Chapter 23

1562 Words
Gavreel's P.O.V Nasayang ko ang pagkakataon ko para umamin kay Reiz. Masyado akong na-distract sa ibang taong nakapaligid sa amin. Kaya't minabuti ko nalang na huwag nalang sabihin muna sa kaniya dahil sigurado akong may time pa naman para umamin ako at sa oras na iyon ay sinisigurado kong aamin na ako sa kaniya. Habang nagsasaya ang bawat isa ay naka-upo naman ko habang pinagmamasdan ang kanilang mga ginagawa. Maya maya pa ay tumabi sa akin si Anika at saka kumain ng dala dala niya. "Alam kung ako ang masusunod o ako ang nasa kalagayan mo hindi ko sasayangin ang mga binibigay sa aking pagkakataon," bigla niyang sabi habang kumakain. Nabaling naman sa kaniya ang aking atensyon at saka nagtanong. "Anong ibig mong sabihin? Pagkakataon saan?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Hello, obvious naman na may gusto ka kay Reiz at hindi mo 'yon maamin kahit andami kong great time para gawin 'yon kagaya nung sa open forum, it is one the best time para gawin 'yon," pagpapaliwanag niya sa akin. "Hindi kasi ako sigurado kung dapat pa ba akong umamin sa kaniya," naguguluhan kong pagsagot. "Kailan ka magiging sigurado? Pagmamamatay kana? Sa tingin mo magagawa ka pang mahalin ni Reiz kung isa ka ng malamig na bangkay?" pagsasabi niya ng totoo. "Sa tingin mo ba Anika? May karapatan siyang malaman kung anong nararamdaman ko para sa kaniya?" pagtatanong ko sa kaniya. "Oo naman, at saka hindi ka naman mahirap mahalin sigurado akong magagawa niya ring ibaling ang mga tingin niya sa 'yo," pagsagot ni Anika. "Oh s'ya paano ba 'yan papasok na ko sa loob, basta sinabi ko na mga kailangan mong gawin and the rest is up to you," sambit niya at saka tumayo at nakisali sa mga naglalangoy. Tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya kailangan nga ba ako dapat umamin? Kung kailangan nga ba mamamatay na ang isa sa amin? O hahayaan ko nalang na maisama itong nararamdaman ko sa kabilang buhay. Habang iniisip ko ang mga maaaring mangyari naka-recieve ako ng text message mula sa laro. Sinabi rito na ang susunod na misyon ay matatanggap sa ganap na oras ng alas-diyes ng umaga. Agad ko namang kinuha ang atensyon ng iba para ipagbigay alam kung ano ang sinabi ng mensaheng natanggap ko. "Guys, makinig kayong lahat sa akin. Ngayon ngayon lang ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa laro at sinabi rito na saktong alas-diyes ng gabi ay makatatanggap na tayo ng misyon," pagbibigay alam ko sa kanila. "Anong misyon naman kaya 'yon at masyadong napa-aga," pagtatanong ni Rizza. "Wala rin akong ideya pero maayos na rin kung maghahanda tayo ng maaga," pagsagot ko. "We still have time pa naman para mag-enjoy. Ala-sais palang naman ng gabi e," pagsingit naman ni Ayesha. Matapos kong maipagbigay alam ang mga nalaman ko ay agad din akong pumasok sa loob ng bahay para magpahinga. Agad akong dumiretso sa kwarto namin at saka nahiga sa kama. Masyado na akong pagod sa kaiisip at gusto ko na munang makapagpahinga. Nag alarm na rin ako ng 9:45 P.M. para magising ako mg maaga kaysa sa binigay na oras sa amin. Agad kong ipinikit ang mga mata ko. Sobrang pagod na rin ako ngayong araw at wala akong sapat na tulog mula kahapon maaga pa naman at mahaba ang oras ko para makapagpahinga. Leandro's P.O V Mula kanina ay napapansin ko si Gavreel na parang mayroong iniisip gusto ko sana siyang kausapin ngunit pinipilit ko munang makabawi kay Sachi sa mga nagawa ko kaya't ipinagsawalang bahala ko muna ang expresyon ni Gavreel. Pagkatapos ay ibinalita niya sa amin ang mga nalaman niya tungkol sa bagong misyon ito ay ipapadala sa amin mamayang 10:00 P.M. ng gabi. Hindi ko rin alam kung anong klaseng misyon ito ngunit nakararamdam ako ng hindi maganda. Napansin ko namang nawala si Gavreel sa kinauupuan niya matapos niyang magsalita at nalaman kong pumasok na siya sa loob para magpahinga. Saktong 7:30 ng gabi ay umahon na kaming lahat at saka nagbihis ng damit para makapaghanda sa pagkain ng hapunan. Magluluto pa kami ng kakainin namin ngayong gabi. At maghahanda para sa nag-aabang na bagong misyon. Eksaktong alas-otso ng gabi ay nasa kusina na ang ibang babae para magluto. Agad naman kaming lumapit ni Sachi para mag-assists at tumulong sa pagluluto. Habang nagluluto kami ang iba naman ay naglilinis ng kalat sa labas at ang iba ay nag-aayos ng lamesa at inihahanda na ang mga nalutong ulam at kanin. Ipinagising naman namin si Gavreel kay Anika na agad ding sumunod at dumiretso sa kwarto nito. Kung ganitong bakasyon lang ang palagi naming mararanasan ay masaya na ako ngunit alam kong hindi normal ang mga takbo ng buhay namin. 8:30 ng gabi ay natapos kami sa pagluluto at nakapaghain na rin kami ng pagkain sa lamesa. Dahan dahan naming inilapag ni Ayesha ang specialty niyang Caldereta at saka kami na-upong lahat ng maayos at saka nagdasal para i-bless ang buong araw at ang pagkaing nasa harapan namin ngayon. Tahimik lang ang lahat habang kumakain at walang sinuman ang nagbabalak na magsalita. Tanging ingay lang ng tumatamang kutsara sa plato ang naririnig ko. "Ano sa tingin niyo ang misyon natin ngayong gabi?," pagsira ni Ayesha sobrang katahimikan. Nagkatinginan naman ang bawat isa habang kumakain at saka isa isang umiling. "Sa tingin ko mahirap ang misyon natin ngayong gabi," pagsagot ni Anika. "Sana ay hindi naman gaano kahirap at sana ay matapos natin itong lahat mukhang hindi ko na kakayanin na mabawasan pa tayo," sabi naman ni Faith. Habang nag-iisip sila sa posibleng misyon ay napa-isip din ako sa time na binigay nito. Dahil ito ang kauna unahang misyon na gagawin namin ng sobrang aga at wala sa normal na oras kung kailan kami nakatatanggap ng mga misyon. "Leandro ayos ka lang na?," pagtatanong ni Sachi. "Oo naman, may naisip lang ako saglit pero ayos na 'yon wala naman 'yon eh," pagsagot ko. Nang matapos kami sa pagkain ay nag-volunteer ang iba para magligpit ng mga pinagkainan. Ang iba naman ay inayos ang kalat sa lamesa ay ang iba ay nasa salas na at nag-aantay ng misyon. 9:20 palang ng gabi at kasalukuyan kaming nasa salas at kaniya kaniyang gawa para malibang. Habang ako ay patuloy paring napapa-isip sa misyon namin. Habang nakatulala sa wall clock na nakasabi ay inaantay kong mag alas diyes na ng gabi. Kahit pa natatakot sa bagong misyon ay gusto ko ng gawin ito sa lalo at madaling panahon. Naisipan naman naming manood ng palabas habang wala pa kaming natatangap na misyon. Hindi naman ako makapag-focus sa panonood at napapatitig ako sa wall clock dahil hindi ako mapakali. Ilang minuto nalang ay malapit na mag alas diyes bawat pag-ikot ng kamay ng orasan ay tumitibok ang puso ko ng mabilis. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang cellphones namin at agad ko itong binuksan. Isa na namang misyon na kailangang gawin as a group. To: Everyone From: Master Subject: This game is called "Find Me My Wolf" there will be two groups The Sheeps and The Wolves. The Wolves should look for any sheeps to save its own life but the twist is sheeps should hide theirselves until the time runs out. The wolves who didn't find any sheeps will be eliminated and the sheeps will be safe found or not. Your role is under this message please proceed. Pagkatapos kong basahin ang mensahe ay agad kong tinignan ang nasa ibaba nito at nakahinga ako ng maluwag na isa akong sheep. Agad kong tinanong ang bawat isa kung ano ang role nila at saka sila pinaghiwa-hiwalay sa dalawang grupo. "Eleven ang wolves at sampu lang ng sheeps kung sakaling makahanap ang sampung wolves may isang mamamatay," pagpuna ni Faith. "Ngunit hindi naman maaaring magsabi ang mga sheeps kung saan sila maaaring magtago hindi ba?" Pagtatanong ni Rizza. Habang nagkakagulo pa kami ay nakatanggap kaming muli ng mensahe mula sa laro. Sinasabi nitong kailangang lumabas ng resort ang mga wolves para makapagtago ang mga sheeps. Sa loob ng sampong minuto matapos makapagsimula ang laro ay kailangang nakatago na ang mga sheeps. Kung titignang mabuti parang larong panbata lamang ang aming gagawin ngunit buhay ng mga wolves ang nakasalalay rito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sheep din si Sachi nguniy wolves naman sina Anika, Gavreel, Reiz at Lance. Mayroong chance na manalo sila at matalo ang kailangan lang ay marunong silang makiramdam. Naisip kong magtago kung saan naiisip kong unang pupunta sina Gavreel para masigurado ang pagkapanalo nila. Nang tumunog ang Wall clock ay agad namang lumabas ang mga Wolves at saka kami nag-umpisang magtago. Agad akong pumunta sa C.R ng kwarto ng room ng namin at nagtago sa likod ng pintuan. Alam kong madali lang akong mahahanap rito at ito ang unang pwede nilang puntahan at inaasahan kong isa sa kanilang apat sana ang makahanap sa akin. Agad din namang nagtago ang iba hindi ko naman napansin kung saan nagpunta si Sachi. Ang rule na ibinigay sa amin ay kailangan lang naming magtago hanggang sa makita kami ng Wolves at pagkatapos ay parehas kaming makakaligtas kung mahahanap kami mula sa pagkakatago. Tumunog muli ang wall clock na sensyales ng pag-uumpisang maghanap ng mga wolves. Nakaramdam naman ako ng pagkakaba sa hindi ko alam na dahilan. Kung sakaling makahanap ang sampung wolves mamamatay ang isa dahil sampu lang din ang sheeps na kasalukuyang nagtatago ngayon. Alive: 21 Dead: 25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD