chapter 8

1138 Words
Wala na naman syang trabaho. Lumabas sya para magluto ng almusal.Naghiwa sya ng sibuyas na ilalagay sa itlog,Lumapit sa kanya si Jordan. “Long time no see Belinda ah” Hindi nya iyon pinansin,patuloy lang sya sa ginagawa nya. “Belinda baka pwedeng matulog muna tayo,ang sarap matulog ngayong mainit”. Hindi nya parin pinansin ang lalaki “Halika na”hinawakan pa ang kamay nya, “Bitawan mo ako kung ayaw mong masaksak ng kutsilyo “Sus kunwari ka pa ,halika na kasi pakipot kapa”Dag dag pa nito na ayaw bitawan ang kamay nya.Sinipa ang kamay nanakahawak sa kanya.Agad namang binitiwan ang kamay nya. “Wag muna man sanang sagarin,pasinsya ko jordan,tigilan mo na nga ako”sabi nya pa sa lalaki Kumuha ito ng mahabang gulok sa ilalim ng lababo “Ngayon tingnan natin kung hanggang saan ang tapang nito”sabay taas ng gulok na hawak. Hindi naman sya inurungan ng babae,nakahanda na ito sa pagatake ng lalaki.Ganong sitwasyun sila naabutan ng Nanay Ramona nila. “Anong ginagawa nyong dalawa,nagpapatayan,ganyan pala kayo pagwala ako”Sabay nilang ibinaba ang kutsilyo at gulok na hawak. Nagpatuloy si Belinda sa paghiwa ng kamatis.Pinakalma naman ng lalaki ang Nanay Ramona. “Tanungin mo yang anak anakan mo ngayon lang yan umuwi Inaaway pa ako,Tingnan mo tong kamay ko sinipa pa nya”Sumbong pa nito sa Nanay Ramona nya “Belinda ngayon ka lang ba talaga umuwi,”tanong nya sa dalaga “May trabaho po ako Nay,para atleast po makatulong sa inu kaysa sa iba dyan gabigabi umiinom ang iingay pa ng mga barkada,sa umaga tulog lang ang ginagawa” “Bakit Belinda pera mo ba ang pinangbibili ko ng alak,hindi naman ah” “Hindi nga perang pinagpaguran yun ng Nanay at tsaka Nanay yung pambayad ng kuryente hindi po nabayaran may disconnection na po tayo,wag po kayong magugulat kung black out kayo ang kapitbahay may ilaw.” “Hiniram ko lang babayaran ko rin may raket Ako mamaya,wag kang magalala Belinda” Binuksan na ng lalaki ang dala ng Nanay na.Sya naman naupo na sa mesa ,pagkaluto ng hotdog at itlog na niluto, “Belinda may pasalubong ako sayo carbonara,diba paborito mo yan”inilapag nya iyon sa mesaat naupo sa harap nya “Sige ok lang po sakto na sa akin tong niluto ko” pagtanggi nya “Kung ayaw wag na pilitin ,akin na yan ako na ang kakain”kinuha nito ang nakastyro na pagkain at mabilis na kumain. Nawalan na sya ng gana pa.Hindi na inubos ang pagkain at tumayo na at pumasok sa kwarto,Hinawakan sya ng Nanay nya sa kamay. “Belinda please naman oh,wagnaman sana kayong magaway ni jordan,igalang mo naman sya.”ang pakiusap sa kanya ng Nanay Ramona nya Hindi na sya sumagot dito.Inalis nya ang kamay na hawak ng Nanay nya at dumiretsu na sa kwarto.Kahit masakit pa ang paa ,pinilit nyang makalakad,Nagligpit ng ilang pares ng damit at ipinasok sa bag.Maghahanap sya ng boarding house.Paalam nya lang na maghahanap ng trabaho.Nakaghanap nya sya ng murang maliit lang na boardinghouse,sakto lang talagang pangisahan,nasa labas din ang cr at lababo.Hindi na sya nagaksaya pa ng oras,iniwan nya ang dalang bag sa boardinghouse at lumabas na.Paika-ika na syang maglakad,malayu layu narin kasi ang naikutan nya.Pumasok nalang muna sya sa isang mall para makaupo,sakto namang may nakita syang poster doon,naghahanap ng merchandiser/promo girl ng lotion.Nagaaply sya kaagad,swerte namang natanggap sya kaagad,mabuti nalang maputi sya at walang kung anomang piklat o balat sa legs nya.Tinago nya lang mabuti ang sa ulo nyang galos kinapalan nya ang makeup duon at ang sa kamay nya palagi lang nakatikom iyon.At tiniis nya lang muna ang sakit sa kuku nya ng pinalakad sya ng naginterview,mabuti nalang sanay syang magrampa.Nang makalabas sa pinaginterviewhan naupo sya sa hagdan,dumudugo na pala ang kuko nya,halos maiyak iyak na sya sa sakit.Pumunta sya sa malapit na botika at bumili ng pain reliever at betadine na din at bandage.Bukas pa naman na sya magsisimula,siguradong pasusuotin sya ng mataas na takong at buong araw na tatayo don sa pwesto nya.Nagdisesyun na muna syang umuwi sa boardinghouse para maipahinga ang paa.Pagdating nya nilinisan nya ang sugat at nilagyan ng betadine at nahiga na.Hindi nya na namalayan na nakatulog na pala sya.Nagising sya sa matinding tawag ng kalikasan,ihing ihi na sya,nagmadali syang lumabas at pumunta sa cr,nang makalabas may nasalubong syang familiar na mukha si Erwin,binati sya ng lalaki. “Belinda nag boboard ka rin dito”tanong nya “Oo” “Ah”napanu yang paa mo?tanong nya pa habang nakasunod sa kanya .Nagulat pa sya ng hanggang s akwarto nya ay sumunod pa ito,naupo ito sa maliit nyang kama na nakadikit sa pader. “Wala kang dalang maraming damit,siguro naglayas ka”sabi sa kanya ng lalaki “Hindi ako naglayas” “Ok sige,sabi mo e”tumayo na ito at lumabas. Hindi manlang ito nagpaalam sa kanya.Isinara na nya ang pinto.Mayamaya pa may kumatuk.Bumalik ito maydalang sinigang na baboy at kaldero ng rice cooker.Tuloy tuloy itong pumasok inilapag ang dalang pagkain at ang maliit na storage box na may lamang pinggan,kutsara at baso sa maliit na mesa. “Belinda kain,alam ko gutom ka,niluto ko ang ulam tikman mo. Nagulat sya sa inasta ng lalaki “Erwin,hindi tayo magkaibigan at hindi din tayo close bakit ganyan ka”paninita nya pa dito. “Oo tama pero nahalikan na kita”ngumiti pa ito sa kanya “At isa pa yun wala kang karapatang halikan ako dahil hindi kita boyfriend” “Pero nahalikan na kita,at hindi ko pinagsisihan yun.Belinda kumain ka na nga ikaw na nga tong pinapakain kaw pa tong galit. Dahil sa gutom na rin dahil kanina pa syang tanghali di nakakain.Kumain na rin sya.Nagkwentuhan silang dalawa.Masarap pala kakwentuhan ng lalaki.Sabik daw talaga sya sa kausap dahil libro araw araw ang kaharap,nagrereview kasi saya dahil sya ang exchange student ng school namin para makapasok sa last year nya sa isang sikat na school sa America. Puro na lang sya aral,kahit na dating sa elementary palang,kaya wala ni isang gustong makipagkaibigan sa kanya.Kaya lubos ang pasasalamat nya ng magka board sila,para daw may makausap sya.Gwapo ang lalaking to,kaya lang kasi hindi lapitin ng babae dahil tahimik at mukhang minsan lang din kung ngumiti.Pagkatapus nilang magkwentuhan ,pinapauwi na nya ang lalaki,pero ayaw parin nitong tumigil,nagoopen na naman ng topic,daldal ng daldal,hinawakan na nya ito sa kamay at hinila sa pinto. Nagring ang cellphone nya,may tumatawag ang teacher mikael nya ,hindi nya yun sinagot,ayaw nya pa kasi itong makausap.Sunod nagtx ang Nanay Ramona nya.Nagdahilan na lang syang may trabaho,late na ang out kaya ,hindi na sya makakauwi makikitulog nalang sa katrabaho.Hindi ito pumayag kung anuanu pa ang sinasabi.Hindi na nya ito nireplayan pa nagtatampo parin kasi sya.Nilinis nya nalang ang sugat sa kuko at nilagyan ng gamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD