Gavreel's P.O.V
Bilang isa sa mga wolves medyo unfair sa amin ang laro na ito ngunit hindi namin pwedeng sisihin ang mga sheeps sa bawat roles na nakuha namin dahil ang master ang nagdesisyon para rito.
Nang tumunog ang go signal ay agad kaming pumasok sa loob at naghanap sa mga sheeps na nagtatago. Sinabihan ko si Reiz na maghiwalay kami sa paghahanap ng sa ganoon ay mas mabilis kaming makaligtas at maiiwasan naming magkahiyaan pag naka kita kami ng isang sheep.
Habang naghahanap ako sa pool area ay nakatanggap ako ng mensahe at sinasabi ritong ligtas na si Lance at nakahanap na siya ng isang sheep. Kung tutuusin ang oras mula ng pumasok kami rito ay limang minuto pa lamang ang lumilipas. Sigurado akong si Kate ang sheep na nahanap niya at nakakasigurado akong kilala nila ang isa't isa kaya't nalaman agad ni Lance kung saan magtatago si Kate.
Kung si Leandro at Sachi ang hahanapin ko ang maaari nilang mapagtaguan ay kwarto namin at garden ng resort. Agad ko namang hinanap si Reiz para sabihin sa kaniya ang natuklasan ko. Abala ako sa paghahanap sa kaniya habang ang iba ay abala sa paghahanap sa mga sheep na nakatago dahil may isang paniguradong mabubura sa laro na ito.
Nakita ko agad si Reiz sa loob ng resort at nakita ko siyang mag-isa na naghahanap sa kusina. Agad ko siyang nilapitan at ibinulong sa kaniya ang nalaman ko.
"Reiz, sa may kwarto ka natin maghanap nakakasigurado akong nandoon si Sachi o kaya si Leandro," pagbulong ko sa kaniya.
"Bakit hindi nalang ikaw ang maghanap doon? Iligtas mo ang sarili mo ngayon," pagsagot niya.
"A-anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Una sa lahat, ikaw ang naka-isip na baka nga naroon sila kaya chance mo na 'to para makaligtas kung sakaling nandoon nga sila," nakangiti niyang pagsagot sa akin.
"Gusto ko ring maging independent , gusto kong manalo sa isang misyon ng hindi umaasa sa kahit na sino at sa tingin ko ito na 'yung oras na 'yon," dagdag pa niya.
"Pero Reiz, sampu lang ang sheeps kung sakaling maubusan ka matatanggal ka," malungkot kong sabi sa kaniya.
"Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko? At saka sa nakalipas na labing limang minuto isa palang ang nakakahanap kaya mayroon pa kong siyam na pag-asa," sagot niya at saka ngumiti sa akin.
"Paano ba 'yan mukhang wala sa lugar na 'to maghahanap na ko sa ibang lugar kaya paalam na. Remember time is running," pagpapa-alala niya at saka umalis.
Naiwan naman akong nag-iisa sa kusina at nakatulala, napa-isip ako sa mga sinabi niya masyado ko nga ba siyang pinagdududahan sa mga kakayanan niya? Siguro nga sa oras na ito ay dapat ko siyang hayaan na makaligtas para sa sarili niya at para mapatunayan niya ang sarili niya.
Agad naman akong naghanap sa ibang lugar dahil inaasahan ko na kung sakaling wala na siyang choice ay sa kwarto namin siya maghahanap. Agad akong lumabas ng resort para roon maghanap, nilibot ko ang buong paligid ng resort at umaasahang makakahanap ng isa ngunit bigo akong magawa iyon.
Habang unti-unti na 'kong nawawalan ng pag-asa ay nakarinig ako ng kaluskos ng mga dahon na agad na umagaw sa aking atensyon. Pinakinggan kong muli ang ingay ngunit biglang tumahimik ang buong paligid. Kumuha ako ng bato at saka nakiramdam kung saan ko ito ibabato at walang pag-aalinlangan ay ibinato ko ito sa itaas ng puno at nakarinig ako ng pagsigaw dahil sa gulat.
"I found you! Rizza," sambit ko at saka naman siyang dahan dahang bumaba ng puno.
"Naputol kasi 'yung natuunan kong sanga kaya nahulog ito sa lupa," bungad niya sa akin.
"Swerte ko na siguro 'yon para mahanap ka," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya.
Agad ko siyang hinawakan para matukoy ng game na ako ang nakahanap sa kaniya at saka kami nagpunta kung nasaan ang ibang players na mayroon ng sheeps.
Nang makarating kami sa fountain ay walo palang kaming narito na ibig sabihin ay apat palang ang nakakahanap at mayroong anim na sheeps na lang ang nagtatago at pitong wolves na naghahanap.
Wala pa rito sina Leandro, Sachi at Reiz kaya umaasa akong susundin ni Reiz ang payo ko sa kaniya na sa kwarto maghanap.
Reiz's P.O.V
Sa larong ito gusto kong mapatunayan na hindi ko kailangan umasa sa iba para manalo ako gaya sa mga naunang misyom namin. Nang makita ko si Gavreel kanina at sabihin sa 'kin na baka nasa kwarto nagtatago si Leandro o Sachi ay nakaramdam ako ng pagka-inis pero na-realized ko na ginawa niya lang 'yon dahil concern siya sa akin pero naiinis ako dahil hindi niya iniisip ang sarili niya.
Nakaramdam naman ko ng kasiyahan ng mag-appeared ang pangalan niya sa mga naka-complete na ng misyon at ngayon ang kailangan ko nalang ay mag-focus sa paghahanap dahil anim na sheep nalang ang natitira.
Habang naghahanap ako sa garden ay nakita ko si Faith na umiiyak sa tabi ng isang halaman kaya naman agad ko siyang nilapitan at tinanong.
"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya.
"H-hindi ako makakita ng m-maayos sa dilim at natatakot akong m-matalo," umiiyak niyang sabi sa akin.
Agad ko namang hinagod ang likod niya at saka ko naalala ang payo sa akin ni Gavreel kaya naman agad ko sa kaniya 'yon sinabi.
"Pumunta ka sa kwarto namin at doon ka maghanap, magtiwala ka sa akin Faith makakaligtas ka," bulong ko sa kaniya para maiwasan ang iba na marinig iyon.
"Pero paano ka nakakasiguradong mayroong sheep don?" Pagtatanong niya.
"Nagpunta ako roon kanina at sigurado akong mayroon doon kaya bilisan mo na bago ka maunahan ng iba," pagpapaalala ko sa kaniya.
"M-maraming salamat Reiz, pero paano ka?" nag-aalala niyang sabi.
"Don't worry about me. I got my self," proud kong sabi sa kaniya.
Tumango naman siya sa akin at saka kami nagngitian. Tumayo naman siya agad at saka tumakbo papasok sa loob para pumunta sa sinabi kong lugar.
Nagpatuloy naman ako sa paghahanap sa garden at pumasok sa loob ng halaman dahil baka mayroong naroon. Habang naghahanap ay nakatanggap ako ng message mula sa laro mayroon na namang dalawa ang nakahanap ngayon ay apat nalang ang sheeps at malapit ng maubos ang oras namin.
11:37 na ng gabi at saktong alas dose ay elimination na ng mga wolves na hindi nakahanap ng sheeps. Pito pa kaming wolves na naghahanap at anim nalang ang sheeps. Habang naka-focus ako sa cellphone ay nakarinig ako ng kaluskos sa loob ng isang maliit na cabin. Dahan dahan ko naman iyong nilapit at binuksan nagulat naman ako ng makita ko si Sachi.
"I found you! Sachi," masaya kong pagbati.
Ngumiti naman siya sa akin at saka ako niyakap. Ngumiti naman ako sa kaniya at saka ko siya niyakag papunta sa iba. Naka-recieve naman ako ng message na natapos ko na ang misyon ko. At ganoon din si Faith. Nagkasalubong naman kaming dalawa papunta sa fountain.
"Reiz, maraming salamat at masaya rin akong makita na ligtas ka rin," masaya niyang pagbati.
"Sa susunod 'wag ka ng iiyak, seek for help. Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na magtutulungan tayo," pagpapaalala ko sa kaniya.
"Pero hindi ba kahit anong gawin nating tulungan may matatalo sa game na 'to," malungkot niyang sabi.
"Hindi naman tayo ang nagdesisyon para roon," pagsagot ko.
Nakisama naman kami sa ibang kasamahan namin na nag-aantay sa iba. Ilang minuto nalang at tapos na ang game pero wala pa rin ang iba.
"Reiz, nakaligtas ka. Masaya akong makita na napatunayan mo ang sarili mo para sa sarili mo," masayang bungad sa akin ni Gavreel.
Ngumiti naman ako sa kaniya bilang pagsagot. Nag-antay naman kami hanggang sa matapos ang oras at isa lang ang huling nakatapos sa laro.
Nakatanggap naman kami ng mensahe mula sa master na magsama sama sa fountain pati ang mga natitirang wolves at sheeps dahil alas dose na ng madaling araw.
Mabilis naman kaming na kompleto at lahat kami ay nagtataka sa pwedeng mangyari. Apat sa mga wolves ang hindi naka kompleto sa misyon ngayong araw.
To: Everyone
From: Master
Subject: Everyone have to choose from this four players. The 2 player who will got the highest votes will be safe tonight and the other 2 players who got the lowest votes will be eliminated. You have 5 minutes to talk and after that voting will be start. Remember that voting will only takes 1 minute.
Nagulat kaming lahat sa mensaheng natanggap namin dahil kami na naman ang magdedesisyon kung sinong mamamatay at sinong mabubuhay. Mayroon na lamang kaming ilang minuto para makapagdesisyon at sobrang ikli nito para makapag-isip ng maayos dahil buhay ang nakasalalay rito.
Nakita ko namang nakikipag-usap sina Ayesha kay Trisha dahil magkakaibigan sila ngunit parang walang pag-asa ang mukha ni Trisha sa mga oras na ito. Mukhang unti unti na niyang tinatangap na hanggang dito na lamang siya.
Ganoon din naman ang tatlo pang lalaki na sina Patrick, Kristoffer at Royce. Lahat sila ay deserving na mabuhay at magpatuloy sa buhay ngunit kung hindi kami boboto sa ibinigay na oras kami rin ang mapapahamak. Habang tahimik ang bawat isa ay nag-iisip naman ako kung sino ang iboboto ko sa kanilang apat.
Alive: 21 Dead: 25