chapter 2

392 Words
Buong akala ng mga pulis kamaganak ni Belinda ang beke na kasama nya.Hindi kasi ito umalis sa tabi nilang magkakapatid nakaalalay ito sa kanila. Kaya ibinilin nito sa kanya ang dalawang magkakapatid.Si Belinda nadin ang nagdesisyong epa crimate ang mga magulang nya dahil ayaw nyang magluksa at makaramdam ng lungkot.Pinangatawanan nalang din ni Ramon ang pagaalaga sa kanila dahil awang awa sya dito.Pinabinta nya din ang bahay para hindi na maalala ang mga magulang.Naibenta nila ito sa halagang 500thousand kasama na ang lupa at ang mga gamit dahil nasa kalumaan nadin kasi.Gagamitin nila ang pera para makapagsimula ng bagong buhay.Plano nilang umuwi sa probinsya ni Ramon.Kaunting damit lang din ang dala ng magkapatid tag iisang bag lang pati na ang kay Ramon.Dumaan muna sila sa simbahan bago papuntang istasyon ng Bus.Pumasok sila sa loob .Lumuhod silang tatlo nasa gitna si Ramon. “Dyos ko ang daya mo sabay mong kinuha ang mga magulang namin,wala kang awa,sakim ka (binatukan sya ni Ramon sa ulo)Ang malakas na panalangin nya “Wag kangang magsalita ng ganyan sa Dyos Belinda,may plano sya sa inyong magkakapatid kaya tumigil ka.”ang saway sa kanya ni Ramon “Nagdadasal lang naman ako ah” “Ayusin mo kasi” “Oh sige ikaw na,ikaw nalang ang magdasal” naupo nalang ito sa upuan at sumimangot. Hinintay nya ang dalawang makatapos.Naglakad na sila palabas. “Mula ngayun ako na ang magiging Mama nyo kaya ,Mama nya ang itawag nyo sa akin Andrew at Belinda.” “Whee ang sagwa, ayaw ko...”ang pagtanggi ni Belinda sa kanya. “O sige ikaw nalang bahala kung anu itawag mo sa akin” “Mommy” “Yak mayaman kaba pangmayaman lang yun,”pangiinis pa nya “Tita” “Tito kasi lalaki ka” “Hay naku halikana nga Andrew hinahighblood ako sa kapatid mo”Hinawakan nya ito sa kamay at naunang lumakad “Sige Nanay Ramona nalang” (at niyakap nya ito sa likod). Please po ipangako nyo sa amin ni Andrew na hindi nyo po kami iiwan ....”at umiyak na ito “Hay naku Belinda,pinaiyak mo na naman ako,tayo na nga baka maiwan tayo ng Bus. Sumakay sila ng Bus papuntang probinsya .Tumira sila sa isa sa Baranggay doon.Sa Baranggay Isturis.Nagpatayo sila ng maliit na kubo.at samay labasan nagpagawa sya ng maliit na parlor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD