chapter10

424 Words
Chapter10 Umalis na nga silang tatlo,Nang makarating bumili sila ng baboy na Pang ihaw naupo lang sila sa ilalim ng malaking puno,at naglatag ng maliit na banig.Ang dalawang lalaki naghahabulan na papuntang dagat,hinuhubad ang mga damit nila.Sinimulan nang pabagahin ni Belinda ang uling na dala nila.Minarinate na rin nya ang baboy. Maya maya pa inihaw na nya .Umahon na ang dalawa sa tubig.Tumabi sa kanya si Erwin.Si Andrew naman tahimik lang na pumipindot ng cellphone nya. “Hmmmm mukhang masarap ah,”inamoy amoy pa ang usok na galing sa iniihaw nya. “Erwin,asan nga pala mga magulang mo?” naitanong nya sa lalaki “Wala na patay na,5taong gulang palang ako ng pinatay sila sa harapan ko mismo” “Ay pasinsya na,pareho lang pala tayo,7din ako ng pinatay sila ng sabay,” “Oo ang malas natin,hindi natin naramdaman na maalagahan hanggang sa paglaki,pero swerte parin namin ni Andrew may Nanay Ramona kami” “Belinda matanong ko lang, magiging masaya ka ba pag namatay din ang pumatay sa mga magulang mo” “Oo syimpre,plastik ako pagsinabi kong hindi,maiba na nga tayo bakit mo nga pala gustong pumunta sa beach” “Kasi dati sa tuwing sinasaktan ako ng mga umaampon sa akin,tumatakbo ako beach ,malapit kasi bahay nila sa dagat,nagtatago ako para hindi nila ako makita,tinatabunan ko katawan ko ng buhangin,hanggang sa makatulog na ako dun.” “Asan na pala sila ngayon,tumakas ka ba sa kanila dati” “Hindi,napatay sila sa aksidente,namana ko lahat ng yaman nila.Hindi na ako bumalik sa amponan ang pera nila ang ginamit ko pampaaral sa sarili ko,at syimpre para mabuhay.” “Mukhang luto na to,kumain na tayo” “Oo nga gutom na din ako” Nagenjoy pa silang tatlo sa paliligo sa dagat.Ang dami nilang napagkwentuhan at harutang tatlo. Kahit papanoy nakapag relax din.Namasyal pa sila kinagabihan sa mall,kumain pa sila sa mga food chain na andon.Nang makadaan sila sa gift section binilhan sya ni Erwin ng malaking teddy bear na kulay blue.Sabay pagtatapat ng pagibig sa kanya.Diretsahan din ang sagot sa kanya ni Belinda. “Pasinsya na Erwin ha,kaibigan lang talaga kasi ang tingin ko sayo” “Ok,pero,hindi parin ako susuko Belinda,bigyan mo lang ako ng pagkakataong patunayan sayo ang pagmamahal ko pwede ba yon” “Ikaw bahala,pero ayaw ko kasing masaktan ka kaya sinabi ko na sayo ang tunay na nararamdaman ko sayo,sana naman naiintindihan mo ako”paliwanag nya pa sa l” “Oo naman yan nga nagustuhan ko sayo,prangka ka at nagsasabi ng tutuo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD