Chapter 20

1546 Words
Leandro's P.O.V Nang matapos kami kumain ay naisipan naming tumambay sa sala at manood dahil ang ilan sa amin ay hindi makatulog. Mayroon namang kasalukuyan ng nagpapahinga dahil sa pagod na rin siguro. Katabi ko naman si Sachi habang nanonood at tila ba ang lahat ay parang naging normal sa saglit na panahon. Tahimik ang piligid at biglang iingay ng saglit dahil sa sigawan ng iba dahil sa gulat at takot, kung minsan naman ay matatawa at saka magkukulitan dahil sa mga reaksyon nila. Ilang oras nalang ay malapit ng masira ang kasiyahan ng bawat isa dahil paparating na naman ang isang misyon na sa amin ay magpapahirap. Napansin ko naman si Sachi na parang inaantok na siya at saka ko siya niyakag na matulog na. "Sachi? Mukhang pagod kana, gusto mo na bang matulog?" pagtatanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at saka ko siya sinamahan papunta sa kwarto namin. Agad naman siyang nahiga sa kama at tumabi naman ako sa kaniya matapos kong patayin ang ilaw. Hinayaan ko namang gawin niyang unan ang braso ako at saka naman siya yumakap sa akin. Hinaplos haplos ko naman ang kaniyang buhok at saka siya hinalikan sa ulo. Dahil hindi pa ako inaantok at hindi ako makatulog ay tulala lamang akong nakatingin sa kisame. Habang iniisip ano ang hinaharap na inaasahan namin o mayroon nga ba kaming hinaharap sa sitwasyon na ito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay naramdaman kong nakatulog na si Sachi. Dahan dahan ko naman siyang ibinaba at saka ko siya hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto. Agad naman akong dumiretso sa kusina at saka nagtimpla ng kape. Pagkatapos ay umakyat ako sa terrace ng bahay at muli rito ay kita ko ang pool kung saan nag-rereflect ang liwanag ng buwan. Napakatahimik ng paligid at maging hangin ay nakikisabay sa panahon. Napakaraming bituin sa langit ngayong gabi at maging buwan ay napakagandang pagmasdan. "Hindi ka rin ba makatulog?" Pagsingit ng isang babae mula sa likuran ko. "Mukhang ganoon na nga," pagsagot ko at saka siya nilingon at nakita ko naman si Reiz na nakatayo habang hawak hawak ang baso ng mainit na kape. Lumapit siya sa tabi ko at saka humigop ng kape pagkatapos ay tumingin sa langit. Ngumiti naman siya bago nagsambit ng ilang mga salita. "Napakatahimik ng paligid at napakaganda ng gabi, maraming bituin sa langit kasama ang napakagandang buwan ang nagbibigay liwanag sa atin ngayong gabi," nakatulala niyang sabi. "Uhm! Kung maaari lang na hilingin na sana ay palaging ganito na lamang kapayapa ang bawat sitwasyon ay hihilingin ko 'yon ng paulit-ulit," pangsabg-ayon ko sa mga sinabi niya. "Alam mo Leandro..." sambit niya at saka tumingin sa akin. "Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa mga ganitong bagay pero gusto ko lang sabihin na... simula elementary gusto na kita," sabi niya at saka tumawa ng pahapyaw. "Alam kong mukha akong desperada sa mga oras na 'to pero gusto ko lang kunin itong pagkakataon na ito para sabihin gusto kita kasi natatakot ako na baka mawala ako sa mundong 'to dala dala ang sekretong pagmamahal ko para sa iyo," pagdugtong niya. "May gusto ko rin akong sabihin sa 'yo. Actually, gusto rin kita noon pero hindi ko alam paano aaminin sa 'yo hanggang sa makilala ko si Sachi naisip ko na baka pag may iba akong pinakitaan ng motibo ay ma-triggered ka at bigla kang umamin dahil nag-aassume ako noon na gusto mo ako pero wala akong reaksyon na nakuha mula sa 'yo kaya naman pinagpatuloy ko na rin ang relasyon ko kay Sachi," pag-amin ko sa kaniya. "At isa pa ayoko ring masaktan si Gavreel, alam naman nating lahat na gustong gusto ka niya hindi ba?" dagdag ko pa. "N-nakaka-istorbo ba 'ko sa usapan niyo?" isang boses ng babae mula sa likuran namin dahilan para mapatingin kaming dalawa roon. "S-sachi." gulat kong bungad sa kaniya. Ngumiti naman sa amin si Sachi at saka naging seryoso ang itsura niya bago nagbitaw ng mga salita. "Napakatanga ko naman para 'di mahalata sa umpisa na ginamit mo lang pala ako noon, at sobrang baliw ko ngayon para palaging ipagdasal na sana ay makaligtas ka sa bawat misyon na nakukuha mo," natatawang sabi ni Sachi. Nararamdaman ko ang bawat sakit sa kabila ng mga pangiti at tawa niya habang nagsasalita. "Parang kasalanan ko pa na nasira ang fairy tale lovestory niyong dalawa," dagdag pa niya. "Mali ka ng pagkaka-intindi Sachi," mahinahong pagsagot ni Reiz. "Alin ang mali sa mga narinig ko? Lahat ng mga ipinangako mo Leandro? O ang palaging pagtanggi mo Reiz na gusto mo si Leandro? Hindi ako nagsasalita pero marunong akong makiramdam," pagsagot ni Sachi. Naririnig kong nag-iiba na ang tono ni Sachi na tila ba gusto na niyang umiyak sa mga oras na ito. "Sachi, paki-usap makinig ka muna," pagmamaka-awa ko. "Narinig ko na lahat lahat at sapat na 'yon para husgahan ko ang bawat kilos at sasabihin niyong dalawa," sabi niya at saka naman niya pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. "Leandro Asuncion, gusto ko lang sabihin sa 'yo na... this is the last chapter of our lovestory and Reiz you may know continue this until the end. 'Di ko inakalang ako pala ang antagonist sa kwentong ito," natatawang niyang sabi habang umiiyak. Hindi ko alam paano o ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Sa mga oras na ito kahit anong sasabihin ko ay pagdududahan niya. "Ito pala nagtimpla akong kape inumin niyo 'to habang mainit pa," sabi niya at saka ito inilagay sa isang table na katabi niya. Ngumiti naman siya sa amin at saka naglakad papalayo. Agad naman akong sumunod sa kaniya at nakita ko si Gavreel na nakayakap kay Sachi. Sinenyasan naman niya akong 'wag na munang lumapit dahil mas lalo lang gugulo ang sitwasyon. Tumango naman ako sa kaniya at tinignan siya sa mga mata na tila ba nagsasabing ikaw muna ang bahala kay Sachi. "Pasensya na sa tingin ko ako ang may kasalanan," biglang sabi ng babaeng nasa likuran ko agad ko siyang nilingon at nakita ko si Anika. "Nagising siya kanina at hinahanap ka niya sinabi ko namang nasa taas ka kasama si Reiz," sabi niyang muli. "Wala kang kasalanan dito Anika, ako ang may gawa ng lahat," malungkot kong sabi. "Ginulo ko ang tahimik na buhay ni Sachi, pero mahal ko talaga si Sachi at ngayon wala na akong nararamdaman para kay Reiz," sabi ni ko. "Kung totoo nga 'yan, ang kailangan mo lang gawin ngayon ay patunay 'yan," sabi ni Anika. Kasabay ng pagkatapos ng usapan namin ay tumunog ang orasan ng resort na ibig sabihin ay alas dose na ng madaling araw. Agad kaming nakatanggap ng message at saka nito sinabing kumuha ng kapares para sa gagawing laro. Agad kaming bumaba at saka nakita naghanap ng kapair. Napansin ko namang sakto na silang lahat at naging kapair ko si Kate. Nagsimula kaming magbato bato pick ng isang beses at natalo ako muli kaming nakatanggap ng message at sinabi nitong ang bawat natalo ay humiwalay sa panalo. Ang mga natalo ay kami nina Ayesha, Faith, Mariz, Reiz, Trisha, Joshua, Lance, Patrick, at Vince. Sampu kaming natalo at sampu rin ang panalo pinapili naman ng laro kung saan kakampi si Anika at pinili niya ang mga natalo at nakasama siya sa grupo namin. Muli kaming nakatanggap ng text message at sinabi nito ang tunay na mission. Ang bawat natalo ay kailangan kumuha ng pair at si Anika ang magiging rider. Medyo hindi namin ito naunawaan agad. At muling ipinaliwanag ng ayos ang gagawin. Ang bawat pair ay kailangang tumawid sa bubong ng resort ng sama sama habang may lubid na nakatali sa bewang. Habang nakababa ang mga babae ay may nakatali namang lubid sa bewang ng mga lalaki. Sa oras na may mahulog na isa ang lahat ay madadamay. Ang kailangan lang naming gawin ay matawid ang bubong hanggang sa kabila. Ang mga nanalo naman ay walang gagawin kundi manood mula sa ibaba. Agad naman kaming nagsi-akyatan sa itaas at saka naghanda bumaba naman sa akin si Ayesha at bumaba na rin ang iba sa likod ng ka-partner nila. Pagkatapos ay itinali na ni Anika ang lubid sa bewang ng bawat isa. Pagkatapos ay pumwesto na rin siya sa unahan para sa gagawing pagliban sa bubong. Medyo mahirap dahil malamig at mahangin ngayong gabi at mahabang ang bubong ng resort at isa pa sa oras na may mahulog na isa lahat kami ay mahuhulog at sa taas nitong resort sigurado akong may ilan sa amin na mababawian ng buhay at masasaktan ng sobra. Mula sa pwesto namin ay kita ko ang isang babae na naka-upo sa may pool at doon nakatuon ang atensyon niya nasisigurado kong si Sachi 'yon at ayaw niyang makita kung paano ako mananalo at mamatay sa laro ito. Bigla kong naalala ang pangako at napag-usapan namin na hindi dapat ako ang unang mawala sa game. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang nasa isip niya sa mga oras na ito. Nagbigay naman ng senyales si Anika para sa uang paghakbang at dahan dahan kaming nagsimula sa paglalakad. Hindi naman ganoon kabigat si Ayesha gaya noong binuhat ko siya sa race ngunit nahihirapan akong umabante dahil sa malakas na hangin at malamig na simoy nito. Alive: 21 Dead: 25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD