chapter 12

939 Words
Kinabukasan nakaupo sya sa basketball court,mamaya pa ang klase nya,hindi pa rin kasi mawala sa isip nya ang halik ni Mikael sa kanya.Nagkagulo ang tao ng pumasok si Leo at ang mga kabanda nya .Dala ang mga instruments nila.Ipinuwesto nila ito sa gitna ng court. Nagsimula na silang magpatugtug,naghiyawan ang mga babae,kasama na ang group ni Cloe. “Hey must be looking your eyes. Must be love at first sight, You were just part of my dream. Nothing more so it seams. But my love cant wait much longer,just forget the picture of your smile coz everytime I close my eyes you come alive” Ang sarap sa tenga ng kanta ni Leo,tumigil sya ng nasa chorus na.Kinuha ang nakasabit na gitara sa leeg at kinuha ang laman ng paper bag na bouquet ng bulaklak,habang hawak parin ang wireless na microphone sa kabilang kamay.Naghiyawan lalo ang mga babae. Naglakad ito patungo sa deriksyon nya. “The closer I get to touching you, The closer I get to loving you give it time just a little more time,so we can be closer You and I....... Tumigil si Leo sa harapan nya at ibinigay ang hawak na bulaklak.Hinawakan ng lalaki ang kamay nya at pinatayo. “Belinda,hindi na kita tatanungin na kung pwede maging girlfriend,deriktahan na dahil gusto na kitang maging asawa. Belinda will you marry me....”may kinuha pang singsing sa bulsa at lumuhod sa harapan nya. Hindi alam ni Belinda kung anu ang isasagot sa lalaki.Maraming tao ang nakatingin,halos lahat ata ng istudyante andon na ,tanaw nya din si Erwin sa kabila sa may pintuntuan din nakatayo si Mikael.Panay hiyaw ng mga istudyante sa paligid.Pinatayo nya si Leo at niyakap.Hindi nya kasi kayang tanggihan ito sa harapan ng maraming tao, popular si Leo sa school nila bukod kasi sa gwapo ito,magaling din kumanta.Kapag tinanggihan nya ang lalaki siguradong mapapahiya ito at maraming istudyante ang magiging kaaway nya .E nasume ni Leo na Oo ang naging sagot nya dahil niyakap sya ng babae.Nagsisigaw na ito sa tuwa.Nangangatog ang tuhod ni Belinda sa kinatatayuan nya,gusto nya nalang maglaho duon.Pasalamat nalang sya at tumunog ang bell.Nagkaruon sya ng dahilan para iwasan na muna si Leo sa ngayon.Nang matapos ang klase nya,hindi na sya pumasok sa training nya sa taekwondo, dumiretsu sya palabas.Nang makauwi ng apartment ,kumuha sya ng isang basong tubig at naupo sa dining table. “Belinda anung ginawa mo,naku panu na to,kasal na yon.Pero ok naman si Leo diba,kilala mo naman sya mula pagkabata,mabait syang tao at mahal kanya.Oo mahal nya ko ,pero hindi ako sigurado kung pagmamahal din ang nararamdaman ko sa kanya,Hay naku anung gagawin ko.......kapag pinakasalan ko sya ,magkukrus landas namin ng Papa nya,makikilala ko narin ang lalaking pumatay sa mga magulang Ko.......Ganon na lang ba yon kakalimutan ko nalang kasalanan ng Papa nya....Ang unfair pero walang kasalanan si Leo.......ha..... Hindi ko na alam ....(natigilan sya saglit sa pagiisip) tama kailangan sabihin ko ang tutuo kay Leo,hindi ako magpapakasal sa kanya...tama kailangan ko syang puntahan ngayon. Pinuntahan ni Belinda si Leo sa bahay nito.Dumiretsu sya sa swimming pool dahil naliligo daw ito kasama ang tito Mikael nya.Nagtatawanan ang dalawang lalaki na may hawak pang baso ng alak. “Leo pwede ba tayong magusap importante lang sana” “Oh Belinda, sige magbibihis lang ako,kumain ka na ba ,hintayin mo lang ako dito magbibihis lang ako ,lumabas nalang tayo.” “Sige” “Ay sya nga pala Belinda si Tito Mikael,kilala mo naman siguro sya Tito dahil naging istudyante mo sya.” “Oo sige na magbihis kana ,ako na bahala sa kanya.” Ang sabi ni Mikael kay Leo Naupo sya sa upuang nasa gilid. “Belinda pwede bang pakiabot ng tuwalya dyan sa likod mo”utos nya sa babae Kinuha nya nga ang tuwalya na nakalagay sa likod ng upuan nya at ibinigay sa lalaki. Ang dapat na tuwalya lang ang hawakan ng lalaki ay pati kamay nya ang hinila nito.Nahulog na sya sa pool,malalim pa naman na parti iyon.Akmang aahon na sana sya ng may humawak sa mga braso nya.Inangkin na naman ni Mikael ang mga labi nya.Matagal bago sya pakawalan ng lalaki sa ilalim ng tubig.Ng makaahon isang malakas na sampal ang ginawad nya sa mukha nito. “Belinda magisip ka nga,papakasal ka ba talaga kay Leo,isa ka rin ba sa mga wais na babaeng sinasabi mo.Yaman ang habol sa isang lalaki” “Wag mo kung huhusgahan Sir Mikael” “Belinda ,Tito Mikael nagaaway ba kayo?tanong ng papalapit na si Leo Hindi sumagot ang dalawa. “Belinda panu ka napunta dyan,umahon ka na baka magkasipon ka” “Ah Leo nadulas lang ako,pinaabot kasi ng Tito mo ang tuwalya nya”tinulungan nyang makaahon ang babae sa pool at tinulungan makatayo. “Magbihis ka na muna basang basa ka” “Hindi na Leo pwede bang ihatid mo nalang ako pauwi” “Diba may sasabihin ka pang importante” “Ah wala na yon ihatid mo nalang ako pa uwi,sige na “ naglalaglagan na ang mga luha ni Belinda Naguluhan si Leo sa mga nakita nya at naging reaksyon ni Belinda at pati nadin ang pagiyak nito.Hindi nalang din sya nagtanong ,binigyan nya ng tuwalya si Belinda,para kahit papano matuyo ang katawan nya.Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan hanggang sa makauwi. Hindi pa nasabi ni Belinda kay Leo,na naguguluhan sya at hindi sigurado sa disesyong pagpapakasal.Nakikita nya kasi sa lalaki ang saya at excitement sa nalalapit nilang kasal.Isang buwan mula ngayon ang napagkasunduang kasal.Ang lalaki ang abala sa pagaasikaso nito.Napakabilis ng mga araw para kay Belinda.Hindi sya makahanap ng tamang pagkakataon para magtapat ng tutuo kay Leo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD