Chapter 61

1454 Words

Hayden Paroo’t parito naman ako dito sa labas, hindi ako mapakali habang nasa loob nang emergency room ang aking asawa. Pinaalam ko na kay daddy at sa pamilya ni Olla na sinugod namin siya sa ospital. Wala na akong pakialam kung pinagtitingnan nila ako ng dahil sa aking sout ngayon. Mabuti na lang may tsinilas si Uncle Alex sa sasakyan nito kaya naman iyon ang pinasout niya sa akin. “Son, please sit down nahihilo na ko sa kakalakad mo.” sita ni daddy sa akin na akala mo hindi rin ito kinakabahan. “Dad, ilang oras na po si Olla sa loob hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doctor, baka kung ano na ang nangyari sa kanya?” sobrang nag-alala ako kay Olla hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Patakbo akong lumapit sa doctor ng makita ko itong lumabas na galing sa loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD