Sa dami ng mga bata doon sa baranggay nila nalibang si Andrew sa pakikipaglaro sa kanila.Samantalang si Belinda naman namulot ng mga kahoy na nagdadagsaan sa tabi ng dagat.Gagamitin nya ito sa pagluluto dahil magbibinta daw sya ng yema. Araw araw syang nagluluto at nilalako iyon.At ang kita nya nilalagay nya sa alkansya.Hindi naman na zero ng costumer ang parlor ng nagkupkup sa kanila kaya may pambili sila ng pagkain araw-araw.Pasukan na nagenrol sila sa paaral ng Isturis Elementary School.Patuloy lang sya sa pagluto ng yema,binibenta nya iyon sa mga kaklase nya.
Umaga pa silang gumigising na magkapatid para maglakad lang papuntang paaralan.Medyo lubak pa ang daan dahil hindi simentado.May dumaang kotse na kulay pula tumabi silang magkakapatid, Sakto namang nalusot ang sasakyan sa may tubigan at tumalsik sa kanilang magkakapatid.Halos ipaligo na nila ang putik,hindi manlang bumaba ang sakay nito para humingi ng paumanhin sa kanila.
“Hay naku naman ,hindi manlang nya binagalan ang sasakyan”ang nasabi nalang nya habang pinupunasan ang mukha ng kamay.Dumaan silang magkapatid sa may puso at naghugas duon ,mabuti nalang at may dala silang P.E uniform may ipinalit sila.
Nilabhan nya lang din muna ang uniform nila baka kasi magmantsa ang putik at sinampay sa sampayan malapit sa puso,dadaanan nya nalang paguwi.
Next morning naglalakad na naman silang magkakapatid .Dumaan na naman ang kotseng pula.Nang malapit na ito sa kanilang magkakapatid.Kumuha sya ng malaking bato at itinaas iyon,anu mang oras ibabato nya ito sa sasakyan pag sila na naman have ng tubig.Pero naalarma yata ng makita syang may hawak na bato dahan dahan itong tumawid sa may tubigan kaya ni hindi manlang tumalsik know tubig
“Ayos Ate Belinda,natakot ata sayo”natatawa pang si Andrew
“Buwesit na yan kahapon pinaliguan tayo”sabay bitaw ng hawak na bato.
Sa di kalayuan,tumigil ang sasakyan.Lumabas sa bintana ang ulo ng batang kaidaran nya rin.Nakangisi ito sa kanilang magkapatid.
Nagpatuloy silang naglakad papuntang eskwelahan .Hindi umalis ang sasakyan.Nung malapit na sila bumukas ang pintuan nito sa likod.
“Bata pasinsya ka na ha,nabasa ka kahapon,nagmamadali kasi kami ni Tito ,kaya mabilis takbo namin,sakay na kayo” Ang sabi ng bata pati ang tinawag nitong tito nakangisi nadin sa kanilang dalawa
“Wag na,ok lang sanay naman na kaming maglakad”
“Sige na iha makabawi manlang kami sa nagawa namin kahapon sa inyong dalawa ng kapatid mo”ang sabi pa ng tinatawag nyang tito
“Oo nga at saka ikaw may kotse kotsehan ako dito,ibibigay ko sayo pag sumakay kana,halika”pangungumbinsi pa sa kapatid nya .
Agad namang sumakay si Andrew sa sasakyan.Hinila pa sya nito.
“Ate sakay na sayang ang kotsekotsehan wala ako non,ang sabi pa ng kapatid nya.
Sumakay na nga sila sa sasakyan.Nagpakilala ang bata na si Leo,ang kasama ay si Tito Manuel nya.Nagkwento pa si Leo sa syudad daw sya nagaaral , itinuro ang bahay ng Lola nya sa lugar nila. Kung anuanu pa ang ikinuwento nito,Nang makarating sila sa school nila Belinda agad na ibinigay ang pangakong kotsekotsehan dito.Yun na ang naging simula ng pagkakaibigan nila.Tuwing sabado umuuwi si Leo,nagpapahatid ito sa bahay nina Belinda para maglaro,palagi lang nitong nakakalaro ay si Andrew.Minsan lang sya sumasali pag di tinutupak.
Nagkayayaan silang mamasyal sa may malaking bato sa may dulo.Umakyat silang tatlo,naupo sila.Nagharutan ang dalawang lalaki,hanggang sa napunta si Leo sa may gilid.Nadulas ang paa nya sa maliliit na bato kaya nahulog sya,mabuti nalang nakahawak ang isa nyang kamay sa may batong nakausli. Mataas pa naman sa bandang yon may mataas na bangin at malalim na tubig sa ilalim.Sumigaw na ito ng tulong,pati si Andrew nataranta narin.Lumapit si Belinda sa kanila.Pinahanap nya ng tulongsi Andrew.Parang bibigay narin ang batong hawak nya.Humanap ng patpat si Belinda para ibigay sa lalaki ang dulo.Pero nabali ito at pati si Belinda nawalan na rin ng balanse dalawa na silang nahulog sa mataas na bangin.Swerte naman at may nangingisda sa gawing yun,nakita nila ang pagbagsak ng dalawa.Sinisid kaagad sila at inahon sa tubig.Nawalan ng malay si Leo.Saktong pagbalik ni Andrew ay nasa bangka na sila.May mga kasama itong mga mangingisda din sa malapit.Hinatid na sila sa bahay ng isa sa mga mngingisda para masigurong dretsu na ang uwi nila.Sakto namang andiyan na ang sundong sasakyan ni Leo.Kasama pa ang Mommy nya,pinagalitan sya nito.Inisip nila na hindi na makakabalik pa ang kaibigan sa kanila.At nangyari nga iyon ,labis na nalungkot si Andrew.Pati narin si Belinda pero itinuon nalang ang attention sa pagaaral.
Nagaral sya ng mabuti .Pinangako nya kasi sa sarili na dapat makapagtapos sya para mabigyan ng magandang buhay ang kapatid at ang Nanay Ramona nya.Hanggang sa dumating nga ang pagtatapos nya sa elementarya.Nung nag high school kaliwat kanan ang pagsali nya sa mga search sa mga Baranggay,mas lalo na pag may cash na primyo numero uno talaga sya sa sumasali.Nanay Romana nya ang taga gawa ng damit nya,tagaayus at nagturo sa kanyang rumampa.Ang perang napapalanunan nila pandagdag pambili ng pagkain nila.Ang iba iniipon nya para sa pag college nya.