Shane Maaga akong nagising dahil maaga akong pinatulog ni Hayden kagabi. Hindi ko na namalayan ang paligid parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Nagpatulong ako kay Lyn upang ibaba ang mga gamit ni Owie. Walang ingay kaming lumabas nang silid at tinungo ang sala. “Good morning lola.” sabay lapit ko kay Lola Amy na kalalabas lang mula sa kusina at hinalikan ito sa noo. “Good morning anak, lalo na sa maganda at guwapo kong mga apo. Akin na si Owie kumain muna ka’yo ni Hera habang mainit pa ang pagkain. Nagluto ako ng sinigang na karneng baboy kaya mauna na ka’yo habang behave pa itong isa.” ani lola, baliktad na kasi ang tulog ni Owie sa gabi gising ito at sa araw naman ay tulog. “Lyn, sumabay ka na sa amin, Hera, anak, sit properly.” Sa murang edad ni Hera ay natu

