Chapter 21

1510 Words
Sachi's P.O.V Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang marinig ko ang mga pinag-usapan nina Leandro at Reiz. Hindi ako makapaniwala na ginamit ako ni Leandro noon para lang mapaamin niya si Reiz pero nabigo siya kaya nawalan siya ng choice kundi ipagpatuloy kung ano ang nasimulan naming dalawa. Gulo gulo ang isip ko hindi ko maintindihan kung anong dapat na reaksyon ang ipakita ko. Masakit para sa akin 'yon at natatawa rin ako kasi tama ang mga hinala ko mula umpisa pero gaya ng sabi ni Leandro wala na siyang nararamdaman para kay Reiz pero nahihirapan akong paniwalaan 'yon gayong nagawa niya ng mag lihim sa akin ng matagal. Ngayon ay kasalukuyan silang sumasabak sa misyon nila at kami ay walang ibang gagawin kundi ang panoorin sila gaya ng nai-utos sa amin. Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko silang labing isa na sinusubukang tumawid sa gilid ng bubong ng resort. Hindi ko man sila makilala ng maayos ay halata ko naman kung sino sa kanila si Leandro. Mula sa ayos ng kanyang buhok, tangkad, at tindig ay kilalang kilala ko siya. At ang babaeng nasa likuran niya ay walang iba kundi si Ayesha. Dahil sa nangyaring pagkabunyag ng sekreto ni Leandro tungkol kay Reiz nagsisimula na rin akong magduda kay Ayesha. Hindi ko alam kung makakabuti pa itong mga iniisip ko para sa akin ngunit patuloy akong ginugulo ng isip ko. "Ayos ka lang ba?" pagsingit ni Kate sa pagmumuni muni ko. Ngumiti naman ako at saka ngumiti sa kaniya. Agad ko namang nilaro ang tubig para mabawasan ang pagka-awkward dito sa palagid. "Alam mo kilala ko 'yan si Leandro, siya 'yung tipo ng tao na seryoso sa lahat ng bagay kaya nasisigurado kong totoo ang mga sinabi niya at kung sinabi niyang mahal ka niya then believe it," nakangiting sabi sa akin ni Kate. "Mahirap kasing paniwalaan lalo na't nalaman kong ginamit niya ako para makuha ang loob ni Reiz?," pagdepensa ko. "Past is past. Stop your past from spoiling your present and future," pagpapa-alala niya. "Paano kung sakaling gumana nga ang plano niya noon? Asan na 'ko ngayon? Sino na 'ko ngayon sa buhay niya? Hindi ba't wala kundi isang kaklase at kapitbahay na lamang," pagpapaliwanag ko. "Alam mo Sachi konti nalang ang oras natin at ang pangit tignan kung sakaling mawawala ka sa mundong ito na may kaaway at sama ng loob hindi ba?" Pangungulit ni Kate. "Sa totoo lang Kate, hindi ko rin maintindihan kung galit ba ko o ano pero sa tingin ko nasaktan lang talaga ako sa naging usapan nila," pagsagot ko. "Kahit naman siguro pero kung titignan nating mabuti naging mabait at mapagmahal naman si Leandro sa 'yo hindi ba," paglilinaw ni Kate. Hindi ko maintindihan kung kinakampihan niya si Leandro kasi kaibigan niya o sadyang tama si Kate na tapos na ang nakaraan at ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Muli naman akong tumingin sa itaas at nakita ko naman na malapit na sila sa dulo. Alam kong nahihirapan sila sa mga oras na ito gayong napakalamig at malakas ang hangin. Kahit pa nagtatampo ako kay Leandro nag-aalala ako para sa kaniya dahil madali siyang lapitan ng sakit at lagnat lalo na sa mga ganitong bagay. "Sa oras na may isang ma-out of balance lahat sila pwedeng mamatay o masaktan," biglang sabi ni Kate dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ko. "Hindi kita pinag-ooverthink pero 'yon ay isa sa mga possibilities na mangyari," dagdag pa niya. "Sa tingin ko naman magagawa nilang makatawid," pagsagot ko. Muli akong nag-focus sa kanila hanggang sa makita kong nakatawid na sila sa kabilang dulo. Unti unti pa silang lumakad hanggang sa lahat sila ay makatawid. Agad namang tinggal ni Anika ang tali na nakatali kina Leandro at inalalayang makakababa ang nga babae mula sa likod ng mga lalaki. Natayo naman sila ng ayos sa flatted surface na nilalakaran nila kanina. Mabuti nalang at ganoon ang ayos ng bubong ng resort kaya't medyo napadali sila sa misyon nila. Habang isa isang bumababa ang mga kasamahan namin ay nagulat ang lahat dahil sa isang sigaw ng babae at nakita namin si Reiz na nadulas mula sa itaas mabuti namang napakapit siya sa ALULOD ng bahay. Agad naman siyang tinulungan ni Leandro at sinusubukang itaas ngunit bigo ito kaya't agad na kumilos ang mga kasama namin pra tulungan sila ngunit sumigaw si Leandro. "HUWAG KAYONG TUTULONG KAHIT ANONG MANGYARI!" pagsigaw niya. "WALA PA TAYONG NATATANGGAP NA TEXT MULA SA LARO NA NAGSASABING TAPOS NA ANG MISSION NATIN SA ARAW NA ITO AT KUNG SAKALING TUMULONG KAYO SA AMIN AY LABAG IYON SA MISYON NIYO HINDI BA," dagdag pa niya. Ramdam at rinig ko sa boses niya ang hirap. Wala namang magawa ang mga kasama niya sa itaas kundi suportahan lamang siya mula sa kaniyang likuran dahil kung aakyat silang muli ay baka mahulog lang din sila. Maya maya pa ay nakita ko ang isa na may sinasabi kina Leandro ngunit hindi ko ito marinig. Ngunit ng tumingin siya sa ibaba at ituro ang nasa harapan ni Reiz ay doon ko natukoy ang nais niyang iparating. Sa harapan ni Reiz ay may bukas na binta at ang kailangan lang nilang gawin ay mapatalon si Reiz sa loob noon ngunit kailangan pang ma-ibaba si Reiz ng ka-unti upang sumakto siya sa bintana. Nakita ko naman na hinawakan nila si Leandro sa paa at saka ibinaba ng dahan dahan para ma-ihagis si Reiz sa loob ng bintana. Unti unti namang nag-swing si Reiz kasabay ng katawan ni Leandro. Habang tulong tulong sila sa pagtulong kay Reiz ay wala naman kaming magawa kundi manood lamang sa kanila. Maya maya pa ay dumungaw naman si Anika at Lance sa bintana para abutin ang paa ni Reiz at mapadali ang pagkuha sa kaniya. Dahil sa hindi abot ni Reiz ang bintana ay ibinaba pa nila ito ng ka-unti. Dahan dahan siyang inabot nina Anika at Lance para makatapak siya sa bintana at matagumpay naman nila itong nakuha. Nakahinga naman kaming lahat ng maluwag at ilang segundo lamang at nakatanggap na kaming lahat ng text na tapos na ang mission namin ngayong araw. Ngayon naman ay sinusubukan nilang i-angat si Leandro at mukhang nahihirapan din sila. Nagulat naman kaming lahat ng mapansing walang malay si Leandro dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Nakarinig naman kami ng sigawan mula sa itaas at napansin naming nahihirapan silang itaas si Leandro. Kaya naman nagtakbuhan ang iba para tumulong naka-isip kami ng isang paraan. Agad namang tumakbo ang iba pataas para iabot ang tela ng kumot para itali sa paa ni Leandro at dahan dahang ibaba para maabot siya nina Anika sa bukas na bintana. Agad naman akong pumasok sa loob at pumunta sa kinaroroonan nina Anika para tumulong sa kanila. Sa ganitong sitwasyon alam kong hindi dapat pairalin ang pride at matutong makisama. Unti unti ko namang nakikita si Leandro habang dahan dahang ibinababa. Inabot namin ang kamay nito at saka dahan dahan din siyang hinihila papasok sa loob. Nang maipasok namin ang buong katawan niya ay nagbigay kami ng senyales na ayos na ang lahat sa dito sa ibaba para makababa na rin ang mga nasa itaas. Binuhat naman nina Lance si Leandro sa sala para maihiga ng ayos. Sa sobrang pagod kaya siya nawalan ng malay at sa tagal niyang nasa ganoong sitwasyon. Maya maya pa ay kinausap ako ni Reiz at humihingi ng tawad. "Ahm Sachi... gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat at isa pa wala akong balak sirain ang relasyon niyo ni Leandro sana ay mapatawad mo siya," mahinahon niyang paki-usap. "Hindi naman ako galit sa 'yo o sa kaniya kaya 'wag kang mag-alala," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Dahil sa akin muntik ng mamatay si Leandro," malungkot niyang sabi. "Alam mo Reiz hindi naman makakatulong 'yang gingawa mong pagsisi sa sarili mo, kahit anong gawin natin nandito na tayo at nangyari na ang lahat," pagsagot ko sa kaniya. Hindi naman na siya sumagot at saka ibinaling ang tingin kay Leandro. Napatingin din ako gaya niya at biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng ginagawa ni Leandro para sa akin at sa iba naming kasama. Napaka-selfless niya kahit pa buhay niya ang nakataya gagawin niya pa rin kung ano ang tama at isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Kaya ayokong makita na siya ang mauunang mawala sa aming dalawa sa larong ito. Kung mayroong deserving na matira o makaligtas dito nasisigurado kong hindi ako 'yon o kahit sino sa amin maliban kay Leandro. "Sachi ikaw na muna ang magbantay kay Leandro may aasikasuhin lang kami," pagpapaalam nina Ayesha. Tumango naman ako at saka kami naiwang dalawa ni Leandro dito. Kumuha ako ng mauupuan at saka tumabi sa kaniya. Alam kong pagod na pagod ang katawan niya dahil sa mga nangyari. Pinagmasdan ko naman siya habang mahimbing na natutulog at pagkatapos ay hinaplos ko ang kaniyang buhok at saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Kahit anong mangyari andito ako para sa 'yo, Leandro," sambit ko at saka natulog sa dibdib niya. Alive: 21 Dead: 25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD