Chapter 19

1532 Words
Leandro's P.O.V Nang tumawag sa akin si Kate ay sinabi niyang mayroon siyang isasama na nagngangalang Anika. Noong una ay hindi dapat ako papayag dahil baka madamay lang siya at maging dahilan ng gulo sa amin ngunit ng sabihin ni Kate na siya ay isa sa mga players ay pumayag ako. Naguguluhan man ako ay sumang-ayon na lamang ako sa kaniya na isama si Anika. Nang makarating kami sa resort ay wala pa sina Kate kaya naman nag-antay lang kami sa pagdating nila. Maya maya lamang ay mayroon ng isang sasakyan ang diretsong pumasok sa loob ng resort. Bumaba mula rito sina Kate kasama ang isang babae at nakakasigurado akong si Anika iyon. Nagtaka naman ang iba ng makita nila sina Kate kasama ang misteryosong babae. Bumati sila sa amin at saka namin napag-usapan na mag-usap usap sa loob dahil sa mga sinabi ni Anika. Agad kaming dumiretso sa sala para makapag-usap ng maayos. Kaniya kaniyang upo naman kaming lahat at saka naghanda sa para sa pag-uusap. "Gusto ko munang makilala niyo kung sino si Anika, isa siya sa mga manlalaro kagaya natin ay napasok din nila ang link na 'yon kasama ang nga kaibigan niya," pagsisimula ni Kate. "Nakilala ko si Anika dahil sa isang blog na nabasa ko sa internet at hinanap namin siya para tanungin. Doon namin natukoy na mayroon pa palang ibang tao na nakararanas ng gaya sa atin," pagpapatuloy ni Kate. "Can we ask you kung nasaan ang iba mong kasama?" Pagtatanong ni Ayesha. Nagtinginan naman kami kay Anika at nag-aantay sa magiging kasagutan niya sa mga magiging tanong ni Ayesha at ng iba. "Matapos ang aksidente sa haunted house na 'yon ang ilan sa amin ay umalis na at ako ang nanatili sa bahay na 'yon at inasikaso ang mga kaibigan ko na kinitil ng sarili nilang buhay," pagsagot niya. "Wala kang alam kung nasaan ang iba mong kaibigan?" pagtatanong ni Faith.. "Dinala at ikinulong ako sa mental hospital matapos ang aksidente na 'yon sinabi nilang isa akong psychopathic at delikado kung mananatili ako sa labas at sinabi nila na mas magiging mabuti sa akin na gumaling muna bago payagan muling makalabas. Wala akong naging contact sa labas mula ng makulong ako kahit isang bisita o anuman mula sa mga taong nasa labas, kaya nagulat ako ng magsabi ang nagbabantay sa akin na mayroon akong bisita at sina Kate nga iyon," mahaba niyang kwento. "Naka-usap ko sila saglit at saka nagkaroon ng problema sa loob ng visit area, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makatakas at lumabas kasama ng mga normal na tao," pagdugtong niya sa kwento. "Ngayon bang nakalabas kana hindi mo ba sila naiisipang hanapin?" Tanong ni Gavreel. "Wala naman akong kailangan sa kanila matapos nila akong abandunahin wala na rin akong paki-alam sa kanila," pagsagot ni Anika. "Pero sa tingin mo ba ay buhay pa rin sila sa mga oras na ito?" Pagtatanong ni Vince. "Sa tingin ko buhay pa sila o baka dahil sa inyo kaya muling sumpa," sabi ni Anika. "Sumpa? Hindi ba't virus ito?" paglilinaw ni Mariz. "Nakadepende siguro kung paano niyo na triggered ang bagay na ito, sa kaso namin ay mayroon kaming nakita page kung saan nakalagay ang iba't ibang delikadong ritwal at mga orasyon. Mayroon kaming nakitang friendship rituals to stay stronger forever at sinubukan namin iyon, pinindot ng isa sa amin ang link at lumabas dito na kailangang lahat kami ay pumasok at mag YES sa link na 'yon matapos ay lumabas ang isang babasahin sa ibang lengwahe at binasa namin iyon matapos 'yon ay may lumabas na kakaiba sa screen ng cellphones namin at saka nito sinabing kabilang na kami sa laro na hindi namin maintindihan kung anong laro ang tinutukoy nito," mahabang kwento ni Anika. "Dahil sa mga kakaibang bagay na nangyari ay napag-usapan naming bumalik sa bahay na 'yon at doon na nga nangyari ang isang nakakagimbal na pangyayari inabot kami ng alas dose ng gabi roon habang nagtatalo na gawin na ang misyon bago mag alas dose ngunit hindi sila nakikinig at apat sa amin ay nawalan ng buhay sa mismong harapan namin," pagdagdag niya sa kwento. "Ngayon nasa labas kana hindi mo ba naisip na hanapin sila kahit papaano?" Pagtatanong ko. "Wala na akong gagawin pa sa kanila pero sigurado akong may buhay pa sa kanila dahil base sa babaeng nakilala ko matatapos lang ang laro kapag mag-isa nalang akong natitira," sabi ni Anika na ikinagulat ng lahat. "You mean isa lang ang makakaligtas sa amin sa larong ito?" Paglilinaw ni Ayesha. "Oo 'yon ang ibig kong sabihin at may isa pang paraan ito ay ang pagsasakripisyo ng isa sa inyong grupo," pagsagot ni Anika. "Actually, 'yon ang dahilan bakit tayo nadito ngayon. Nalaman din namin 'yon mula sa isang matandang babae at tinipon natin ang bawat isa rito ngayon para pag-usapan ito," pagsingit ni Kate. "Anong ibig niyong sabihin?" Pagtatanong ni Rafael. "Dalawa lang ang option natin para matapos ang laro na ito. Ang una ay maging last man standing at ang pangalawa ay group sacrfice. Kung sakaling hindi natin ito magawa magpapatuloy ang laro hanggang sa maubod tayo at isa ang matira," pagsagot ni Kate. "Wala namang papayag sa atin na siya ang maging sakripisyo hindi ba?" pagsingit ni Trisha. "Tama si Trisha at isa pa nakakasigurado ba kayo na gagana 'yan?" dagdag pa ni Joshua. "Kung sakaling hindi 'yan gumana parang nagsayang tayo ng isang buhay," pagsang-ayon naman ni Kristoffer. "Ano sa tingin niyo ang gagawin natin?" Pagtatanong ni Sydney. "Sa tingin ko kailangan nalang nating magpatuloy," pagsagot ni Royce. "At intayin na maubos tayo hanggang isa ang matira?" pagtatanong ni Faith. "I mean hindi ba't ganoon ang kalalabasan kung sakaling magpatuloy tayo sa laro," dagdag pa niya. "Kung gagawin natin ang misyon natin hindi tayo matatanggal hindi ba?" pagsagot naman ni Royce. "It is no for me, may ibang missions na kailangan may matatanggal talaga kagaya ng race na ginawa natin kaninang madaling araw," pagsagot ni Ayesha. "Ano ng gagawin natin ngayon?" Mahinahon na tanong ni Faith. Natahimik naman kaming lahat dahil kahit sino sa amin ay walang ideya sa kung ano ang dapat na gawin. Dahil kahit kami ay hindi nakakasigurado kung matatapos nga ba ang laro sa pagsasakripisyo ng isa sa amin. "Sandali may naalala akong sinabi ni Anika sa amin noon," pagbasag ni Kate sa katahimikan. "Ang misyon ay nakadepende sa environment kung mananatili tayo sa resort maaaring maging madali ang mga misyon natin," dagdag pa ni Kate. "Pero hindi naman pwedeng dito nalang tayo habang buhay isang buwan nalang at muli na naman tayong papasok hindi ba?" Pagsagot ni Reiz. "Hanggat bakasyon pa ay dito na muna tayo since nakapag-enroll na naman kayo sa iba't ibang university hindi ba?" Sabi ni kate. "Tama si Kate, ngunit mahirap din kung sakaling ito ang magiging setting ng laro gaya sa mental hospital mayroon mga bagay akong nagawa na hindi ko naisip na magagawa ko," pagkukwento ni Anika. "Nagawa kong manakit ng kapwa ko pasyente roon at maging nurse ay nagawa ko rin masaktan dahilan para maniwala silang baliw talaga ako hanggang isang araw dumating sina Kate at nailigtas nila ako sa impyernong iyon," pagdugtong niya. "Nakakatakot naman na umabot tayo sa pagpapatayan dahil lang sa larong ito," singit ni Vince. "Baliw kana ba? Minsan ka na nga lang magsalita puro pa kabaliwan sinasabi mo," pagsuway ni Ayesha kay Vince. "Sorry na, 'yon agad pumasok sa isip ko base sa kwento ni Anika at hindi mo 'ko masisisi sa bagay na 'yon," pagdepensa ni Vince sa sarili niya. "Kahit ako 'yon rin ang naisip," pangsang-ayon ni Faith. "Sa naging karanasan ko hindi pa 'ko nagkaroon ng misyon na pumatay ng tao kundi puro manakit lamang ng iba," pagsingit naman ni Anika. "Kung sakaling umabot tayo sa ganoon ay nakakasigurado naman akong magtutulungan ang lahat hindi ba?" Pagsabi ni Justine. Tumango naman ang lahat bilang pagsang-ayon. Base sa napag-usapan naming lahat ay nakapag desisyon kaming manatili rito sa resort nina Gavreel habang bakasyon pa lamang. Mag-aantay kami hanggang sa makahanap kami ng isang solusyon para makatakas sa bangungot na ito. Agad naman kaming nag-ayos ng gamit sa ngayon ay hanggang bukas lang ang mga dala naming gamit kaya naman uuwi kami bukas ng umaga para magdala ng mga damit na gagamitin namin. Dahil twenty-one nalang ang bilang namin kasama si Anika ay naisip naming gawing tig-aapat bawat kwarto ngunit lima sa isang kwarto sina Kate. Pagka-ayos namin ng mga kwarto ay muli kaming nagsilabasan para sama samang kumain sa kusina. Agad naman kaming naupo at saka naman naghain sina Sachi. Wala kaming isinamang kahit sino na walang alam sa laro dahil makakasagabal lamang iyon sa amin. Kaya kami kami lang din ang nag-aasikaso sa amin. Tila ba isa talaga itong bakasyon kung saan kami ang nasusunod at mag-aasikaso sa isa't isa. Sa darating na alas dose ay may bago na naman kaming misyon na gagawin at nakakasigurado akong madali itong muli gaya ng mga naunang rotation ng mission. Kada isang sobrang hirap na misyon ay may kasunod itong madali at saka muling magiging mahirap ang misyon. Nangako naman kaming lahat na makikipag-cooperate at gagawin ang lahat ng makakaya para makipagtulungan sa isa't isa. Alive: 21 Dead:25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD