang bahay mamin para sa iyo ha," pagpapa-alala ni Mama.
Ngumiti naman si Anika kay Mama at saka uminom ng tubig bago muling nagsalita.
"Maraming salamat po sa pagkain tita," masaya niyang sabi.
"May overnight ngayon sina Kate saan ka ngayon pupunta?" tanong ni Mama.
"Kasama po ako sa kanila," nakangiting sagot ni Anika.
"Mabuti naman kung ganoon," sabi ni mama at saka tumayo at inayos ang mga pinggan.
Tumulong naman si Anika at ako naman ay inayos ko ang lamesa at saka ito nilinis. Bakit iba ang kwento ng tinderang naka-usap namin sa kwento ni Anika.
"Anak mga anong oras ba kayo aalis?" Pagtatanong ni Mama.
"Inaantay nalang po namin si Lance na sunduin po kami," pasigaw kong sagot.
Hindi naman na nagsalita pa si Mama. Nag-sabi naman ako kina Leandro na kasama ko si Anika at isasama namin siya sa resort ngayon ipinakilala ko siya bilang kaibigan. Nakita ko naman si Anika na nakatingin lang sa mga litrato at tila ba nag-iisip ng kung ano.
"Ang ganda mo naman Kate, alam mo ba hiniling ko na sana mayroon rin ako mga picture ng pagkabata ko," malungkot niyang sabi.
"Kahit isang picture ay wala ako hindi ko alam at hindi ko maintindihan pero ayos lang," sabi niya.
Isang busina naman ang nagpatigil sa usapan naming dalawa. Agad naman akong tumayo at saka sinilip ang labas ng bahay. Nakita ko naman si Lance na kabababa lang ng sasakyan niya.
"Ang aga mo naman 12:20 palang oh," pagbungad ko.
"Mas maaga mas maganda ka," nakangiti niyang sabi.
"Corny naman ng banat mo," pang-aasar.
"Akala mo naman 'di kinikilig, ano tara na ba? Si Anika? Akala ko ba kasama mo siya," sabi niya.
Lumabas naman si Anika at kumaway kay Lance.
"Alam na ba nina Leandro kung sino si Anika?" Pagtatanong niya.
"Pagkarating nalang natin doon saka ko ipapaliwanag sa kanila," pagsagot ko.
Tumango naman si Lance at saka kami nagpa-alam kay mama na aalis na kami. Isa isa naman kaming nagmano at saka lumabas ng bahay. Sumakay na sa likuran si Anika at tumabi naman ko kay Lance sa unahan.
Nagsimula na kaming magbyahe papunta sa resort nina Gavreel. Kailangan nilang malaman kung sino si Anika at upang malaman nila na kumalat rin sa iba ang link. Tinignan ko naman si Anika mula sa salamin at nakita kong nakatitig lamang siya sa labas ng bintana at malalim ang iniisip.
Tumingin naman ako kay Lance at napansin niya 'yon kaya naman tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng dalawang kilay na tila nagtatanong ng bakit.
Ngumiti naman ako saka umiling. Sumandal ako sa upuan at saka nag-focus sa labas.
"Lance pede bang patayin natin ang aircon mas gusto ko ang hangin sa labas," paki-usap ko.
Pumayag naman siya at saka binuksan ang mga bintana. Napansin ko kasing hindi komportable si Anika kaya naisip ko baka nahihilo siya.
Pinagmasdan ko naman ang paligid. Napakatahimik ng buong lugar at maging ang loob ng sasakyan ay tahimik. Nagtugtog naman si Lance para hindi masyadong boring. Malapit palang mag ala-una at ang iba naman ay nandon na sa resort samantalang ang iba at kami ay papunta palang. Nakapagsabi naman kami kina Leandro na sabay na kami ni Lance papunta roon.
Hindi ko alam pero mas naging maganda ng relasyon namin ni Lance 'di gaya ng dati na palagi niya akong iniinis at nauuwi sa away ang simpleng asaran namin. Kung maibabalik lang ang nakaraan gagawin ko lahat para 'di mauwi sa ganito ang nangyari.
Naalala ko na ako ang huling sumagot ng Yes kung sakaling binigyan ko ng pansin 'yon at hindi ako nag Yes siguradong wala kami sa sitwasyon ito ngayon.
Mahigit isang oras na rin kaming nasa byahe at malapit na kami sa resort. Mula rito ay kita ko na ang pangalan ng resort agad mamang kaming dumiretso room at saka pumasok sa loob. Agad na nag-park si Lance sa parking area at bumaba na kami ni Anika.
Nakita ko naman ang pagkagulat ng iba ng makita nila si Anika dahil hindi naman nila ito kilala. Agad kong napansin na kami nalang pala ang wala mabuti nalang tatlo kami kundi mang-aasar pa 'tong mga ito.
"Guys, si Anika. Alam niya ang tungkol sa laro at gaya natin isa siyang player," panimula ko.
"Asan ang mga kasama mo Anika?" pagtatanong ni Sachi.
"Nakakasigurado akong may buhay pa sa kanila dahil nakakatanggap pa rin ako ng misyon," pagsagot nito.
Nagulat naman kami sa isinagot niya dahil sa pagkaka-alaala ko ay sinabi niyang isa nalang siyang natitira. Agad naman kaming nagsipasukan sa loob para makapag-usap ng maayos.
Sa ngayon ay kailangan namin ang mga kwento ni Anika at kung paano nila napasok ang ganitong sitwasyon at paano nila ito nilalagpasan.
Alive: 20 Dead: 25