Chapter 3

1170 Words
"RAIZA? RAIZA? okay ka lang ba?" tawag sa akin ni mama na hindi ko agad na rinig dahil sa iniisip ko. "Oh, ano po 'yun, Ma?" sagot ko ng bumalik ako sa reyalidad. Nandito kami ngayon sa Inasal dahil nagutom kami ni Mama habang nag-iikot kanina. Hindi kami pamilyar sa ibang kainan dito sa mall kaya mas pinili na lang namin ang kumain dito. Besides, gutom din talaga kami at feeling ko kailangan ko ng extra rice. "Akala ko ba gutom ka? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Ayaw mo ba ng pagkain? May iba ka bang gusto?" sunod-sunod na tanong ni Mama. Napatingin na lang din ako sa sarili kong pagkain. Kanina pa kami dito pero wala pa ring bawas ang pagkain ko. Nag-extra rice pa man din ako. "Ahm... Hindi, Ma. Okay lang po." Pilit na lang akong ngumiti kay Mama kahit alam ko na alam niya na hindi ako okay. Nakatitig lang siya sa akin habang ngumunguya siya ng pagkain. "Nawalan lang po siguro ako ng gana," dagdag ko pa. Tumango-tango na lang si Mama. "Gusto mo na bang umuwi? Tapos na rin naman tayong mamili. Ipa-take-out na lang natin itong pagkain para kung sakaling magutom ka ay may kakainin ka mamaya," alok ni mama na nginitian ko na lang at tinanguan. Tumawag siya ng waiter pagkatapos ay agad na nagsabi dito na ite-take-out na lang namin ang pagkain. Muli namang gumala ang isip ko dahil sa nakita ko kanina. I really saw him. Kitang-kita siya ng dalawang mata ko. Sigurado akong si Ley ang nakita ko. "Ma, nagugutom na ako. Hindi pa ba tayo tapos mamili? Masakit na rin ang mga paa ko," reklamo ko kay Mama habang hinihimas ang binti ko nang umupo kami sa bench na nakalagay dito sa loob ng mall. "Oh, sige. Kumain na muna tayo bago umuwi para hindi na rin ako magluluto. Saan mo ba gustong kumain?" tanong ni Mama na agad na kapag pangiti sa akin. Hinawakan ko si Mama sa braso at saka ko kinuha ang mga pinamili namin. Tumayo kami at saka nag-umpisang maglakad. "Tara! May nakita akong Inasa doon sa first floor kanina noong pumasok tayo. Doon na lang tayo kumain. Gutom na gutom na talaga ako. Gusto ko ng extra rice," kagat labi kong sabi habang hinihila si Mama patungo sa elevator. Masyado kaming maraming pinamili at kasalukuyang nasa third floor kaya mas maganda kung mag-e-elevator na lang din kami. Pagkarating namin doon ay agad ko na ring pinindot ang butom pababa. Sakto namang bumukas ang elevator at lumabas ang mga pasahero no'n. Agad din kaming pumasok ni Mama sa loob kasabay ang iba pang pasahero. Isa-isa nilang sinabi ang floor kung saan sila pupunta at ganon din kami. Ako na ang sumagot para sa amin ni Mama. "Sa first floor po kami," sabi ko sa elevator girl. "Ay, Miss, pupunta po muna tayo ng fourth floor since mas nauna ang ibang pasahero sa inyo, okay lang po ba 'yon?" tanong ng babae na tinangunan ko naman. Wala rin naman kaming choice dahil nasa loob na kami ng elevator. Agad namang umandar ang elevator paangat. Pagdating namin doon ay naglabasan ang iilang pasahero. Nasa bandang dulo kami ng elevator kaya hindi ko na inabala pang sumilip at tumingin na lang sa loob ng elevator. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko rin agad ang pagbaba ng elevator. Tuloy-tuloy ito na nagtungo sa second floor at hindi na huminto pa sa third floor dahil wala namang bababa doon. Pagkabukas ng elevator sa second floor ay agad ding naglabasan ang mga pasahero. Iilan na lang kaming natirang sakay ng elevator. At tulad kanina ay agad ding unti-unting sumara ang elevator nang wala na itong ma-detect na pasakay. Napabuntong hininga na lang ako pero agad ding natulala dahil sa nakita kong tao na sakay ng escalator. Lumingon muna siya sa kaniyang paligid bago na hinto ang tingin sa akin. Nagkatitigan ang mga mata namin at agad na nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Ilang taon ko siyang hindi nakita. Ilang taon ko siyang hinintay na bumalik sa probinsiya. Hindi ko alam na dito ko lang pala siya makikita. Naramdaman ko ang pananakit ng aking mga mata at feeling ko ay anumang oras ay papatak ang mga nagbabadyang mga luha na pumatak mula sa aking mga mata. Bumuka ang aking bibig pero walang kahit na anong lumabas doon. Hindi ako makapag salita. Parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. "L-Ley..." Parang hangin na lumabas sa aking bibig. Pero huli na ang lahat dahil sumara na ang elevator na kanina pa nakabukas. Parang sobrang tagal ng pangyayari kahit halos ilang segundo lang naman iyon. Gusto ko pa sanang umapila at muling pindutin ang buton upang bumukas ang elevator. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Marami akong katanungan na gustong sabihin sa kaniya. Hindi ko alam pero parang may kung ano na nagsasabi sa akin na tumakbo ako papunta kay Ley pero hindi ko magawa. Hindi man lang ako nakagalaw ng makita ko siya. Muling bumukas ang elevator ngunit nasa first floor na kami. Naglabasan na ang ibang pasahero pero ako ay nakatulala pa rin sa loob ng elevator. Hindi pa rin ako nakaka-recover sa nakita ko. May mga pasahero na pasakay sa elevator pero hindi makapasok dahil nakaharang ako. "Raiza, tara na. Nakatulala ka pa diyan." Bumalik ako sa reyalidad nang hatakin ako ni Mama palabas ng elevator upang makapasok na ang mga pasahero na naghihintay sa paglabas namin. Para akong tanga na nakatunganga doon. Hindi ko inakala na ganito ang magiging epekto sa akin ng muli naming pagkikita. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako nilapitan ng makita niya ako. Nakita niya ako at nagkatitigan kami pero arang hindi niya ako kilala. Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaksyon niya. Inaasahan ko na kapag muli kaming nagkita ay masaya siyang tatakbo patungo sa kinaroroonan ko, yayakapin ako at kakargahin tulad ng ginagawa niya noon kapag nagkikita kami. Pero bakit para lang akong hangin kanina noong nakita niya ako? Kabaligtaran sa inaasahan ko. Napatitig na lang ako sa picture naming dalawa na nasa cellphone ko at hindi ko binura kahit ilang taon na ang nakakalipas. Nasa ilalim kami ng puno ng Nara. Nakasandal ako sa puno at siya naman ay nakahiga sa damuhan habang ang ulo ay nasa kandungan ko. Kinuha ko ang litrato habang natutulog siya. Para siyang anghel habang tulog. Agad ko namang nabitawan ang cellphone ko dahil sa nakita ko. Tumama ito sa mukha ko dahil nakahiga ako at nasa tapat ito ng mukha ko. Pero hindi ang masakit kong ilong ang inintindi ko. Napaupo ako sa kama ko at muling napatitig sa larawan. Kanina lang ay nakita ko na nagdudugo ang ulo niya. Sobrang dami na parang... parang tulad ng dugo na nakita ko noon na umaagos sa kaniyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD