Pasukan na naman nag enroll na si Belinda. Sa tuwing Saturday and Sunday nalang ang pasok nya sa mall ganon nadin ang kapatid nya.At dahil nga may naipon silang magkapatid,lumipat sila sa apartment,mas komportable kesa sa boardinghouse nila.Nalungkot tuloy si Erwin sa paglilipat nila,pinili daw ng lalaki na dun mag board kasi walang ibang nagboard bukod sa kanya.Tahimik ang lugar,kahit na maliit makakapagaral sya ng mabuti.
Palagi na silang magkasama ni Erwin,tinuturuan kasi sya sa mga subject na hirap sya.Palagi silang makikita sa library . Naging busy narin si Leo sa pagbabanda nya.
At dahil wala ng klase si Belinda kay Mikael,minsan nya lang ito nakikita.Kaya nang makita nya si Belinda isang araw na naglalakad sa daan .Huminto syat pinasakay .
“Belinda sakay kana”
“kayu pala Sir,hindi na po ako tatanggi para makatipid pamasahe narin”
“Belinda samahan mo nga ako,may pupuntahan tayo”
“Saan “
“Basta malapit lang naman,sige na”
Huminto sila sa malaking bahay nasa 3 palapag iyon.Inalalayan sya ng lalaki makababa ng sasakyan.Bumukas ang mataas at malaking gate. Pumasok silang dalawa.May sumalubong sa kanilang dalawang tao,si Mikael ang kinausap nila,hindi manlang sya pinansin.Dumiretsu sila sa kitchen nagpaiwan nalang sya sa sala,hindi na sya sumunod.Nagpalingatlingat sya ,ang ganda ng interior design ng sala,nakakrelax ang mga kulay na ginamit puti hinaluan ng kaunting light brown,halatang napaka neat and clean ng may ari.Lumabas sya sa may sliding door papuntang pool,ang ganda din ng garden.Umupo sya sa gilid ng pool,hinayaan nyang mabasa ang mga paa sa tubig.
“Belinda”nakatayo na sa likod nya ang lalaki
“Sir bahay mo to,ang ganda naman,ang swerte naman ng magiging asawa mo”
“Oo halos mag 1 year ko na din to pinagawa,finally tapos na din,asawa nalang ang kulang”
“Madali lang naman maghanap ng asawa ,sa panahon ngayon wais nadin ang babae mas pinipili nila ang financial stable,sa lagay mo babae pa ang maghahabol at manliligaw sayo.”
“Sana nga ganyan lang magisip ang babaeng nagugustuhan ko Belinda,pero hindi e”naupo na ito sa tabi nya.
“Nagugustuhan nyo palang Sir, hindi nyo pa girlfriend ang hina nyo ,hindi mo kasi madadaan yan sa pagpapacute mo lang effort din,lalo na pag mayaman din naman,sige nga Sir sabihin nyo kung anu bang klaseng babae ang nagugustuhan mo,para kahit papanu maaadvisan kita.”
“Simple lang sya pero matalino,halos kabaliktaran sya ng ideal girl ko pero nagustuhan ko pa rin, matapang at independent,masungit at madaldal,prangka at iba din sa ibang babae,hindi pa sweet pero maganda at sexy”
“Maganda at sexy talaga ha,yan talaga ang tinitingnan ng lalaki sa babae,hindi ba pweding mabait “
“Hmmmm hindi kasi sya mabait” patawatawa pa ito
“Ibang klase din yang babae mo ha,nahalikan nyo na Sir?”
“Hindi pa”
“Sabi ko na e,hanggang yabang kalang turpe ka na nga ,hindi ka pa marunong humalik ng babae,dapat hinalikan nyo para malaman nya na may feeling ka sa kanya.”
“Ganoon ba yon”
“Oo,makinig kayo sa advice ko,Sir ihatid nyo na ako,gabi na”tumunog ang cellphone nya si Leo ang tumatawag.
Sasagutin na nya ang tawag ng hawakan ni Mikael ang kamay nya pataas.Lumapit sya papalapit kay Belinda.Ang isa nyang kamay nakahawak sa baywang nya.Nagulat pa sya ng biglang inangkin ng lalaki ang mga labi nya.Nagpumiglas sya,pero hindi sya binitawan ng lalaki humigpit ang hawak nito sa kanya ang isang kamay na nasa kamay nya nakahawak ay sa ulo na ngayon sa likod na rin payakap ang isa.Sa Una nananantsa pa,marrahan at gentle pero ng nagtagal naging mapusok na ang lalaki.Mayamaya pa binitiwan na sya ng lalaki.Napatulala pa rin si Belinda sa pagkagulat.Naging mabilis din ng kisap ng kanyang mga mata.
“Sir bakit ako naman ang pinagpraktisan mo”
“Hali kana ihahatid na kita.”
Hinawakan sya ng lalaki sa kamay at hinila palabas ng bahay.Nang sa loob na sila ng sasakyan,naging akward sila sa isat isa,walang naunang magsalita..Si Belinda nakatanaw lang sa bintana.Nang paliko na sila sa daan patungo sa dati nilang bahay.
“Sir may Apartment po kami ni Andrew ,kanan po tayo”
“Ah ganon ba sige”
Nang huminto na ang sasakyan.
“Belinda hindi kita pinagpraktisan kanina,ikaw ang nagsabi na dapat halikan ko ang babaeng nagugustuhan ko para malaman nya dahil turpe ako.Belinda ikaw ang babaeng nagugustuhan ko.”
“Ha”
“Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko dahil kay Leo,pero Belinda sa tuwing nakikita kita na kasama sya,nadudurog ako. So....please sana wag mo kong basteren ngayon,bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon na maparamdam at patunayan na mahal kita”
Hindi na nakasagot pa si Belinda sa lalaki,hindi nya kasi talaga iniexpect na mahal sya nito.Nagpaalam at nagpasalamat nalang sya dito.