MABILIS KAMING nakarating sa Maynila dahil mabilis lang naman ang biyahe pang himpapawid. Ang bago kong boss ang gumastos ng pamasahe namin at sila rin ang naghanap ng bago naming matitirhan ni Raiza na malapit lang sa kumpanya. Nakakahiya man ay hinayaan ko na lang dahil wala rin naman kaming sapat na pera para sa pamasahe namin at saka hindi rin naman ako maalam dito sa Maynila. Babayaran ko na lang sila kapag sumahod na ako.
Sa lunes pa ang simula ng trabaho ko kaya may oras pa para makapag ayos kami dito sa bago naming bahay. Dalawang palapag ito at may dalawang kuwarto sa itaas. Katamtaman lang ang laki ng sala at kusina. Mas malaki ito kaysa sa bahay namin sa Ilo-ilo. Kumpleto na rin sa mga gamit at appliances. Hindi ko inaakala na sa ganitong bahay nila kami patitirahin at libre pa hanggat nagtatrabaho ako sa kumpanya nila. Parang company property itong bahay.
"Raiza, samahan mo ako mamaya at mamimili tayo ng mga kailangan mo sa eskwela at ng groceries na rin," sabi ko sa anak ko ng makita ko siyang pababa ng hagdan mula sa second floor.
"Sige po, Ma. Natanggap ko na rin po yung email sa akin ng school. Bukas ay pupwede na akong pumunta doon para magpasa ng mga requirements at para na rin kunin ang bago kong uniform at mga libro," paliwanag niya at saka umupo sa sofa sa tabi ko.
"Sige-sige. Hindi na kita masasamahan bukas dahil sa lunes na ang simula ng trabaho ko. Bibigyan na lang kita ng pera para sa pamasahe mo at pambayad na rin sa uniform at mga libro mo." Ngumiti naman siya at tumango bilang sagot. "Naayos mo na ba ang bago mong kuwarto?"
"Opo. Ang laki rin pala ng mga kuwarto. Akala ko itong baba lang. Nga pala ma, yung kuwarto sa dulo ang kinuha ko. Yung nasa unahan, 'yon na lang po ang iyo para may bintana. Yung isa kasing kuwarto ay nasa sulok kaya walang bintana," paliwanag niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Sana yung may bintana na lang ang ginawa mong kuwarto mo. Hindi naman ako mahilig sumilip sa bintana," natatawa kong turan.
"Edi ngayon po kahiligan niyo na," natatawang sabi niya. "Sa tapat ng bintana niyo na lang din po ilagay yung mini table niyo para sariwang hanging ang naaamoy niyo kapag nagtatrabaho kayo," dagdag niya pa habang nilalaro ang kaniyang mga kilay. Napailing-iling na lang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Oo na lang. Mamaya na ako aakyat at mag-aayos ng kuwarto ko. Uunahin ko muna dito." Tumayo ako at ikinabit ang kurtina sa bintana ng sala na kanina ko pa inaayos sa alambre. Tinulungan naman ako ni Raiza sa pagkakabit noon sa magkabilang dulo.
Pagkatapos nito ay lalabas na kami upang mamili.
NAG-USAP KAMI ng mga kaibigan ko kanina. Balak namin pumunta sa padis ngayon dahil may banda raw na tutugtog doon ngayon at marami ang posibleng babae na pumunta. It's a chance for us to get wild while we're free. Bukas ay sasabak na naman kami sa probema dahil lunes na naman.
Paakyat na sana ako sa kuwarto ko nang bumukas ang pinto ng bahay ko. Iniluwa no'n si Dad na naglakad patungo sa sofa at umupo doon. "Sit. We need to talk," utos niya sa akin.
"What are you doing here?" kunot noong tanong ko na hindi sinunod ang utos niya.
"I want to talk to you. Isn't it ovbious? You cause too much problem but you have no idea why am I here?" iritableng tanong niya. Hindi na lang ako sumagot at saka ako sumandal sa railings ng hagdan habang naka-cross arms.
"Say it then. May importante pa akong dapat puntahan," naiinip kong sabi. Napabuntong hininga na lang siya at napailing-iling.
"You really are stubborn. Anyway, may nakita na akong sikretarya na tamang-tama para sayo. Bukas ay makakatrabaho mo na siya. Ipapakilala ko siya sa mga bago niyang magiging katrabaho pagkatapos ay saka ko siya dadalhin sayo. Alam niya na ang kailangan niyang gawin at may experience na rin naman siya sa ganitong trabaho kaya umaasa ako na walang magiging problema. This time, don't make any probem. Do you understand?" paliwanag niya. Napahikab na lang ako dahil sa haba ng sinabi niya.
"Iyon lang ba? Kung wala ka ng ibang sasabihin, aalis na ako." Tumalikod na ako at saka nagsimulang umakyat ng hagdan. Wala naman siyang nagawa kundi ang panoorin akong umalis. Alam kong bastos ako, wala akong paki alam. Sa kaniya lang naman ako ganito.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako. Nandoon pa rin si Dad sa sala at umiinom ng alak. Hindi ko na lang siya pinansin at saka ako dumiretso patungo sa parking lot. Sumakay ako sa kotse ko at saka ako nag-drive paalis.
Ala-sais pa ang simula ng party pero ala-singko pa lang ay bumyahe na ako paalis dahil hindi ko matiis ang manatili sa bahay ko kung si Dad lang din naman ang kasama ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya at pumunta siya ngayon sa bahay ko. Pagkarating na pagkarating niya kanina ay sinermunan siya agad ako. Sinabi niya rin na may nakita na siyang sikretarya na tamang-tama lang para sa akin. Sa lunes ay makakatrabaho ko na ang bago kong sikretarya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa tamang-tama para sa akin pero isa lang ang alam ko.
Kahit sino pa ang gawin niyang sikretarya ko isa lang ang patutunguhan niyan. Siguradong mahuhulog at mahuhulog sila sa akin dahil iba ang karisma ng mga Trevor. Let's see kung ilang araw ang itatagal ng bago kong sikretarya bago mahulog sa akin.
Ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa parking lot at saka ako pumasok sa loob ng mall. Nasa third floor ng mall ang padis pero balak ko munang mag-ikot-ikot at kumain.
As usual ay marami pa ring tao kahit malapit ng maggabi. Mas dumadami pa ang tao, marahil dahil na rin sa balitang may bandang tutugtog mamaya. Siguradong siksikan na naman sa loob ng padis. Good thing na may usual spot kami sa lugar na lagi naming pinapa-reserved kapag nagpaplano kaming pumunta doon. Kakilala rin kasi namin ang may ari ng padis na nakatayo dito sa mall kaya dito kami madalas pumupunta. Minsan ay kung saan lang namin maisipan.
I ride on escalator that's heading to the second floor. When I am on there I look around, but then I saw someone that really looks familiar that stunned me. She's on the elevator that is now closing slowly and heading down to the first floor. We looked to each other, shock is visible on her face. It seems like we knew each other, but I can't remember her now.