chapter 7

1975 Words
Dumating na ang bakasyon,tapos na ang whole year class nya.Nangungublema tuloy sya,wla na syang idadahilan na hindi maglagi sa bahay.Palagi pa namang wala sa bahay Nanay Ramona nila dahil palaging may raket ito sa ibang bayan kung minsan after 3days pa bago makauwi.Ang batugan nya namang boyfriend walang ginawa kundi uminom,at magdala at à pa ng mga barkada sa bahay nila.Ang ingay ingay pa naman kahit late na nagtatawanan parin sila.Hindi sya lumalabas sa kwarto nya,pati na din si Andrew nagkukulong sila sa kwarto nya.Naubos tuloy nila basahin ang mga aklat na nasa kwarto nya. Mas lalo pa syang nainis ng mag Ojt na ang kapatid nya ,Hotel and restaurant management kasi kurso nito kaya kahit first year palang ay may ojt na,sa ibang bayan pa naman ang nakaasign sa kanya,Isang motel yun na nagpapastay in ng mga istudyante. Humanap sya ng trabaho,kasi baka kung magtagal pa sya sa bahay na yun kasama ang jordan baka mapatay nya pa ito. Nagapply sya sa catering services. Sa ibat ibang lugar din ang mga event na siniservice nila.Noong una nasa kusina lang sya tumutulong lang sya maghiwa at maghugas ng mga plato,wala namang problema sa kanya yun dahil sanay naman sya sa mga gawing pangkusina, pero hindi nagtagal ginawa na syang waiter dahil sa hitsura nya,Ang dating uniform na nakamaong at t shirt lang ay pinalitan na ng maikling bistida.Medyo maliit pa naman nag size na available kaya napilitan syang magsuot ng bestidang medyo hapit na hapit sa katawan nya. Isang beach weeding event ang e cater nila doon nalang din sa tabing dagat lulutuin ang pagkain para fresh at mainit pa daw. Sinimulan na nilang e set up lahat.Pati mga pagkain naka serve na rin tumayo sya sa may likod ng mga guest maghihintay kung sino ang mangailangan sa kanila.Natapos na ang ceremony nagkakainan na din,sa may banda sa kanyang nakaasign na mesa ,may nagiinumang kalalakihan,palaging humihingi ito ng yelo sa kanya,nainis na sya nakatatlong pabalikbalik na kasi sya dun,nalulusaw lang din naman ang ice pinapabayaan lang nila .Dumating nadin ang mga girlfriend nila.May isa pang tumawag pa ulit ,pinapaligpit ang mesa nila,pinakukuha ang walang lamang bote.Agad nya namang pinuntahan iyon,nagulat pa sya ng hawakan ng isa ang pwet nya.Nabuhos nya tuloy ang baso sa kaharap na lalaki sa pagkagulat,nagalit kaagad ang gilfriend ng lalaki,humingi kaagad sya ng patawad,mabuti nalang nakiusapan nya,baka kasi lumaki pa nag gulo.Pagalis nya nagtawanan silang lahat may mga sinyasan pa sila.Nakipagpalit sya sa kasamahang waiters ,pasalamat naman sya at pumayag ito,nakita nya kasi ang nangyari.Pero hindi sya tinantanan ng nanghipo sa pwet nya sinundan pa sya nito hanggang sa kusina nila,Inambangan sya ng pabalik na, hinawakan ang kamay nya at ayaw bitawan,gusto daw makipagusap sa kanya,sa subrang inis nya pinaikot nya ang kamay ng lalaki sa likod.Nakita sila ng girlfriend nya akala nya niyakap nya ito sa likod,medyu madilim kasi kaya na misunderstood nya si Belinda,Sinugod nya ito at sinabinutan ,nagpumiglas sya kaya tumilapon ang babae sa sahig ,nagalit ng tudo ang babae,nagwawala na ito,nakaagaw ng pansin na sila sa mga bisita,pati manager nila lumapit narin, Dinala silang tatlo sa kusina para pagusapan ang nangyari.Agad nagsinungaling ang dalawa,kanya kanya silang diin kay Belinda.Pinasunod naman daw sya sa kusina nito,mga inakit pa sya,nilandi,ang girlfriend nya naman ng marinig yun,nagwawala na ,Nagsabi din sya ng side nya ,nagsabi pa sya na may witness sya para paniwalaan ng manager,pero mukhang sa side ng dalawa ito panig.Pinapahingi sya dito ng tawad,ayaw nyang gawin yun dahil wala naman kasi talaga syang kasalanan,pero pinilit talaga sya mg manager,may binulong pa sa kanya. Blogger daw kasi ang babae, at napaka social influencer kaya kahit hindi ko daw kasalanan magsorry ako dahil masisira ang catering services nila sa nangyari.Dahil sa malasakit nya sa mga katrabahong baka mawalan ng costumer,napilitan syang magsorry pero nang makuha ang swldo nya ngayong araw,nagresign na sya.Hindi nya deserve ang tratuhin ng ganon. Naghanap nalang ulit sya ng trabaho sa isang event organiser sya nakapasok.Ginawa sya nitong assistant.Mga bachelor party ang nahahawakan nyang event ang karamihan, malaki daw kasi ang bayad.Naging ok din naman kasi nagdedesign at tumutulong lang sya sa pag setup,pero ng mag1week na sya napilitan syang maging dancer sa loob ng box,dahil ang dancer nila ay nabuntis ng isa sa naging costumer nila.Wala na kasing pakialam ang organiser kung anu pa ang raket ng dancer basta ang sa kanya lang ay ang pagset up at ang pagsayaw lang, nasa usapan na yon ng dancer at costumer kung may ipapagawa pa. Isang araw lang ang training nya sa pagsasayaw ,sabak agad sya.Pagbukas ng malaking box magsasayaw na silang tatlo ng sexy dance, ang dalawa nyang kasama maglalapit na sa kalalakihan pero sya sa isang lugar lang,may isang lalaking lumapit sa kanya at namumukaan pa nya ang lalaking naging dahilan ng pagresign nya.Lapit ito ng lapit sa kanya,layo naman sya ng layo,nagsisigawan na tuloy ang mga kalalakihang anduon ang dalawa nyang kasama hindi na nya nakita pa,Hinila sya ng lalaki papasok sa room nito,hindi sya makagalaw at makahindi,bukod kasi sa subrang taas ng takong nya ang daming lalaking nakatingin sa kanila baka panimulan na naman yun ng gulo.Naipasok sya ng lalaki sa hotel room nito.Dito na sya kumilos, agad nyang sinipa ang lalaki,nong dati pa nyang gustong gawin yun nong nagkagulo pa sila,pero hindi sya nabigyan ng pagkakataon ,sinipa nya pa ito ulit,natumba na ang lalaki at namimilipit na sa sakit.Hindi pa sya nakuntinto,kinuha nya pa ang kumot at tinali ito,Hinubad na nya ang takong nya at kinuha ang maskara nya sa mukha,makati kasi iyon puro ibat ibang kulay ng balahibo,naglakad na sya palabas ng lobby papuntang elevator.Binilisan ang pagpindot dun ng makitang may dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto ng lalaking binugbug nya.Mayamaya pa lumabas na ang isa sa kanila.Papunta na sa kanya ,sinigi nya pa ang pagpindot,bumukas na rin ito,tumakbo na ang lalaki papunta sa kanya.Swerte namang naisara na iyon bago pa ito nakarating .Tuloy tuloy sya sa ground floor .Nagpalingat lingat sya sa mga sasakyan ,nagbabakasakaling hindi pa nakauwi ang organiser nila,pero wala na ito,nadala kasi nito ang paper bag nya na may lamang damit .Nadala nong nagligpit na sila,nasa loob na kasi sya ng kahon ng makitang bitbit na nya iyon palabas andon lahat gamit nya. Paano pa sya ngayon uuwi e halos kita na kaluluwa nya sa damit nya,parang underwear lang ito na nilagyan lang ng mga beeds at kung anung kumikintab na bagay. Naglakadlakad pa sya ,may bumukas ng elevator sakay na nito ang lalaking naghahabol sa kanya.Nagtago sya sa malaking sasakyan.Palingatlingat ang lalaki sya ang hinahanap.Bumukas ulit ang elevator sakay na naman ang 2 lalaki na isa duon ang lalaking binugbug nya.Tatlo na ang naghahanap sa kanya ngayon.May nakita syng may umilaw na sasakyan sa bandang pinagtataguan nya ,pasimple syang pumunta duon,hindi pa nakakaalis iyon mukhang may ginagawa pa sa loob dahil mukhang may loptop pa itong hawak na nakabukas,try nyang buksan ang pinto,nagbukas yon,hindi nakalock,pumasok na sya at naupo.Tiningnan sya ng driver,nagulat pa sya ng pagtingin nya familiar na mukha ang nakita nya.Ang kinaiinisan nyang teacher,si Sir Mikael nya. “Sir tulungan nyo po ako may naghahabol sa akin.” Nagpalingat lingat ang teacher nya,nakita nito ang tatlong lalaking, naghahanap sa mga sasakyang nakaparada at sa mga malalaking poste “Nakita nyo na ba”ang sabi ng binugbug nya “ Wala” ang sabi ng kasama nyang dumating,suminyas din ng wala ang isa pa sa di kalayuan. “Ang buwesit na yun nangbugbug pa e nabayaran na”ang dagdag pa nito “Bilis don!!!!, sa may labasan baka hindi pa nakakalayo yon,”ang sabi pa ng isa. Binuhay na ni Mikael ang makina ng sasakyan at umalis na palabas ng parking lot.Nang makalayo sa hotel ,itinigil nya ang sasakyan at hinarap ang babae.May kinuhang puti na polo sa may likod nito at ibinigay sa kanya.Agad nya namang sinuot iyon “Oh Belinda anu bang nangyari” Tanong nya sa babae “Ah trabaho lang po,salamat po sa pagtulong nyo sa akin,mabuti nalang dumating kayo,ningitian nya pa ang lalaki “Tingnan mo nga sarili mo Belinda,akala ko tabas lang ng dila mo ang hindi maayos,pati pala buhay mo,akala ko hanggang pagbibenta ka lang ng kung anu-anu sa school,pero hindi ko ini expect na pati katawan mo ay for sale nadin” “Wag ho kayong magsasalita ng ganyan kung hindi nyo alam ang tunay na nangyari” “Diyos ko Belinda sa ayos mo kanina,hindi mo na madedeny na prostitute ka” “Hindi nga ako prostitute” “Prostitute ka Belinda” Nainis na talaga sya sa lalaki kaya sinampal nya ito ng malakas at dalidaling lumabas sa sasakyan.Kahit alam nyang delikado ang lugar na iyon dahil walang ilaw,naglakad parin sya ng nakapaa.,kesa naman marinig pa ang pangiinsulto ng teacher nya.Muling binuhay ng lalaki ang sasakyan pero nilagpasan pa sya nito.Nagpalingat lingat sya sa paligid mukhang wala talagang tao na,late nadin kasi.At umiikot na paningin nya mukhang umaapikto na ang alak na ininom nya.Uminom kasi sya kanina para may lakas ng loob na sumayaw ng sexy dance.Sumasayaw din naman sya dati sa mga search na sinasalihan nya,pero hindi ganon kalaswa,at hindi ganon ang damit nya.Bumuhos pa ang malakas na ulan,nagpatuloy pa sya sa paglalakad,dala na siguro ng kalasingan hindi nya napansin ang bato sa may gilid ng kalsada.Nadapa sya, dumugo kaagad ang kuko nyang bumangga sa bato nagasgasan na din ang kamay nya dahil ginawa nyang pantukod para hindi sya matumba,mukhang mahihirapan na syang maglakad.Pinilit nya paring makatayo.Pero mukhang tinamaan nya sya talaga sa alak,sumasakit na ulo nya,sumuka na rin sya.Masakit narin ang mata nya,mahapdi sa ulan at tsaka,mukhang pipikit na talaga.Naupo nalang muna sya.May biglang tumigil na sasakyan sa harapan nya.Nagmadali syang tumayo,para humingi ng tulong dito.Pero nakalimutan nya atang masakit ang kuko nya sa paa at masakit na din ulo nya kaya natumba na sya,nabangga ata ulo nya sa may headlight ng sasakyan,nawalan na rin sya ng malay. Nagising sya kinabukasan sa malambot na higaan,napabalikwas sya ng bangon ng mapansing wala sya sa kwarto nya,nakausot pa sya ng robe lang walang underwear na suot.May nakabenda na sa paa nya mukhang ginamot din ang kamay nyang may gasgas may nakalagay na bandaid ang ulo nya may gasa na rin.May bumubukas sa pintuan ng kwarto kaya bumalik sya uli sa pagkahiga sa kama.Nagkunwari syang tulog .May inilapag ito sa kama na paperbag,pinitik pa nito ang pagitan ng mga kilay nya. “Bangon Belinda,tama na ang pagtulogtulogan mo dyan akala mo di ko alam na gising kana”sabi nito sa kanya.Familiar na boses ang narinig nya kaya idinilat nya ang mga mata. “Sir kayo po pala”nginitian nya pa ito ng ngiting aso at naupo sa kama “Damit yan kaya isuot mo na” “Ah sir kayo po pala ang nasa sasakyan kagabi,bumalik po pala kayo”. “Oo hindi kasi kita matiis baka kung anong mangyari sayo” “Ah sir , kayo po ba nagbihis saakin”?tanong nya pa dito “Sino pa ba “ “So nakita nyo na katawan ko” “Wag kang magalala pumikit naman ako” “Sir “ kinuha pa nito ang unan at sinubsub ang mukha sa sobrang pagkapahiyang nararamdaman “Magbihis kana ihahatid na kita sa inyo( naglakad na ito papuntang pintuan) Nagmadaling nagbihis si Belinda,hindi na sya naligo.Agad na syang hinatid ni Mikael sa kanila. Tinawagan nya ang event organizer nila na si Lilia .Idinaan pala sa bahay nya ang gamit kagabi.Sinagot naman ng boss nya ang tawag, “Maam pasinsya na po kayo sa ginawa ko kahapon sa costumer” “Saan don ang pagbugbog mo sa costumer,ok lang yun” “Hindi po ba kayo galit “ “Ok lang yun pinilit kasi kitang maging dancer,hindi mo naman linyahan yun,wag ka nang magalala ako na magaayus non,at wag ka na rin munang pumasok wala naman tayong event” “Ok maam salamat po”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD