Chapter 22

1543 Words
Leandro's P.O.V Nang magising ako mula sa malalim na pagkakahimbing ay agad kong nakita si Sachi sa harapan ko na nakahiga sa aking dibdib. Hinawi ko naman ang buhok niya na humaharang sa maganda niyang mukha. "I love you Sachi. Nothing else, just you," malambing na sabi ko. "Mahal din kita Leandro," bigla naman niyang pagsagot. 'Di ko nalamayang gising na pala siya. Agad naman siyang tumayo at saka umupo ng maayos pagkatapos ay hinawakan niya ang noo ko para i-check kung mainit ba ito. "Mukhang bumaba na ang body temperature mo," nakangiti niyang sabi. "Sachi," Malambing kong pagtawag sa kaniya. "May masakit ba sa katawan mo? Tubig baka nauuhaw kana?" Sunod sunod niyang tanong. "Sachi," pagtawag kong muli sa kaniya. "Sachi sorry sa mga nangyari pero sana paniwalaan mo pa rin ang nararamdaman ko para sa 'yo," sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at saka hinawakan ang pisngi ko. "Hindi mo naman na kailangan pang humingi ng tawad dahil napatawad na kita, hindi rin ito ang tamang oras para magpataasan tayo ng pride," malambing niyang pagsagot sa akin. "Napaka-sweet niyo naman mukhang 'di niyo na kailangang kumain dahil mukha na kayong busog sa pagmamahal," biglang singit ni Gavreel. "Bumangon na kayo nag-aantay na 'yung iba sa kusina," dagdag pa niya. Dahan dahan naman akong bumangon at saka niyakag si Sachi sa kusina para maghilamos at sumabay sa iba na kumain. Nang makarating kami roon ay masaya naman silang nag-uusap usap at tawanan. Agad naman kaming naghilamos ni Sachi at nakisama sa iba. "Anong ng balak nating gawin ngayong araw?" tanong ni Faith. "Mag-enjoy hanggat wala pang bagong misyon," pagsagot ni Trisha. "Tama si Trisha, hindi dapat tayo masyadong magpaka-stress kailangan din nating mag-enjoy kahit ganito ang sitwasyon natin," pagsang-ayon ni Mariz. "Alam ko na! Let's have open forum then pool party kahit umaga," suhestiyon ni Ayesha. "Oo nga para magkaroon ulit tayo ng bonding at mas malalim na pagkilala sa isa't isa," pagsang-ayon naman ni Rizza. Nakapagdesisyon naman ang lahat at sumang-ayon sa mga suhestiyon ng bawat isa. Nang matapos kami sa pagkain ay agad naman kaming nagpalit ng damit at agad na pumunta sa pool area. "So, paano tayo mag-uumpisa?" bungad na tanong ni Hazel. "Edi mag-umpisa tayo kay Ayesha 'di ba siya ang naka-isip na mag-open forum tayo," pagsagot ni Kristoffer. "Okay! Dahil napakaganda ko, ako na ang ma-uuna," pagpuri ni Ayesha sa sarili niya. "Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa inyong lahat for being bossy, selfish, and insensitive. Pangalawa gusto kong humingi ng tawad sa mga bestie ko. Trisha and Rizza, I'm sorry! Sana mabuo ulit tayong tatlo at promise ko na magiging mabuti na 'ko sa inyong dalawa. And lastly, gusto kong magpasalamat kay Leandro dahil sa likod ng mga ipinakita kong kamalditahan hindi 'yon naging hadlang para tulungan mo ako at marating ang kinalalagyan ko ngayon," pagpapasalamat at paghingi niya ng tawad. "Sino ng sunod?" tanong ni Ayesha. "Ako nalang tapos pa-ikot na 'to ah para tuloy tuloy tayo," pagsagot ni Lance. "Gaya ni Ayesha, gusto kong humingi ng tawad sa inyong lahat at gusto ko rin kayong pasalamatan sa lahat ng naitulong niyo sa akin lalo na kina Leandro kahit naging masama ang ugali ko tropa niyo. At panghuli gusto kong malaman niyo na, I'm dating with Kate. Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa ganoong bagay pero masaya ako kung sakali iyon ang ala-alang babaunin ko sa kabilang buhay," masayang niyang sabi. Nagpatuloy kami sa paglalabas ng mga sekreto, saloobin, mga iniisip at kung ano ano pang gusto naming ipaalam sa bawat isa. Gaya nila ay nagpasalamat ako sa lahat at humingi ng tawad kung minsan ay nagiging makasarili ako. Marami sa amin ay maraming sekretong sinabi na kahit kami ay hindi makapaniwala. "Ikaw na ang huling magsasalita Reiz," sabi ni Faith. "Alam kong isa lang dapat kong sabihin at iyon ay humihingi ako ng tawad kay Sachi at Leandro. Sana mapatawad niyo 'ko at masaya akong makilala kayong dalawa at mapabilang sa circle of fiends niyo. Hindi naman sa assuming ako pero patawarin niyo sana ako kung nagkagulo kayong dalawa dahil sa 'kin," paghingi ni Reiz ng tawad. "Hindi mo naman kailangan humingi ng tawad. Hindi naman ako galit sa 'yo o ano man," pagsagot ni Sachi. Nagngitian naman silang dalawa at saka lumapit si Sachi kay Reiz at agad na yumakap dito. Nagpalakpakan naman ang iba at saka nadala sa saya ng bawat isa. "Dahil okay na tayong lahat sa bawat isa sana ay magpatuloy ito hanggang huli," masayang sabi ni Royce. "Let's party na guys!" Sigaw ni Ayesha. "Padating na raw 'yung inorder naming pagkain mag-enjoy na kayo sasalubungin lang namin 'yung rider," sabi naman ni Faith. Nagkaniya-kaniya namang gawain ang bawat isa, mayroong tumalon agad sa pool at ang iba naman ay kumuha ng litrato at ang iba ay nag-apply muna ng sunblock at nagbabad sa arawan. Kahit pa nasa delikado kaming sitwasyon ay natutuwa akong makita ang bawat isa na nag-eenjoy at masaya. Alam kong sa pagpatak ng alas dose ng madaling araw ay muli na naman kaming sasabak sa isang mahirap na sitwasyon. "Ayos ka lang ba Leandro?" Pagtawag sa akin ni Sachi. Agad naman akong tumingin sa kaniya at saka ngumiti. "Oo naman, ikaw ba ayaw mo bang magbabad sa tubig?" Pagtatanong ko. "Ayoko hindi naman ako maalam lumangoy," pagsagot niya sa akin. "Magbababad lang naman eh wala naman akong sinabing lalangoy," pamimilosopo ko sa kaniya. "Tara na, doon lang tayo sa mababaw," dagdag ko pa. Agad naman akong tumayo at saka inilahad ang aking mga kamay sa kaniya. Matapos niyang abutin ang kamay ko ay hinila ko siya papalapit sa pool. Nauna akong bumaba sa swimming pool para ipakita sa kaniya na mababaw lang ang tubig. Muli kong inilahad ang kamay ko na agad niya ring inabot dahan dahan naman siyang bumaba sa tubig at saka naman kami nagpa-ikot ikot lang sa mababaw na parte. Reiz's P.O.V Mula kagabi ay hindi ko maiwasang maisip ang mga sinabi ni Leandro lahat ng ginawa niya para mapansin ko siya pero hindi ko 'yon napansin at ngayon nandito ako nagsisisi sa mga pagkakataong nasayang ko. Pero masaya na rin ako para sa kanilang dalawa at mukhang masaya na rin sila sa isa't isa ayoko na ring manggulo pa at makasira ng relasyon. Kagabi ng iligtas ako ni Leandro mula sa muntik ng pagkamatay mas lalo akong nagkagusto sa kaniya. Pero alam ko namang kailangan ko ng pigilan ang sarili ko dahil alam kong masaya na siya sa piling ni Sachi. Kaninang open forum hindi ko inaasahang yayakapin ako ni Sachi matapos ang lahat. Kaya naman nagising ang isip ko na hindi ko dapat sayangin ang pagkakaibigan namin hanggat nabubuhay ako. "Reiz ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Gavreel na naka-upo pala sa tabi ko. "Ahh Oo naman, ikaw ba't ayaw mong makisaya sa kanila?" pagtatanong ko. "I'm not in the mood na magsaya ngayon," pagsagot niya. "Tignan mo ang saya nilang pagmasdan siguro ito na rin 'yung sign para I let go ko 'yung feelings ko para sa kaniya," sabi ko habang pinagmamasdan sina Leandro. "Reiz may gusto akong sabihin sa 'yo," bigla niyang sabi. "Ano 'yon?" Pagtatanong ko. "Alam kong hindi ito 'yung tamang oras para rito pero gusto ko lang na ma---" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng may biglang sumigaw at tinatawag kami. "Oo susunod na kami diyan!" Pagsagot ko kina Faith. "Ano ulit 'yung sinasabi mo Gav?" Pagbabalik ko ng atensyon sa kaniya. "Ah wala wala basta mag-iingat ka palagi at piliin mo kung saan ka sasaya," sambit niya at saka naglakad papalayo. Hindi ko maintindihan kung anong nais niyang iparating. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko at saka bumulong sa akin. "Siguro hindi mo napapansin 'yung ibang tao sa paligid mo kasi naka-focus ka lang sa isa," pagbulong sa akin ni Anika. "Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko. "Hindi mo ba napapansin may gusto sa 'yo 'yang si Gavreel ngunit dahil naka-focus ka lang kay Leandro hindi mo 'yon napapansin pero sa bawat kilos at sinasabi ni Gavreel mababasa mo agad kung anong gusto niyang sabihin," pagpapaliwanag ni Anika. "Kaya sana mag-ingat ka sa bawat sasabihin mo dahil kahit maliit na bagay sa 'yo bigdeal na para sa kaniya. Maaari ka ring makasakit ng 'di mo namamalayan alam kong hindi mo responsibilidad na mag-adjust para sa nararamdaman niya ang gusto ko lang ay maging sensitive ka," dagdag pa niya. Muli namang nabaling kay Gavreel ang atensyon ko. Nakikita ko siyang masaya pero malungkot ang mga mata niya. "Give yourself a little time para makapag-isip ka," muling sabi ni Anika at saka tinapik ang balikat ko. Agad din naman siyang tumayo at pumunta kung nasaan ang iba. Tumayo na rin ako at saka inayos ang mga gamit ko pagkatapos ay sunod sa iba. Masaya naman kaming kumuha ng litrato nakakalungkot mang isipin na 20 nalang kami ngayong magkakaklase ay masaya ako dahil nakikita kong masaya ang iba. Kung mayroon man akong hiling ay sana wala ng mababawas sa kasalukuyang bilang namin ngayon. Ilang oras nalang mula ngayon ay makakatanggap kami ng isang bagong misyon. At gaya ng hinihiling ko ay sana hindi ito magiging dahilan para mabawasan kami. Alive: 21 Dead: 25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD