chapter9

3124 Words
Kinabukasan maaga pa syang nagising at naligo.Pumunta sya sa hr at kinuha ang uniform nya.Tulad ng inaasahan masyadong maikli at hapit sa katawan ang uniform nya.Labas tuloy ang mahaba at mapuputi nyang hita.tinirnuhan pa ng 3inch na sandals kulay orange yun dahil Papaya lotion ang ipropromo nya.Nilagyan nya na lang ng bandaid ang kuko para hindi sumakit,at uminom pa ng pain reliever para makapagtrabaho ng maayos.Ginandahan nya rin ang make up nya. Halos 4hours na syang nakatayo,isang kahon na din ang naubos nya,hindi na din masama,ang dami nyang nakumbinsing bumili,sinabi pa nya na 1week lang gamit nya pumuti sya agad,e dati naman talaga syang maputi at makinis.Umikot ang Ahente nila,chineck ang product natuwa ito ng makitang naka1box na sya sa 4 hours palang,sinabihan pa sya na may porsyinto sya sa bawat box na maibibinta,nainspired tuloy sya.Mas lalo pa syang ginanahan pati lalaki kinumbinsi na nya.Nagulat pa sya ng may lalaking nakumbinsi nya na hindi sumagot,tawa lang ng tawa sa kanya.Si Leo pala naka mask kasi ito at nakasumbrero kaya hindi nya nakilala. “Grabi ikaw na ata ang reyna ng rakets,lahat ng raket sinusubukan mo,pati tong pagbibinta ng lotion pinasok mo,sige dahil magaling kang mangumbinsi bibilhin ko isang box,kaso sabi mo ibigay ko sa girlfriend ko,e wala naman akong girlfriend” “Talaga isang box,ayus yon,ibigay mo nalang sa katulong nyo,mayaman ka naman.,sandali lang aayusin ko ang bibilhin mo. Pagkalagay ng lotion sa box, bubuhatin na nya sana ito dadalhin s acounter kaso kinuha ito ng lalaki sa kanya.Inabangan nya ang resibo ng lalaki kaya sinabayan nya ito,pagkakuha nito nagout na sya ,8hours nakasi sya nakita na nya ang papalit sa kanyang promo girl din.Nang makalabas nagulat pa sya ng may tumawag sa pangalan nya si leo sakay na ng motor nya nasa likod nadin nakatali ang box ng lotion.Sinakay sya nito ,dumaan sila sa isang fastfood chain,hindi na sya nagpakemi kemi ,hindi kain ang ginawa nya kundi lamon.Hindi kasi sya naglunch kanina at wala ding breakfast,medyo hapit din kasi uniform nya. “Grabi ang liit ng tyan mo pero ang dami mong kain,hindi ka ba naglunch kanina?tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na sya nakasagot tumango lang,Sya.Hinatid pa sya ng lalaki sa boarding house nya.Hanggang sa kwarto pa nga dahil binigay sa kanya ang lotion na binili ng lalaki. “Ang liit naman nitong kwarto mo”ang sabi pa ng lalaki “Ok lang yan ,sige salamat” Umalis na rin ito.Nagring ang cellphone nya.Kinuha nya iyon at sinagot,ang kapatid nyang si Andrew ang tumatawag.Sabi nito na matatapus na ang Ojt nya kaso ayaw nyang umuwi ng bahay,maghahanap nalang daw muna sya ng trabaho.Nagsabi sya na tutulong sya sa paghahanap at doon nalang din muna sa boardinghouse nya ito pauuwiin.May tumawag na namang ulit ,akala nya kapatid nya pa kaya,sinagot agad, “Oh bakit Andrew” “Andrew,sinong andrew, boyfriend mo?ang sunod sunod na tanong ng sa kabilang linya, Tiningnan nya kung Sino ang nakaregistered,si SirMikael nya pala “Ay sir kayo pala,akala ko po kasi kapatid ko pa ang tumatawag. “Kapatid mo yung Andrew?” “Yes sir,bakit nga po pala kayo napatawag?” “Ah may trabaho akong ioofer sayo,waiter sa kaibigan ko,gusto mong magapply” “Ah sir may trabaho na po ako,nagstart na ako kanina,pwede po bang kapatid ko nalang po ang tulungan nyong makapasok,naghahap din po sya” “Anu na namang trabaho ang napasukan mo,baka mapahamak ka na naman” “Ah hindi Sir promo merchandiser po ako sa mall ng lotion” “Sige kung ganon,kapatid mo nalang ipapasok ko sa kaibigan ko.” Kinabukasan nga umuwi si Andrew sa boardinghouse niya,hinintay nitong makatapos ang duty nya at pinuntahan nila si Sir mikael,dinala sila nito sa kaibigan nya.Natanggap naman kakagad ang kapatid nya,magsisimula na ito bukas. Naging abala silang magkapatid sa trabaho nila.Gabi na sila nakakauwi.Nagulat pa sila ng patulog na sana sila ng may kumatok sa pinto.Ang Nanay Ramona nila. “Bakit hindi nakayong dalawa,umuuwi ng bahay(bungad nya agad ng mapagbuksan ni Andrew).Kung hindi pa kita pinuntahan sa pinag ojthan mo hindi ko malalaman na matagal na palang tapos yunat kung hindi ko pa pinilit ang kaibigan mong si Noli hindi pa sya magsasabi kung asan kayong dalawa.” Nagkatinginan silang dalawa.Pinaupo muna nila ang Nanay nila ,umiiyak na din kasi ito. “May galit ba kayo sa akin”?tanong nya pa sa dalawa. “Wala po” “Magsabi nga kayo ng tutuong dalawa” “E Nay si kuya Jordan po kasi binabastos si Ate,kung hindi ngalng siguro yan marunong mag taekwondo baka na rape na nya e”ang paliwanag ni Andrew “Tutuo”tanong nya kay Belinda.Pero tumango lang ang dalaga. “Bakit hindi kayo nagsabi sa akin” “Nay nakikita ko kasi na masaya kayo pag kasama sya,wala kasi akong hinangad kundi ang maging masaya ka,kaya pinili ko nalang lumayo kesa mapatay ko ang jordan na yan. Ang sabi naman ni Belinda. “Anu ba kayo,mas importante kayo kesa sa kanya kaya mga anak palalayasin ko sya,bumalik na kayo sa bahay” “Hindi na Nay ok lang po kami ni Andrew dito,kailangan po ninyong isipin din sarili nyong kaligayahan,buong buhay nyo kami ang inaasikaso nyo at iniintindi,kaya ok lang po talaga kami.ang dagdag pa ni Belinda “Oo Nay ,malalaki na po kami,kaya na naming buhayin ang sarili namin,You deserve to be happy”ang sabi din ni Andrew sa kanya “Talaga lang ha,hindi kayo galit sa akin(lumingo ang dalawa)pero miss ko na kasi kayo”at niyakap pa ang dalawa. “Dalawin nyo nalang po kami dito” “Ok sige,magiingat kayo ha,ang lalaki na ng mga anak ko,” Nag kwentuhan pa silang tatlo.Bago nila inihatid ang Nany nila palabas. Kinabukasan nka duty na naman ang dalawa,naging abala na naman sila. Nang pa out na sya may nakita syang lalaking familiar sa kanya ,nagaabang ito ng masasakyan.Mayamaya nga may humintong jeep sa harapan nya.Kahit na nga hindi ito ang pauwi sa boardinghouse nya ay sumakay sya sa jeep,sinundan nya ang lalaki.Huminto ang jeep,bumaba ang lalaki,bumaba din sya.Pumasok ito sa may iskinita.Sinundan nya ito ,pumasok ito sa maliit na bahay.parang barong barong,dahil sa tagpi,tagpi nitong dingding.Sumilip sya ng maisara nito ang pintu-an,may nagiinuman 3 sila nagtatawanan at nagkukwentuhan.Umalis na sya at umabang ng tricycle sa may labasan.Isa ang lalaking yun sa pumasok sa bahay nila at pumatay sa mga magulang nya,hindi nya makakalimutan ang mukha ng lalaking yon.Pumayat lang at nagkaruon ng kunotkunot ang noo pero ,natatandaan nya parin. Next day ,nagduty pa sya,kinagabihan nagsabi sya sa kapatid na may pupuntahan lang.Nagsuot sya ng jacket na itim pantalon na itim,sumbrerong itim at nag facemask ,pinuntahan nya ang lalaki sa bahay nito.Sya lang magisa ngayon,nagluluto ito ng pakbit.kumuha na sya ng panyo at nilagyan ng pampatulog iyon ,dumaan sya sa likod at dalidaling tinakip sa ilong ang panyo bago pa ito makalingon ng maramdaman ang presinsya nya.Agad itong nawalan ng malay itinali nya ito sa upuan .Ang dalawang kamay nya at mga paa.Hinintay nya itong magising.Tinalian nya rin ang baba nito para hindi makasigaw. Nagising ito ng isaboy nya sa mukha ang isang basong tubig.Nagpupumiglas ito ng makita sya .May hawak pa syang malaki at matalas na kutsilyo.May ipinakita syang litrato sa lalaki.Litrato iyon nilang maganak. “Natatandaan nyo po ba ang mga mukhang ito.? Tinanggalan nya ng takip ang baba nito.Ipinuwesto nya din ang kutsilyo sa tiyan ng lalaki. “kung sisigaw ka babaon sa tyan mo tong kutsilyo”banta nya pa sa lalaki.Tumango,tango lang ang lalaki. “Oo natatandaan ko yan,pasinsya na ,nakadruga kami ng mga kaibigan ko,kaya nagawa namin sa pamilya ang krimen,patawarin mo na ako,habang buhay kong pinagsisihan ang nangyari,At tsaka hindi ako pumatay dun sa magasawa,Si Sir Albert,maawa ka....maawa ka.....” “Pero kasama ka pa rin diba ?at sinong albert yun,sabihin mo?”ang galit na nyang sabi sabay taas ng patalim papuntang leeg. “May picture ako dyan sa ilalim ng higaan ,andyan sya “ Pinuntahan nya nga ito at may nakitang 5 magkakaakbay na lalaki,isa sya sa mga iyon. “Asan si Albert na sinasabi mo” “Ang naka kulay red na pulo,sya yan”sabi pa nya sa babae “kayo ba lahat ang nandito ang pumasok sa bahay? Hindi ito sumagot.Inilagay nya naman ang kutsilyo sa leeg ng lalaki “Oo kami yang lahat,pero maawa ka ,si Sir Albert lang ang pumatay sa magasawa” Ibinalik na nya ang takip sa baba ng lalaki at naglagay ulit ng gamot na pangpatulog sa panyo.Pinatulog nya na naman ito. Kinabukasan ,maaga pa syang gumising para pumasok sa trabaho,ganon nadin ang kapatid nya. Dinalaw pa sya ni Leo sa mall,at hinintay pag out nya,kumain sila sa labas at nagyaya ito na manasyal sa park.Umupo sila sa isa sa mga upuan duon,nagpaalam ang lalaki na bibili daw ng candy .Sya naman nakakita ng Dyaryo sa upuan,kinuha iyon para hindi mabagot. Isang nagngangalang Delfin Alvares ang nakitang patay sa bahay nya ,punong puno ito ng saksak sa tiyan at nakatali pa ang mga paa. Napasmile sya sa nakita sa dyaryo, “Bakit ka nakasmile e may p*****n sa news”ang sabi ng lalaki na nakasilip na pala sa binabasa nya. “Ah wala,hindi naman ang p*****n ang binabasa Ko, ang nasa ilalim,ang zodiac sign ko “pagsisinungaling pa nya. “Ah ganon ba”,sabay alok ng candy sa kanya. Ihahatid na sana sya ng lalaki ng may tumawag dito .Si tito Ivan nya daw.May pinadadaanan s akanya .Nakiusap sya sa babae na kung pwede unahin muna nila yun bago sya nito ihatid.Nang makarating sa bahay kumatok sila sa gate,pinapasok sila ng katulong,umakyat na din sa taas ang katulong para tawagin ang tito nya.Nagpaalam si leo na pupunta lang muna sa Cr naiwan sya sa Sala.May nakita syang picture na katulad ng ibinigay sa kanya ni Delfin .Magkaparehong , magkapareho iyon.Naka frame lang at malaki ang sa Salang nakikita nya.Nagulat pa sya na isa ang nasa litrato ang pababa na ng hagdan. “Oh hi”bati nito sa kanya “Good evening Sir,nagCr lang po si Leo,ako po si Belinda kaibigan ni Leo” “Ang ganda mo naman iha” “Salamat po” “Hi tito Ivan ang bati ni Leo ng makalapit ito sa kanila” “Hi ang ganda nitong kaibigan mo ah,nililigawan mo ba” “Tito,sana nga e,pero mukhang wala ata akong pagasa kay Belinda Ngumiti pa sya kay Leo,hindi na nagsalita. “Ay yung pinapadaan ko pala sayong ulam,sigurado ako magugustuhan ito ng Mommy mo ,sandali lang kukunin ko. “Sige po,. Ang sagot ni Leo. “Leo,kaibigan tong mga to ng Tito Ivan mo”sabay turo ng mga larawang nasa frame. “Oo mga kaibigan yan nila ni Papa” “Papa mo “ “Oo ang naka polo shirt ng pula ,Papa ko yan ,ang naka green si Tito Julio ,ang naka yellow si Tito Delfin ang dating driver namin,pero nakita ko kanina sa dyaryong hawak mo na patay na sya,hindi ko lang alam kung alam na yan ni Tito Ivan, naka purple naman na yan si Tito Lando daw yan,hindi ko pa yan sya na meet” “Ah ganon ba “ ang sagot nya nalang sa lalaki,hindi sya makapaniwala na ang sinasabing Albert ay Papa pala ni Leo,hindi nalang sya nagtanong pa,baka makahalata na ang kaibigan. Dumating na nag tito Ivan nya bitbit ang malaking Tupperware ng kare-kare. Binigay nya ito kay Leo “Salamat Tito,ay nakita ko nga pala kanina sa dyaryo na patay na po si Tito Delfin,alam nyo po ba yon? “Ha hindi ko alam anung ikinamatay nya. Nagkwentuhan pa ang dalawa ,hindi na nakinig si Belinda,nagpalingat lingat sya sa loob ng bahay.Mukhang mahihirapan sya pag pinasuk nya ang bahay,mukhang may Cctv din ito.Nagulat pa sya ng tinawag na ni Leo ang pangalan nya.Uuwi na daw sila.Nagpaalam na ang dalawa. Agad syang hinatid ng lalaki sa boarding house nya.Agad namang nagbihis ng pantalon si Belinda at lumabas ulit. Kakalabas nya lang nang may tumawag sa pangalan nya.Si leo pala bumalik ,nakalimutan ang cellphone nya sa bag nito.Umakyat sya ulit at kinuha ang cellphone ng lalaki.Nagtaka pa ito,dahil mukhang may pupuntahan pa ang dalaga.Kaya nagtanong sya,bibili lang daw sya ng napkin sa botika,pagdadahilan nya.Mukha namang nakumbinsi ang lalaki at umalis na.Itinuloy na ni Belinda nag plano nya.Pumatay sya ng dalawang daga at ipinasok sa box nagsulat pa sya at iniwan sa harap ng Gate ng Tito Ivan ni Leo.nilagyan nya pa ng ribbon at note na para kay Ivan Multifalco.Nag doorbell sya.Hinanap nya ang blindspot ng Cctv nito,para hindi sya makita.Maya,maya pa may lumanbas na para e chick kung sino ang nasa labas.Isa sa mga katulong nila.Ibinigay nya iyon s a boss nya.Wala manlang kalhating oras may dumating na mga pulis . “Natakot ata agad ang mokong ah tumawag na ng pulis,”nasabi nya nalang sa sarili at umalis na baka makita pa kasi sya ng mga pulis. Kinabukasan pumutok ang balita,namatay dahil sa takot ang negusyanteng si Ivan Montifalco.Ipinakita sa Cctv ng kwarto nya na mukhang takot na takot ang lalaki .May tinitingnan sa may bubungan .Ayon sa pagimbistiga ng mga pulis may nakapasok nga na dumaan sa bubungan ng bahay.Nasa labas lang kasi ng kwarto ang mga pulis nakabantay at sa paligid ng bahay.Pulido ang pagkagawa ng krimen walang naiwang ibidensya ang suspek.. Hindi na muna sya pinuntahan ni Leo kinabukasan, nagtx pa sa kanya na andon daw sya sa burol ng Tito Ivan nya.Nagoffer namn sya na sasamahan daw ang lalaki,dadamayan pero ang tutuo,magbabakasakali syang makita duon ng Papa ni Leo at ang dalawa pa nitong kaibigan,kaya dinaanan sya ng lalaki sa mall .Pagdating nila duon tudo iyak ng asawa ng namatay at ang mga anak nito.Nagsuot sya ng itim na bistida,si leo din ay naka long sleeve na kulay itim din.Pati si Leo sa tabi nya ay naiiyak narin,hinimashimas nya pa ang likod ng kaibigan.Mayamaya pa ang hinihintay nya ay dumating na ,Si julio,ng makita nito si Leo,yumakap agad ito sa kanya at tinanong kung uuwi ang Papa nya. “Hindi po sya makakauwi, nagkaproblema daw po kasi sa kumpanya namin duon,kaya malabo po talagang makakuwi si Papa” “Ah ganon ba tumawag din sakin si Lando,di din daw makakauwi manganganak asawa nya sa Paris.Hay naku nakakabigla naman ang pagkamatay ni Ivan, “Oo nga po e” “Sige iho pupuntahan ko na muna tita mo Salve” “Sige po” Tiningnan nya lang si Belinda sa gilid at pumunta na sa asawa ng namatay,nakipagusap ito at niyakap pa ang Ginang.Tumagal pa sila duon may kumausap na naman kay Leo,hinayaan nya nalang,kamaganak nya siguro ang sa isip nya.Biglang tumayo si Leo ng nagring ang Celphone nito.Naiwan sya sa upuan magisa.Biglang tumayo din si Julio,mukhang uuwi na ito dahil nagpapaalam na, Sinundan nya iyon,hindi na sya nagpaalam pa kay Leo,dahil mukhang matagal pa ito matatapus sa pakikipaguaap sa cellphone.Sumakay ang lalaki sa sasakyan.Sa di kalayuan huminto ito,may pinasakay na isa pang lalaki,malayo na kasi kaya hindi nya makita.Bumalik nalang sya sa harap ng funeral homes.Wala syang napala sa pagsunod nya kay julio.Tumayo lang muna sya dun,nakatingin sa mga taong labas pasok,naisip nya na panu kaya kung hindi nya pina cremate ang labi ng mga magulang nya,ganyan din kaya kadaming tao ang makikiramay. Hindi nya na namlayang tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata.Sumariwa na naman ang sakit na nararamdaman nya. “Uy ok ka lang”sabay tabig ng siko nya “Ok lang Leo,naalala ko lang kasi ang mga magulang ko nong namatay sila” “Pasinsya ka na Belinda,hindi kita dapat sinama pa dito,nalungkot ka tuloy.” “Ok lang ako naman ang nagsabi na sasama e” “Tara ihahatid na kita,baka bumaha dito,malunod pa ako. Napasmile nalang sya sa biro ng lalaki.Inihatid na sya ni Leo sa boardinghouse nya .Pumasok pa ito duon ng sabihin nyang wala si Andrew,pang gabi ang duty nito.Nagkwentuhan muna silang dalawa.Nagprisenta pa ang lalaki na duon matutulog dahil wala kapatid nya at nalulungkot pa sya . Pero tinanggihan nya yun.At dahil nga mapilit ang lalaki wala na syang nagawa.Umorder pa ito ng piZza at isang bucket ng fried chicken.Pinagsaluhan nila iyon habang nagkukuwentuhan. Umaga na ng magising sila sa ring ng cellphone ni Leo.Nakayakap pa sya sa tiyan ng lalaki.Sinagot iyon ni Leo,nagulat pa ito sa narinig na balita.Napaupo pa ito bigla. “Oh Leo,may problema ba”tanong nya dito. “Si Tito julio daw,nasa hospital,kritikal ang kondisyun ngayon,naaksidente.Ok lang ba aalis na muna ako puntahan ko lang sya” “Oo sige,umalis kana,” Hinatid nya pa ang lalaki sa labas ,ng makasakay ito kumaway pa sya.Habang papaakyat ng hagdan,napasmile sya. “Umaayon ata ang pagkakataon sa akin ah,”sabi pa nya sa sarili. Lumabas sa imbestigasyon ng pulis na mukhang human error ang nangyari,dahil wala silang makitang sira ng makina at iba dahilan ng aksidente.Naka ICU ito ngayon,sa ulo kasi ang malubhang nasugatan.Wala din itong malay.Nasa America ang pamilya nito kaya si Leo ang umasikaso sa kanya. Day off nya ngayun sa trabaho,kaya nagluto sya ng almusal,padating na kasi kapatid nya.Nagulat pa sya ng makitang may mga kalmot ito sa mukha at may sugat ang isang kamay. “Saan mo naman nakuha ang mga sugat na yan Andrew” “Nagaway po kasi kami ng girlfriend ko,nakita nya kasi akong may kahalikang iba sa galit nya,kinalmot ako,at di pa nakuntinto,kinuha pa ang kutsilyo ng chief namin,puputulin daw kamay ko,mabuti nalang napigilan sya ng mga kasamahan namin” “Ayan ang napapala ng babaero,ang tapang ng girlfriend mo ah,baka patayin ka na non sa susunod,” “Wala nang susunod pa ate,break na kami” “Hay naku kaw talaga,kumain na nga tayu” Paupo na sila sa maliit na mesa ng may kumatok sa pinto.Si Erwin pala may bitbit pa itong spaghetti.Pinapasok nila ito at sumabay narin sa pagkain ang lalaki.Nagbiro pa si Belinda ng makita na may sugat din ito sa kamay. “Erwin nagaway din ba kayo ng girlfriend mo” “Wala naman akong girlfriend,nagliligaw palang nga ako sayo e,wala nasugatan lang ako kanina sa kutsilyo,nadulas, dumiretsu sa kamay ko”paliwanag nya sa dalawa,bakit nagaway ba kayo ng girlfriend mo Andrew kaya nagkasugat kansa kamay” “Yes kuya,hiniwalayan ko na nga e,sadista ata”sagot ni Andrew Nagtawanan nalang din sila.Pagkatapos nila kumain,pumasok sila sa kwarto ni Erwin.Nagulat pa sila ng halos mapuno na ang kwarto nya ng napakaraming libro.At ayon sa kanya nabasa nya na daw lahat.Nagumpisang maghalungkat ang dalawa. “Grabi kuya ang dami naman nito,paanu mo to nabasa lahat?” ang tanong sa kanya ni Andrew “Wala naman kasi akong ginagawa,nababagot na nga ako,gusto ko naman ng adventure,tara punta tayo sa beach ,mamasyal naman tayong tatlo”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD