bc

CHOKE ME MAYOR VICENTE SPG— SERIES2

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
age gap
badboy
heir/heiress
drama
bxg
serious
office/work place
small town
lies
office lady
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING MATURE CONTENT R18 STRICTLY FOR ADULTS ONLY. READ AT YOUR OWN RISK.​🔞‼️

Ang hirap kapag mahirap. Kailangan mong lumaban para sa lupa at kabuhayan. Yan ang ginawa ni Lira isang palaban at edukadang aktibista na walang inatrasan para labanan ang mapang aping proyekto ng bayan.

Handa siyang kalabanin ang pinaka kinatatakutang tao sa San Jose walang iba kundi ang ruthless at aroganteng si Mayor Vincente.​Pero paano kung ang lalakeng gusto niyang pabagsakin ay siya ring tanging makakapagligtas sa pamilya niya.​

Nang makulong ang kapatid niyang tambay dahil sa isang set up na gawa gawa ng Mayor gumuho ang mundo ni Lira. Wala siyang pera. Wala siyang koneksyon. Ngayon kailangan niyang lunukin ang pride niya at bumalik sa mismong opisina ng lalakeng sinusumpa niya para magmakaawa.​

"You want your brother out of my jail Lira. Then get on your knees and show me exactly how desperate you are."​

Isang madilim na kasunduan. Isang maling desisyon. Sa bawat gabi ng pagkukunwari at pagiging parausan ng isang walang pusong politiko unti unting napapasok ni Lira ang madilim na mundo ng lalaking ito. At sa hindi inaasahang pagkakataon ang lalakeng sumasakal sa kalayaan niya ang siya ring magiging dahilan kung bakit ayaw na niyang kumawala pa.​

Handa ba si Lira na isuko ang lahat pati na ang puso niya sa mismong ta

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: First meeting
"Ibalik ang lupa sa magsasaka. Huwag patayin ang aming kabuhayan." ​Paulit ulit naming isinisigaw yan dito sa labas ng munisipyo ng San Jose. Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw pero wala akong pakialam. Im desperate. Kailangan naming marinig. Kailangan marinig ni Mayor Vincente ang hinaing ng mga tao. Lalo na ang papa ko na nasa likuran ko lang. Nakikita ko yung pagod sa mga mata niya. Si Papa umasa lang sa pagsasaka buong buhay niya. Iyon ang bumuhay sa amin. Iyon ang nagpaaral sa akin hanggang makatapos ako ng college. Pinalaki niya kami nang maayos kahit wala kaming pera kahit na mahirap lang kami at madalas ay utang pa ang pinangkakain namin sa araw araw. Tapos ngayon bigla biglang may project itong si Mayor na gagawing solar plantation ang mga lupang sinasaka nila. Just like that. Parang ganun lang kadali sa kanya na alisin ang kabuhayan ng napakaraming tao. Hindi ko pwedeng palampasin ito. ​Educated ako kaya alam ko ang karapatan namin. I know how to speak up. I know the laws and I know when something is completely unfair. Kaya ako ang nasa unahan nitong rally. Hawak ko ang megaphone at hindi ako titigil hanggat hindi niya kami hinaharap. Sumasabay ang mga tao sa sigaw ko. Rinig na rinig ang galit ng bawat isa sa amin. Ramdam ko ang tension sa hangin. Pero kahit na anong lakas ng sigaw namin parang nakasara lang ang mga pinto ng munisipyo at walang gustong makinig. Pawis na pawis na kaming lahat pero hindi kami aalis dito. ​Sino ba naman kasing hindi matatakot kay Mayor Vincente. Kilala siya dito sa San Jose na walang sinasanto. He is known for being ruthlessly straightforward. No filter. Kung ano ang gusto niya mangyayari. One word one action nga daw sabi ng marami. Kaya nga nung manalo siya nagbago agad ang patakaran sa bayan. Lahat ng sumalungat sa kanya binabangga niya. Walang nakakaligtas kapag siya na ang nagalit. Pero this time hindi pwede. Buhay namin ang nakasalalay dito. Kung hindi kami kikibo baka bukas wala na kaming makain. ​Naputol ang pag iisip ko nang biglang bumukas ang malaking pinto ng munisipyo. Lumabas ang isang lalaking naka barong. Kilala ko siya siya yung assistant ni Mayor. Tumahimik ang lahat. Waiting for what he has to say. Huminto ang lahat sa pagsigaw at hinihintay kung anong magiging balita. ​"Miss Lira," sabi nung assistant habang nakatingin sa akin at naglalakad palapit sa pwesto namin. "Pinapatawag ka ni Mayor sa opisina niya. Kayo lang daw dalawa. Gusto niyang marinig ang side ninyo tungkol sa project na ito." ​Parang huminto ang paghinga ko for a second. Pumayag siya. Oh my god pumayag siyang kausapin ako. Naghiyawan ang mga kasama kong magsasaka sa likod ko. May ngiti sa mukha ni Papa. They thought it was a win. They thought susuko na si Mayor at makikinig sa amin. Ang saya saya nila na para bang nanalo na kami sa laban na ito. ​"Go ahead nak," sabi ni Papa habang tinatapik ang balikat ko. "Ikaw na ang bahala. Alam kong kaya mong ipaliwanag sa kanya. Ipaglaban mo tayo doon." ​Huminga ako nang malalim. I nodded to Papa. I handed the megaphone to one of the leaders tapos sumunod na ako sa assistant papasok ng munisipyo. ​Wala akong pakialam kung anong itsura ng loob ng building. I was too focused on what I was going to say. Kinakabahan ako pero hindi ko pwedeng ipakita. Dinederetsong tingin ko lang ang pinto ng opisina ni Mayor habang naglalakad kami sa mahabang hallway. Nang buksan iyon ng assistant pumasok agad ako nang walang pag aatubili. ​Nakaharap siya sa malaking bintana niya. Nakatalikod sa akin. Ang laki ng bulto niya. The aura he gives off is just pure intimidation. He turned around to face me. Walang expression ang mukha niya. Malamig ang mga mata niya na parang sinusuri ang bawat galaw ko. He looks like someone who holds all the cards in the world. ​"Take a seat Miss Lira," he said. His voice was deep and commanding. ​"No thank you Mayor," sagot ko agad. "Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi makatarungan itong project niyo. Nakikiusap kami. Yung solar plantation niyo pwede niyo namang ilagay sa ibang lugar na walang maaapektuhan. Bakit kailangan doon pa sa lupang sinasaka ng mga tao. Doon kami kumukuha ng pangkain namin araw araw. Kung kukunin niyo yun paano na kami. Wala kaming ibang aasahan. Kayo na rin ang pumatay sa mga pamilya namin kapag itinuloy niyo ito." ​Tiningnan lang niya ako. Parang bored na bored siya sa mga sinasabi ko. Hindi man lang siya nagulat or naawa. He slowly walked towards his desk at naupo. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa at tinitigan ako nang maigi. ​"Tapos ka na," tanong niya in a flat tone. ​Parang nag init ang dugo ko. I was desperate and pouring my heart out tapos ganoon lang ang isasagot niya sa akin. Nanggigigil ako pero I have to compose myself. ​"Mayor please," I said trying to keep my voice steady. "Im begging you. Pakinggan niyo naman kami. Oo maganda ang solar energy it brings progress. I get it educated akong tao. Naiintindihan ko ang vision niyo para sa San Jose. Pero ang progress ba dapat pumatay ng kabuhayan ng mga mahihirap. My father works on that land. Ang daming bata ang hindi makakapag aral dahil sa gagawin niyo. Wala ba kayong puso para sa mga taong bumoto sa inyo." ​He smirked. Isang maliit na ngisi na lalong nakakainis. Gusto kong burahin ang ngiti na yun sa mukha niya. ​"You talk too much," he said directly looking straight into my eyes. "Pumayag akong kausapin ka hindi para pakinggan ang drama mo kundi para sabihin sa iyo na you are wasting your time. At hindi lang oras mo ang sinasayang mo pati na rin ang oras ko. Marami pa akong dapat gawin kaysa pakinggan ang iyak ng mga katulad niyo." ​"Wasting time," I repeated. "Ang ipaglaban ang karapatan namin ay pag aaksaya ng oras." ​"Exactly," mabilis niyang sagot. "Dahil the project is already approved. Tapos na ang usapan. Walang rally ang makakapigil sa akin. I build what I want to build to improve this town. Period. Wala akong pakialam kung sino ang masagasaan dahil in the end makikita ng lahat na ako ang tama." ​Gusto ko siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. I need to be smart about this. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon. ​"Mayor nagmamakaawa ako. I will do whatever it takes makinig lang kayo sa amin. Iibahin ko ang approach ko. Magiging maayos tayo. Hindi pwedeng mawalan ng trabaho ang papa ko. Hindi naman kami mayaman." ​Sumandal siya sa upuan niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. There was something in his eyes that made me shiver. It was dark and calculating. Tila may binabasang paborito niyang libro at alam na niya ang mangyayari sa ending. ​"Are you really sure sa pinaglalaban mo Lira," he asked slowly. His tone changed. Parang may alam siyang hindi ko alam. ​"Of course Im sure," I said confidently kahit na deep inside kinakabahan na ako sa inaasal niya. "Buhay namin ito." ​"Oh really," he chuckled. It was a cold laugh na nakakapangilabot. "Then I guess hindi mo pa nakakausap ang pamilya mo bago ka nagpunta dito para magsisigaw sa tapat ng opisina ko at magpanggap na santo." ​Kumunot ang noo ko. What is he talking about. Wala akong ideya sa sinasabi niya. ​"Ano bang ibig mong sabihin," tanong ko. My voice cracked a little bit. Bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakatingin niya. He looks so victorious right now. ​Kumuha siya ng isang folder sa lamesa niya at binuksan ito. Tiningnan niya ang laman bago ibinalik ang tingin sa akin. Dinampot niya ang isang pirasong papel at iwinagayway sa harap ko. ​"Your brother. Bert right. Yung tambay mong kapatid na walang ginawa kundi magpakalasing sa kanto at manggulo ng mga kapitbahay niyo." ​Nagulat ako. Bakit niya kilala si Bert. Ano namang kinalaman ng kapatid ko dito at idinadamay niya sa usapan ng lupa. ​"Anong meron kay Bert," tanong ko agad. I stepped closer to his desk hindi na mapakali. ​"Well Miss Lira just thirty minutes ago habang busy kang maging aktibista sa labas inaresto ng mga pulis ang kapatid mo. He was caught trespassing sa private property ko. At hindi lang yun nag vandalism pa siya. Sinira niya ang ilang gamit doon na nagkakahalaga ng malaki. He is a mess and he just dug his own grave." ​"What," I gasped. Hindi ako makapaniwala. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. "That is impossible. Baka nagkakamali kayo. Hindi gagawin ni Bert yun. Tambay lang yun oo palaging nasa kanto pero hindi siya criminal. Wala siyang lakas ng loob na gawin iyan sa inyo." ​"I dont make mistakes Miss Lira," Mayor Vincente said coldly leaning forward again. "At lalong hindi nagkakamali ang mga security ko. May ebidensya kami. He is currently locked up sa presinto. At sisiguraduhin kong mabubulok siya doon. I will press maximum charges. Hindi siya makakalabas kahit anong gawin ninyo." ​Nanghina ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa likod ng upuan na nasa harap ko para hindi ako matumba. Bert in jail. Paano nangyari yun. Yes pasaway si Bert. Yes tambay siya at madalas sakit sa ulo ni Papa. Pero nakulong. Hindi namin kakayanin ito. Wala kaming pera pang bail. Wala kaming pambayad sa abugado. Isang araw lang sa kulungan pwedeng masira ang buhay ng kapatid ko. ​"Mayor," I stammered. Naubos bigla ang tapang ko. Yung boses ko na kanina ang lakas sumigaw sa labas ngayon parang naging boses ng isang maliit na bata na takot na takot. "Please. Baka pwedeng pag usapan natin ito. Wag niyo namang ipakulong ang kapatid ko. Maawa na kayo kay Papa. Mamamatay si Papa sa sama ng loob kapag nalaman niya ito. Wag niyo siyang idamay dito." ​Tumayo si Mayor Vincente. Lumapit siya sa akin nang dahan dahan. Ang laki niya at ang lapit niya. I had to look up to see his face. He leaned in close to me. I can smell his expensive perfume but it only made me feel sick to my stomach. This man is dangerous. ​"Look at you now," he whispered softly but with so much malice. "Kanina ang tapang tapang mo. Kanina gusto mo akong kainin nang buhay sa labas. Ngayon nagmamakaawa ka na parang aso." ​Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang bigat ng presensya niya pero hinawakan niya ang baba ko at pilit na ipinaharap sa kanya. Mahigpit ang hawak niya. Hindi masakit pero ramdam ko ang control niya sa akin. Parang ipinaparamdam niya na hawak niya ang buong buhay ko sa mga kamay niya. ​"Kilalanin mo ang binabangga mo Lira," he warned. His voice was low and dangerous. Nakatitig siya sa mga mata ko at hindi pumipikit. "You come to my town you protest against my projects and you think you can win. Wala kang panalo sa akin. Wala. And this is just a reminder na I own this place. I own the rules here. Tatanungin kita ulit. May maganda bang naidudulot itong pagiging aktibista mo. Kasi right now your brother is in a cell because of your useless fight. Kasi imbes na umaayos ang buhay ninyo lalo lang kayong nalubog." ​Tumulo ang luha ko. I hate myself for crying in front of him. I hate him. Gusto ko siyang itulak at sampalin sa mukha pero alam kong kapag ginawa ko yun mas lalong malalagay sa peligro ang pamilya ko. We are at his mercy. Wala kaming pera. Wala kaming kapangyarihan. Siya ang Mayor at kami ay simpleng tao lang na pwede niyang apakan kahit anong oras niya gusto. ​"Anong kailangan kong gawin," I asked quietly. My tears falling freely now basang basa na ang pisngi ko. "Please. Anong kailangan kong gawin para iurong mo ang kaso laban kay Bert. Gagawin ko ang lahat. Sabihin mo lang." ​Ngumiti siya. Pero hindi ito ngiti ng awa. Ngiti ito ng isang taong nakuha ang gusto niya. He let go of my chin and stepped back away from me. He fixed his suit like nothing intense just happened. ​"We will see Miss Lira," he said smoothly habang nakatingin sa akin ng nakakaloko. "For now umuwi ka na. At ipaliwanag mo sa tatay mo kung bakit hindi uuwi ang kapatid mo ngayong gabi. Isipin mo muna nang mabuti kung hanggang saan ang kaya mong isuko para sa pamilya mo." ​Naglakad siya pabalik sa bintana at tumalikod ulit sa akin. The conversation is over. He just dismissed me like I was nothing. Like my family was nothing but a tiny bug he just stepped on. ​Tulala akong lumabas ng opisina niya. Parang nabingi ako sa lahat ng nangyari. Ang bigat bigat ng dibdib ko na halos hindi ako makahinga. Paano ko ito sasabihin kay Papa. Paano namin mailalabas si Bert. This morning I woke up thinking I was going to save our land. I thought I was doing the right thing for everyone. Pero ngayon dahil sa pagiging aktibista ko at pagbuntot buntot ko dito sa munisipyo baka masira ko pa nang tuluyan ang pamilya namin. ​Nakatingin ang mga tao sa akin paglabas ko. Sila Papa nag aabang lahat sa akin. Nakangiti sila. Waiting for good news. Akala nila napanalo ko na ang laban namin. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang sasabihin ko. Habang naglalakad ako papalapit sa kanila paulit ulit na nag eecho sa isip ko ang mga salita ni Mayor Vincente na nagpatindig ng balahibo ko. ​Kilalanin mo ang binabangga mo. ​Ngayon kilala ko na siya. At alam kong gagawin niya ang lahat para sirain ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE CEO'S PREGNANT BEDMATE

read
101.9K
bc

Marrying My Arrogant Ex-Boyfriend

read
39.0K
bc

NYMPHOMANIAC

read
90.6K
bc

Lihim na tikim

read
91.1K
bc

MY HOT DADDIES (SSPG)

read
38.4K
bc

My Sexy Tomboy

read
93.1K
bc

Wild Nights with Uncle Trex (SSPG)

read
34.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook